Chapter 14

12.9K 475 21
                                    


SA tingin pa lang ng lola at nanay ni Text kay Danah alam na niyang hindi magiging madali para sa kanya ang mga araw na ilalagi niya sa pamamahay ng mga Silva. Pero hindi niya 'yon pinahalata. Isa siyang D'cruze. At ang mga D'cruze hindi sumusuko sa laban. Maliban na lang kung wala na talagang pag-asa.

Pero hindi nga at kinakabahan talaga siya.

Ang taray kasi tignan ng nanay at lola ni Text. Lalo na 'yong nanay. Iba ang tingin sa kanya. Para siyang kakatayin sa tingin. Pero hindi sa pagja-judge pero hindi naman kagandahan ang nanay ni Text. Mas level up ni Nanay Dionisia. I mean, maganda naman si Mommy D pero mas level up talaga ang nanay ni Text.

Yong lola naman nakasakay sa wheelchair nito pero sa itsura nito mukhang kaya pa siya nitong sermonan ng bongga. Donya na donya ang dating daming dyamante eh. Kakasilaw. Parang gusto na niyang isipin na ampon lang 'tong si Text dahil ang layo-layo ng lola at nanay nito rito.

"La, Ma," basag ni Text. "Ito po si Danah, asawa ko."

"Magandang araw po," sabay mano sa dalawa.

Hindi naman nakaligtas sa kanya ang mapanuring tingin sa kanya. Gayunpaman ay hindi siya nagpa-apekto at ngumiti lang siya pagkatapos.

"Si Lyra?" tanong ng lola nito kay Nay Dolores.

Kumunot naman ang noo ni Nay Dolores kaya sinagot ito ng nanay ni Text. "Pinatawag ko si Lyra dahil gusto siyang makita ni Mama. Ipakuha mo siya kay Boge at sabay-sabay na tayong kumain pagkarating niya."

"Ah, o-opo madam,"

Hindi naman maiwasan ni Danah na makaramdam ng kaonting dismaya dahil hindi man lang siya kinausap ng nanay at lola ni Text sa halip ay hinanap pa nito si Lyra. Hindi niya alam kung nagkataon lang 'yon o sinadya talaga nilang papuntahin si Lyra doon.

Hay naku! Akala pa naman niya sa mga teleserye lang ng Mama niya nakikita ang mga gan'tong eksena. Pati din pala sa totoong buhay. At kung gaano nasasaktan ang bida ay siya ring mukha at feeling niya ngayon. Ang sarap mag-walk out kung hindi lang talaga kay Text.



SA buong tanghalian mas ramdam niya ang pagiging OP niya sa mga ito. Hindi siya makasabay dahil wala naman siyang alam sa buhay gaano ni Text o noong mga most unforgettable moments ng mga kabataan nito. Naiinis na siya sa takbo ng usapan. Alam naman niyang estranghera siya sa buhay ni Text kaya pinapamukha nila 'yon sa kanya ngayon. Oo, nagsi-selos siya kasi napapatawa ni Lyra si Text at ang lola at nanay nito. Naiinggit siya. She has never been treated like that with her own family o kahit may mga bisita pa sila ni minsan hindi sila naging ganoon. It was just too cruel for them to treat her like that. Kung hindi siya gusto ng mga ito pwede naman nilang sabihin 'yon ng harapan.

She felt so hopeless, wala siyang magawa. Alangan naman din inisin niya rin 'yong dalawa. Kung tutuosin pwede niya 'yong gawin kaso baka isumpa pa siya ng mga ito.

"Anyway, enough of me." Nagulat naman siya nang biglang hawakan ni Text ang kamay niya. "Nanahimik 'tong asawa ko." Nakangiting binalingan siya nito. "Baka natatakot lang 'din 'tong ma hot seat."

"Text," mahinang saway niya.

"Ma, La, magaling na photographer 'tong si Danah. She owns My4ever wedding events. Kasama niya doon ang dalawang kaibigan niya na sila Pepsy at Colt. Familiar ka nun, diba, Ma? I saw you scanning some pictures on their website before."

Nagulat siya sinabi ni Text. Hindi nga?

"Noon 'yon," walang ganang sagot ng Ginang.

Pero malaking bagay na din 'yon sa kanya. Kilala na siguro siya nito kahit noon pa dahil madalas ito sa website ng My4ever. Nandoon kaya ang all about me niya doon.

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon