Chapter 14
Arlyn and I ran for Nico. Bryan, out of nowhere, ay bigla rin tumakbo sa direksyon kung nasaan si Nico. Siguro ay narinig din nya ang hinagpis nito.
“Brad!!!”
“Nico!!”
“Okay ka lang ba?”
“Sabrina!!” Tiningnan ko si Sabrina ng may laman. Ng may pagtatanong. Ng may pagtataka. Sapat na ang aking tingin para iparating ang mga nais kong sabihin.
Bakit mo ginagawa ang lahat ng mga ito?
Ako na lang ang gantihan mo. Huwag mo nang idamay ang iba!Naglaban kami ng tingin. Sa huli, nilisan din niya ang lugar na iyon.
Halos naghahari na ang kadiliman nang makarating kame nila Nico at Arlyn sa subdivision namen. Patungo sa Chapel, ay madadaanan namen ang pila ng mga punong nakakatakot tingnan sa dilim. Tila kahit anong oras ay maaari silang gumalaw para hilahin ang paa namen at dalhin sa pinakailalim ng lupa.
Sabayan pa ng mga tahol ng mga aso sa mga bahay na malalapit na siya na lang musika sa napakatahimik na daan. Meron ba silang nakikita na hindi namin nakikita?Sabi nila, ang mga aso daw ay mga clairvoyants. Nagtataglay ng mga matang kayang tumagos hanggang sa kabilang buhay.
AWWOOOOOOOOOOOOOOH!!!!!!!!!!!!
At umihip ang hangin na nagbigay ng tindig ng balahibo sa amin.
“Lance, natatakot ako...” Humigpit naman ang hawak sa akin ni Arlyn.Suddenly, tumunog ang phone ko. Someone’s calling. Miss Jane.
“Hello? Miss Jane?”
“Hello Lance! Nasan ka??” Tense na sabi ni Miss Jane.
“Ahmm ... nandito sa subdividion, papunta sa lamay ni Kenneth sa Chapel?” Sarkastikong sagot ko.
“Kasama mo ba si Nico!?” Tumingin ako kay Nico na napatingin naman sa akin. Tila narinig ata ang boses sa kabilang linya.
“Yup Miss Jane. Kasama ko ang barkada. Maliban kay Bryan na---“
“LUMAYO KAYO KAY NICO!!!!!!!!! HE’S THE CULPRIT BEHIND THE KILLINGS!!” Pagputol ni Miss Jane sa sinasabi ko.
Nico? Culprit?Si Nico?!
Muli akong tumingin kay Nico …
“ARGGGGGH!!!!! N-N-Nicooo!” Mabilis akong nasunggab ni Nico at naisandal sa puno. Gamit ang kakaibang lakas at bilis, napunta kami sa posisyon namin ngayon. Sakmal ang aking leeg, at pilit tinataas sa ere, galit na nakatingin sa akin si Nico.
Paano? Paanong ikaw Nico?
...to be continued.
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Fiksi SejarahLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......