15th Spell

32 3 0
                                    

CHAPTER 15

"Ikaw ang may kagagawan ng mga pagpatay?! Pero bakit pati si Ken!?" Hindi ako makapaniwala na isang Voodoo ang kaharap ko. Na ang lalaking naging kaibigan ko simula ng mag-aral ako sa University apat na taon na ang nakalilipas ay sya ring pumatay sa kaibigan namin. Ang tanging taong nagtanggol sa akin sa mga mayayabang na grupo nila Stefan. Si Nico Grande.

"May maitutulong ba kung sasabihin ko sa'yo ang katotohanan kung hanggang dito na lang ang buhay mo?" Akma siyang bumunot sa likuran nya. Isang punyal.

"ANU BA!!!!!? NICO! LANCE! ANU BANG NANGYAYARI? ITIGIL NYO NA YAN PLEASE!!!!!"

Nawalan na ko ng lakas para makagalaw dahil sa kawalan ng hangin sa pagsakal sa akin ni Nico. Dito na nga ata talaga matatapos ang buhay ko. Paalam.

Akala ko ay katapusan ko na, pero naramdaman ko na lang ang sarili na nasa sahig na ng lupa. Malayo kay Nico na tumalksik mula sa isang pwersa. B-Bryan?

"BRYAN!!! Thank God dumating ka. Hindi ko na alam kung anung nangyayari." Sabi ni Arlyn na tumakbo naman palapit kay Bryan.

"Please Arlyn tumabi ka muna." Sabi ni Bryan, causing Arlyn to distort her face with question.

"Can someone please tell me anu ba talaga ang nangyayari?!!"

Tinulungan ako makabangon ni Bryan with his hand he lend to me. Facing Nico na ngayon ay pabangon na sa pagkakatumba, medyo nakaramdam ako ng takot sa aura nya. Oo. Sa hindi malamang dahilan, nakikita ko ng literal ang maitim nyang aura. Black luster aura shining under the light of the moon. Sumasabog mula sa katawan nya.

Tumingin ako kay Aryln. Tila wala naman siyang nakikita. "Anu na guys!!"

"Totoo nga talaga siguro ang mga impormasyong nakalap ko sa'yo Nico. Malalakas talaga ang mga original family." Original family?

"Tingnan mo nga naman Lance, hindi lang pala ako ang may tinatagong pagkatao sa grupo." Sarkastikong sabi ni Nico.

"Lahat na lang pinagtataksilan ka. May natitira ka pa bang kaibigan? May nagmamahal pa ba sa'yo?" Dagdag pa niya.

Nilalason nya ang pag-iisip ko. Simpleng mga salita lamang ang kaniyang binitawan pero tumatak na sa akin. Sabi nga nila, "Words are powerful." Enough to mend a broken soul, or destroy one's spirit.

Nyemas.

"Wala nang mas tataksil pa sa pagpatay sa isang kaibigan!!!" Sigaw ko sa kanya. Galit ako. Ibang iba ang Nico na kaharap ko ngayon. Malayong malayo sa pagkakakilala ko.

Tumingin ako kay Bryan. "Ikaw!" Tumingin naman siya sa akin na blanko ang mukha. "Kakampi ka ba o kalaban?!?"

Tumingin siya sa harap at nagsalita. "Kaibigan mo ako."

Nag-make face lang si Nico. Blinking his eyes sarcastically. "Okay Lance! May isa ka ng friend." Bastos to ah.

"Pero hindi ka maliligtas ng iisang kaibigan, ordinaryong tao man siya o isang shaman." Bulong nya sa kanang tenga ko.

SH*T. Paanong andito agad siya sa harap ko?!

"BWAHAHAHAHAHA!!!!!" At sa isang iglap, mula sa katawan nya ay nagliparan ang mga uwak.

Pero nagising na lang ako sa reyalidad na nakahandusay sa lupa. Masakit ang panga.

"Nasa gitna ka ng isang ilusyon kanina. Sorry. Kelangan kong gawin yun." At hinimas himas ang kanang kamao nya na para bang siya ang nasaktan. Ansakit kaya sa panga!

"Illusions are the same way around as having a dream. To get out of a dream or illusion, you have to wake up into reality. And for you to wake up, you need to feel pain." Paliwanag ni Bryan. Teka, parang may hugot yun ah.

"Siguro nga alam mo na ang kahinaan ng kapangyarihan ng angkan namin, pero hindi ibigsabihin makakaya mo na akong talunin."

"Hindi pa ako hangal para kalabanin ang isang myembro ng original family nang ako lang mag-isa. Syempre, may bitbit akong back up."

From the both sides of the street, lumitaw mula sa mga puno ang ilang mga aso. Mga galit na aso na tila ba kahit anong oras ay pwede na manakmal ng tao. Pero hindi sa amin, kundi kay Nico kung saan nakatutok ang kanilang atensyon.

Umatras si Nico at tatakbo sana nang mula sa likuran nya ay lumitaw si Miss Jane. Mula sa kung anu mang lupalop sa ere nanggaling si Miss Jane. Hindi ko alam kung paano. Just imagine a secret agent that had just landed from a building. Parang si Black Widow. Bad-ass.

"Oooops! Where do you think you're going Mr. Grande?"

"Whoah! Ang apo ni Pedro Evra, ay myembro na rin pala ng APO ngayon."

"Lignum Farraginem!" Sa pagdikit ng dalawang palad ni Miss Jane na tila porma ng isang nagdarasal ng mariin, humampas mula sa magkabilang direksyon ng kalsada ang mga sanga ng dalawang naglalakihang puno na nasa gilid ng kalsada. Sabi na nga ba at gagalaw sila ee.

Tinamaan si Nico. Suddenly, a black smoke came out from the two crushed giant branches. It landed on the ground slowly, shifting to a form of a human, and then Nico reappeared.

"Nice try Miss Jane."

Nang biglang ...

"ARRRGHH! Ilayo nyo sa akin ang asong 'to!!! AAAAAAAHH!!" Si Nico ay nakahandusay ngayon, sakmal ng isang Akita. (Isang uri ng Japanese guard dog)

At sa likuran namin, lumitaw si Mr. Lagro. Philisophy professor sa University. "Ang pinakatatakutan ng mga ancient voodoo, ang mga aso."

Aso? Takot ang mga voodoo sa aso?

"Ang mga aso ay likas na clairvoyant at tinuturing na kalaban ang kadiliman. At dahil ang voodoo ay isang itim na mahika, naamoy nila ito. Para sa kanila, ang kadiliman ay isang kaaway na dapat puksain." Paliwanag ni Bryan habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa laban nila Mr. Lagro at Nico.

"Nakikita mo diba? Ang kaninang sumisirit na itim na aura ni Nico ay unti unting nawawala na ngayon. Ang presensya pa lang ng aso ay nagdudulot na ng malaking takot sa mga voodoo. Sapat na upang manghina sila." Dagdag pa ni Bryan.

Unti unti, nanahimik si Nico habang sakmal ng Akita ang kanyang kanang braso. Lupasay sa lupa sa kadahilanang maaaring nanghina na sya sa takot, o nawalan na lang sya ng pag-asang lumaban.

Pero ang pangalawang dahilan ay isa palang malaking pagkakamali para ibigay bilang isa sa pagpipilian. Dahil sa gitna ng kawalang pag-asa na pwesto nya, ay nagawa pang umalingawngaw ang isang nakakatakot na tawa.

"BWAHA-HA-HA-HA-HA-HA!" Nakakatakot. Nakakagimbal. Tila isang demonyo ang nakikita namin ngayon. Sa isang iglap, binalot sya ulet ng maitim na aura. Umuusok mula sa katawan nya. Pero sa pagkakataong ito, alam kong nakikita na ito ng kahit na sinong normal na tao. Pagtingin ko kay Arlyn ay nakita ko ang takot sa kanya. Napaatras sya sa kanyang kinatatayuan at nasambit na lang nya nang mahina ang pangalang "Nico."

"ENOUGH!!!" Sa isang humpas ng kanang braso, naitapon nya ang malaking Akita. May lisik sa kanyang mga mata nang sya ay bumangon mula sa pagkakalupasay.

"Gusto nyong malaman kung bakit ko nagawa ang mga pagpatay??!!!!!!!" Naghanda sa anumang banta ng atake ang mga shaman. Si Mr. Lagro, Miss Jane, at si Bryan. Lahat kame, ay nakatingin kay Nico. Nag-aabang sa kanyang sasabihin. Takot sa kanyang aura.

"DAHIL SA'YO LAHAT NG ITO LANCE!!!!" at lahat ng mga mata, natuon sa direksyon ko.

To be continued ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon