"HAY naku! Tama na nga 'yan Undong." Sita ng nanay ni Text. "Pahuway sad oy! Magpahinga ka dahil buong linggo kang may pasok at pati Sabado at Linggo pinapatulan mo na rin. Kumain ka na. May snacks akong hinanda. Makakahintay 'yang pader."
Natawa lang si Text sa ina. Kakauwi niya lang mula sa simbahan. Maaga siyang nagsimba para matapos niya na ang pagpipintura ng silid ng baby nila ni Danah. Napinturahan na niya halos kalahati ng silid ng pink. Balita kasi ni Tito Crosoft ay babae daw ang magiging anak nila. He couldn't hide his excitement. Sabik na sabik na siyang makita ang baby nila at si Danah.
This house is his surprise to her. Hindi pa nakakapunta si Danah sa bahay nila sa Maynila. Pinaayos niya lang ng kaonti para lalong gumanda. Babalik na kasi ang nanay niya sa Negros at doon and she will be staying their for good kasama na si Lola. Hindi raw para rito ang Maynila. At kahit na pilitin niya ang ina na manatili ay ayaw na talaga nito.
Tumatanda daw ito nang husto sa polusyon.
Bumaba siya ng step ladder. "Oo na po! Kakain na." Lumapit siya sa ina at iniyakap ang isang braso rito. Sabay nilang tinignan ang kabuoan ng silid. Napangiti siya. "Ganda 'di ba Ma?"
"Maganda nga! Ba't 'di mo ligawan?"
Malutong na natawa siya. "Ikaw talaga, Ma."
"Ikaw na bata ka, malapit nang matapos ang renovation ng bahay pero 'di mo parin nakakausap ang ititira mo dito. Aba'y para kang pagong sa kupad!" Pinalo siya nito sa balikat. Napaigik at natawa lang siya sa ina. "Kung hindi nadadala sa dasal aba'y paspasan na't baka makuha pa ng ibang kulot ang mag-ina mo. Ang apo ko! Aba'y ipapa-rebond ko talaga 'yang kulot mo Text kapag 'di ka pa kumilos."
"Ma, ako lang ang kulot sa buhay ni Danah."
"Siguro ngayon, pero sa kupad mo huwag ka nang magtaka kung may ibang kulot na sa buhay niya."
Nagulantang sila nang marinig ang malakas na pagkabog sa pinto sa ibaba. Nagkatinginan sila Text at ng ina niya.
"Gago! Buksan mo 'tong pinto n'yo kung ayaw mong pasabugin ko 'tong bahay mo Text!" Nanlaki ang mga mata ni Text nang marinig pagsigaw ni Danah. "TEXTFORD JACOB SILVA HUWAG MO AKONG TAGUAN AT PANAGUTAN MO AKO!"
"DANAH?"
NAHIRAPAN si Danah sa pagtunton sa bahay ni Text. Langya kasi at sobrang hirap hanapin ng village at isama pang nag-TAXI lang siya. Inaway pa niya ang gagong driver dahil inikot-ikot lang siya para tumaas ang metro ng bayarin niya. Banas na siya ng bongga!
"TEXTFOR –" natigilan at napaatras siya nang pagbuksan siya ng nanay ni Text. "M-Ma?" natabingi ang ngiti niya. Napangiwi siya sa isip. Hindi siya takot kay Text. Mas takot siya sa nanay nito.
"Sa susunod Danah. Kung pasasabugin mo ang bahay 'yong wala ako. Para 'yong anak ko lang ang mapaig – ang matusta." Nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya. It's a miracle! "Akyatin mo sa taas. Kinain na 'yon ng pintura." Tumabi ito at nilakihan ang bukas ng pinto.
"Salamat po Ma." Medyo 'di pa din talaga siya sanay na tawagin itong Mama pero masasanay din siya. For now, kailangan niya munang kausapin ang walangya niyang estranged husband to be. "Sige po." Nagmano muna siya bago tuluyang pumasok.
Dumeretso na siya sa hagdanan at inakyat si Text. Hindi nga lang niya gusto ang matapang na amoy ng pintura at sobrang gulo ng buong palapag. Kumunot ang noo niya sa mga di-plastic na mga gamit ng baby. May crib at kung ano pa na nakakalat.
"Danah huwag ka dito!" nagulat siya sa biglang paglabas ni Text mula sa nakabukas na pinto na may pader na kulay pink. Mabilis na tinakpan nito ang ilong niya at iginiya siya sa isa pang silid na lalong kinagulat niya. Mabilis na pinalis niya ang kamay nito. "Danah?!"
BINABASA MO ANG
SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015
RomanceVERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya magyi-"YES" kung naka "OO" na pala ito kay LORD. The guy freakinly went out from the SEMINARY to MAR...