III. Memoires

60 3 0
                                    


III. Memoires


Year 2004

KABILUGAN ng buwan, naglalakad sa pinakamadilim na parte ng subdivision ang sampung taong gulang na batang si Lance. Hindi alintana ang nakakatakot na aura ng paligid.

Marahil ay dala na rin ng kanyang pagkasawi sa kanyang magandang klasmeyt na crush nya. Bata palang ang ating bida lumalablayp na.

Sa walong sulat kasi na naibigay niya sa kanyang crush ay wala ni isang sulat ang bumalik sa kanya. Ang masaklap pa, kaninang uwian galing sa school ay nakita nya ang kanyang mga sulat sa locker ng kanyang crush. Hindi pa nabubuksan at mas lalo namang hindi pa nababasa ... kahit isa.

Natigil siya sa paglalakad nang makarinig siya ng sigaw ng isang babae. Nang mahanap ang pinanggagalingan ng sigaw ay nakita nyang pinagtutulungang kaladkarin ng limang kalalakihan ang isang batang babae. Takot man ay sumugod si Lance. Nangibabaw ang pagiging maginoo at bayani niya. Wan bersus payb.

"Bitawan nyo siya!!!"

"Aba! May nagmamatapang na bata dito. Bata! Hindi mo alam kung anong pinapasok mong gulo."

"Hindi nyo rin alam kung anong papasukin nyong gulo kung hindi nyo sya bibitawan."

Sumugod siya sa limang lalaki. Hindi alintana na mas higit silang malalaki sa kanya. Binuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at may napatumba siyang isa. Pero hindi sapat ang pagbuhos niya ng kanyang adrenaline para matalo ang mga kalaban. Ngayon, dalawa na sila ng babaeng hindi niya maaninagan ang mukha sa dilim ang hawak ng mga kawatang lalaki.


"Huli na ang lahat para magmakaawa bata." Hawak ang isang dos por dos ay umamba sa paghampas ang lalaki sa kawawang batang si Lance. Target ang ulo ng bata.

Nang biglang umihip ang malakas at napakalamig na hangin. At sa isang iglap, sumulpot ang isang lupon ng mga salagubang sa hangin. Tila sinasadyang sugurin ang mga kawatang lalaki. At mula sa lugar na 'yon, tumakbo ang apat na kalalakihan, bitbit ang lalaking napatumba ni Lance.

Laking pasasalamat na lang ni Lance na hindi pa 'yon ang huling araw niya sa mundo, at bago pa masilayan ang babaeng niligtas niya ng gabing 'yon, tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Hindi niya alam, mula sa malayo ay may nakamasid sa kanilang mga mata. Mga matang kasing bughaw ng kalangitan sa araw.




"Malaki na ang pinagbago mo, Karol."


Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon