Chapter 1

41.3K 919 118
                                    

Kasabay ng malakas na tunog ng music sa loob ng bar na 'yon ang bonggang kaba naman ni Verdanah. It was her first time to enter a club. Kapag nalaman 'to ng parents niya tiyak ipapatapon siya ng mga magulang niya sa Jupiter. Napapangiwi na siya ngayon pa lang. Hindi siya sanay lumabas sa mga ganitong lugar. Mahigpit na pinagbabawalan siya ng daddy niya na gumala sa mga ganitong lugar.

Pero 'di naman siya nandoon para magwala. Nandoon siya for a mission. Kailangan niyang protektahan ang bestfriend niyang si Pepsy laban sa gwapong manyak nitong ka eyeball. Naku, kung hindi lang talaga sa biggest concern niya sa kaibigan ay nunca pupunta siya sa bar na 'yon. Ikakain niya na lang ng gummy bears ang in-entrance niya.

Kapag na headline ako bukas patay talaga ako kay Daddy nito. Napangiwi ulit siya sa isip. Ilang years na kayang walang issue ang Daddy niya. Baka ibitin siya nito patiwarik kapag lumabas sa dyaryo na umala-Lindsay Lohan ang magandang anak ni Crosoft D'cruze. Baka 'di na siya sikatan ng araw forever.

Inayos niya ang slight wavy niyang buhok. Ibinaba niya na rin ang medyo maikli pero hapit na hapit niyang dress. Litseng heels at ang sakit na nang binti niya. Buti na lang naisip niyang mag-wig kaya nagmukha siyang foreigner. Well Danah half ka naman talaga. Half siopao, half burger. Kinapalan niya na rin ang eyeliner niya. All in all. Mukha siyang Kpop... Sa balete drive.

Pinilit niyang makadaan sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao sa bar na 'yon. May aircon naman pero 'di na yata kinaya sa dami ng tao. Nabibingi siya sa ingay ng upbeat music at sigaw ng mga tao. Hindi siya makahinga. Panay ang excuse niya sa mga tao.

Na saan na ba kasi si Pepsy? Maktol niya sa isip. Kung bakit 'di pa mahagilap ng mga mata niya ang tangang kaibigan. Tanga talaga! Sumama ba naman agad-agad sa lalaking nakilala lang nito sa wechat. 'De wow! Siya ang naloka.

Pagdating niya sa bar counter ay para siyang nalanta. Wala na talaga siyang energy para hanapin ang langyang kaibigan niya. Nanunuyo ang lalamunan niya. Ang pait ng panlasa niya. Medyo masama din talaga ang pakiramdam niya.

"Isang gatas nga -" natigilan siya.

Napansin niyang napatingin ang babaeng katabi niya sa kanya. Nakataas pa ang kilay. Napalunok siya. Umayos siya ng upo. Syempre with poise. Inangat niyang muli ang tingin sa bartender.

"Gin and tonic please," ano 'yon?

Ewan wala siyang alam. Nabasa niya rin sa kung saan 'yon. Hiling niya na sana hindi siya malasing sa drink na in-order niya dahil mapapatay na talaga siya ng mga magulang niya. Kahit na 23 na siya ay takot parin talaga siya sa dalawang 'yon. Lalo na sa Mommy niya. Okay lang sa Daddy niya at kakampi niya 'yon ... minsan. Napangiwi naman siya. Depende sa situation.

"Ano ka ba naman Text, pare -" natigil siya sa pagsimsim ng iniinum nang inakupa ng isang lalaki ang bakanteng stool sa tabi niya. Actually pilit na pinaupo ng dalawang kasama nito ito. "Relax lang, okay. Hindi ka naman mai-impyerno sa konting saya." Pagpapatuloy ng kasama nitong - inferness gwapo.

Hindi niya naman maiwasang tignan ang lalaking medyo 'di mapakali sa tabi niya. Inferness naman sa white polo nito at slacks. Parang hinatak pa yata ito ng dalawang kasamahan nito sa bible study nito. Pati buhok parang pilit na pina-messy look lang. Other than that, the guy was cute and hot.

"Uuwi na ako -" akmang aalis ito nang mahawakan agad ng dalawang kasama nito ang mga balikat nito. "Guys, uuwi na talaga ako." The guy's hands were shaking. Hindi din mapakali ang mga mata nito.

"Brad, isang drink nga."

"Oh c'mon Text," palatak ng isa nitong kasama. "Loosen up a bit, okay. Hindi ka naman namin ipapahamak."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon