8th Spell

108 5 6
                                    

Chapter 8

"GAMIT ang voodoo doll, nagagawang ikonekta ng mga Voodoo ang kaluluwa ng isang tao sa manikang iyon. Dahilan para kung anuman ang gawin niya sa manika, ay mararanasan din ng taong yun. Ngunit kung itatali ang isang maliit na bote dun na naglalaman ng kung anumang gamit na nagmula sa biktima, at ang isang petal ng pulang rosas, mapapa-ibig nito ang taong 'yun." Sagot ni Ms. Jane. Tinanong ko kasi kung kaya bang mang-gayuma ng mga Voodoo.

"Paano ko matatanggal ang sumpa?"

"Dalawa lang ang paraan. Ang kausapin ang Voodoo na tanggalin ang spell, o ang sirain ang manika." Ganun pala. Ngayon alam ko na.

"Pero -"

Agad akong tumakbo at hindi na pinatapos ang sasabihin ni Ms. Jane. Kelangan kong makita si Sabrina.

~

Naglalakad ako sa oval. Hindi ko siya makita. Hindi ko rin siya makontak. "LANCE!!"

BLAAAAGG!

Sapol ng bola ang mukha ko. Dahilan para mapaupo ako sa lupa.
"Sino bang --" Inaalog alog ko ang ulo ko. Umaasa na mawawala ang pagkahilo ko.

"Oy Lance. Wag mo namang halikan ang bola. Bakit hindi mo na lang tawagan ang girlfriend mo?" Sarkastikong tanong ni Stefan. Ang vice captain ng soccer team ng university. Kelan ba ako titigilan ng mga mayayabang na soccer player na 'to.

"Anu ka ba Stefan?! Wala pa siyang nagiging girlfriend, kaya bola na lang ang hanap!" Sagot naman ni Francis.

"HAHAHAHAHAHA!!!!" Nagtawanan ang mga kasamahan nila.

"EVERYONE! Go back to the field! Stefan, pangunahan mo sila." Okay. To the rescue na naman ang captain nila, si Joseph, na nagkataong president din ng class namin, at nagpapansin kay Sabrina.

Umalis ang lahat at bumalik sa field. "Okay ka lang ba Lance?" Tanong ni Joseph habang nakalahad ang kamay upang tulungan akong makatayo.

Sa totoo lang, Mr. Niceguy talaga 'tong si Joseph unlike the typical varsity players would be. Magaling pa sa academics at talagang magaling na leader. No wonder if magkakagusto talaga sa kanya si Sabrina.

"Yeah. I can handle myself. Thanks anyway." Sabi ko at tumayo... ignoring the hand he offered.

"Good. Ahm - Uy! Sabrina ..." Kumaway siya sa likuran ko. Nang lumingon ako siya nga. Si Sabrina Zalves.

Parang may nag-ningning sa paligid niya. Parang feeling ko habang tinitingnan ko siya, mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na nang ngumiti siya. Parang gusto kong matunaw.
Huh? No! No! Hindi pwede 'to. Ilusyon lang ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Hindi 'to totoo.

"Ahmm Sabrina, gusto mo mag-meryenda sa cafeteria? Treat ko." Tanong ko sa kanya.

"Sigurado ka? Hindi yun utang?"

"Oo naman. Anu tara?"

She bit her index finger. Aw. She looks so sexy. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Feeling ko kasi, matutunaw na talaga ako.

"TARA."

Umorder kami ng spaghetti at softdrinks tulad ng sabi niya. Tahimik kaming kumakain nang mahulog ang kutsarang ginagamit nya. Nagprisinta akong ikuha siya ng another spoon but she insist.

Hays. Napaka-independent nya talaga. Ang mga ganitong babae hindi na kinakailangan ng boyfriend.

While she was away, I tried to peek at her back pack na katabi lang ng upuan ko. I know, masama 'to pero mamamatay na kasi ako sa curiousity.

And to my surprise, I saw the voodoo doll...

Itim na manikang tulad ng mga sabi-sabi.

Tama nga si Ms. Jane. May nakataling maliit na bote. Sa loob nito ay isang pulang petal ng rosas. Pero wala akong nakikitang kahit anong pag-aari ko na nasa loob ng bote.

Kinuha ko ang manika at agad umalis..

Sa likod ng university, naabutan ko ang drum na pinag-sisigaan ng utility maintenance. Malakas pa ang apoy nito. Sapat na upang matupok itong manika.

Tinanggal ko ang bote sa pagkakatali sa manika. Binasag. Nagtalsikan ang mga piraso sa lupa.

Tiningnan ko ang manika, tila lumamig ang paligid. Parang niyakap ako ng malamig na hangin. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.

Sa huli, nagawa ko itong sirain. Punitin. Wasakin. At sinunog upang siguradong wala nang matira.

Habang minamasdan ko ang pagkatupok ng manika, bigla akong nakarinig ng mga yabag sa malulutong na dahon na nagkalat sa lupa.

Sa aking paglingon, nakita ko siya.

Sabrina Zalves.

Blanko ang mukha. Walang ekspresyon. Walang emosyon.

Umalis ako sa lugar na yun at dinaanan siya. Pero sa gilid ng aking mata, nakita ko. Nakita ko na may mga nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

HINDI ko alam. Wala na ang manika ... pero ang nararamdaman ko para sa kanya ...

nandito pa rin.

Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon