NAABUTAN ni Danah si Text sa kusina. Sa itsura at ayos nito mukhang kakarating lang nito. Inilapag nito ang dalawang bayong ng mga pinamiling gulay at prutas. Hindi niya naman maiwasang punahin ang suot nito habang sinusuklay ang basang buhok. Nakakuha siya ng magandang puwesto sa hamba ng pinto ng kusina.
She can't help but tilted her head.
Bakit ba anong isuot ng kumang na 'to bagay na bagay rito? He was just wearing a plain white shirt for pete's sake pero bakit bagay na bagay 'yon rito? With that faded blue jeans and ... slippers? Seriously? Hindi niya maiwasang taasan ng kilay ang tsinelas ni Text. Hindi lang 'yon simpleng tsanelas dahil pink ang kulay nun.
Jus ko! Pink!
"Undong!"
Nagulat si Danah sa pagsigaw ng kung sino. Pagtingin niya ay nakalagpas na pala sa kanya ang isang matandang babae na sa tantiya niya na nasa 60 na yata. Mabilis na dinaluhan nito si Text at tinignan ang laman ng mga bayong.
Napansin naman siya ni Text pero nang akmang tatawagin siya nito ay nagsalita ulit ang matanda. Sinenyasan lang siya nito na maghintay muna bago ibinaling ulit ang pansin sa matanda.
"Ikaw jung bataa ka, mag-una-una jud ka permi. Pwede raman gud na suguon na tos Boge na mo adto sa merkado. Na hasol na hinuon ka."
"Ok raman gud Nay, mura man sad kag wala maanad nako." Nakangiting nag-mano muna si Text bago inakbayan nito ang matanda. "Maaga ho akong nagising at maaga pa naman kaya namalengke na rin ako. Hindi ho abala saken ang pamamalengke. Na miss ko nga rin 'to eh... lalo na po ikaw."
Natatawang tinapik ng matanda ang balikat ni Text. "Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan."
"Oo nga pala Nay may ipapakilala ako." Sinenyasan siya ni Text na lumapit. "Wala ho kasi kayo kahapon. Sabi ni Boge pumunta ho raw kayo sa ibang bayan."
"Ah oo, kinasal kasi 'yong pamangkin ko. Eh, bilang regalo na rin ay ako na mismong ang nagluto sa kanila."
Natigil naman ang matanda nang makalapit siya kay Text. Mabilis na inakbayan naman siya ni Text. Titig na titig ang matanda sa kanya. Hindi niya naman maiwasang mailang sa tingin nito. Ang weird nga eh, sanay naman siyang humarap sa mga tao. Pero bakit naiilang siyang harapin ang mga taga baryo ni Text?
Kasi feeling mo iniisip nila na ikaw ang demonyo sa buhay ni Text. Sagot ng isip niya. Eh sino ba namang matinong tao ang hindi iisipin 'yon, aber? Kung hindi nangyari ang gabing 'yon 'di sana pinagpapatuloy pa nito ang pagpapari.
Nagulat siya nang bigla siyang ngitian ng matanda. "Aba'y ito na ba ang inday mo?"
"Opo, Nay, si Danah po. Ang inday ng buhay ko." Ba't ba ang korny ng sang 'to? Grabeh siya oh! "Danah, si Nay Dolores."
"Magandang umaga po Nay Dolores," nakangiting bati niya sa matanda sabay mano.
"Matagal na si Nanay dito. Bata pa lang ako siya na ang kasa-kasama namin dito sa bahay. Hindi siya stay in sa bahay total malapit lang naman ang bahay nila dito. Siya 'yong sinabi ko sayo na lola ni Boge."
BINABASA MO ANG
SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015
RomanceVERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya magyi-"YES" kung naka "OO" na pala ito kay LORD. The guy freakinly went out from the SEMINARY to MAR...