Chapter 24 (Repost)

10.7K 278 29
                                    

"TANG na juice ka Font! Sa dami ng sapatos na makukuha mo 'yon pang botas pampalengke. Mukha tayong tanga sa summer dress na 'to ta's plastic boots? Aish! Kung 'di lang sa malaking sunglasses ko at blonde na wig mag-wo-walk-out na ako." Reklamo ni Crosoft sa anak. "Babawasan ko allowance mo ngayong buwan na bata ka. Mahirap magtrabaho."

Hindi komportable si Text sa suot pero sanay na siyang magsuot ng mga ganito dahil lagi siya ang bidang babae kapag may theater play sa seminaryo. Suki siya doon. Bukod sa pag-arte ay mukha daw talaga siyang babae na pati mga tagalabas na audience ay inaakalang babae talaga siya.

He's not familiar with the movie Mean Girls. Pero kung ganito magsuot ang mga mean girls na tinutukoy nila Tito Crosoft at Font parang gusto niya na lang mawala sa sobrang kahihiyan. Mukha silang tanga. They wore a flower patterned summer dress with spaghetti strapped. At hindi lang simpleng flower patterned dahil iba-iba ang kulay ng suot nila. He wore the green one. Pink ang suot ni Tito at blue ang kay Font.

Pamapalubag-loob na lang ang sunglasses nilang tatlo, wig at wide brim summer hats. Mukha silang takas sa beach na naka botas rin na naayon sa kulay ng dress na suot. Tito Crosoft did the make up kaya 'di na talaga sila makikilala. Nakakawala ng respeto pero para kay Danah titiisin niya lahat kahit magmukha pa siyang malanding bakla.

"Dad naman puro reklamo. 'Yan lang ang nakuha ko sa storage ni Print. Alam mo namang ayaw nung pinapakialaman ang mga tahi niya. Hello, mahirap din kayang magnakaw. Tsk."

"Pack juice! Mukha tayong power puff girls."

Natawa si Font. "Hayaan mo na Dad. Wala namang nakakapansin sa atin."

He would like to disagree with that. Halos lahat nga mga tao sa mall na sa kanilang tatlo ang tingin. They were really the scene of attraction.

"Let's just act na 'di tayo Pinoy para 'di masyadong nakakahiya."

May nakasalubong silang dalawang babae na titig na titig sa kanila.

"Arasoyo!" kumunot ang noo niya nang magsalita si Font sa pinababaeng boses. "Tashi hanbon malssumaejushigessoyo? Neh! Ah nee yo!"

Nakalagpas na ang mga babae nang sagutin ito ni Tito. "Tigilan mo ko Font 'di kita naiintindihan. Sus maryosip! Don't Korean me. I'm not Kimchi."

Pareho silang natawa ni Font. "Manood ka kasi ng drama. Dad. Puro ka na lang basa sa mga sulat ni Mommy. Hiramin mo mga copy ni Paper. Adik ang 'sang 'yon sa Kpop."

"Number zero fan ako ng Mommy mo kaya susupurtahan ko siya kahit gawan pa niya ng storya ang itlot at tatlong... kahit na magkanaanak pa 'yon at pangalanan niyang tortang talong. Huwag kang panira ng trip. It's an act of true love."

Font chuckled. "Oo na! Oo na! Hashtag – ang wagas magmahal ni dyosang ama."

"I know right." Tito Crosoft chuckled. "Teka nga, saan ba magkikita ang ate Danah mo at si Blank?" pag-iiba nito. "Puntahan na natin at namamasa na ang kili-kili ko sa hina ng aircon dito."

"Nasa taas, 'yong bagong open na resto."

"Oh sige na, puntahan na natin at nang makarampa na 'tong bebe Text natin."

"R-Rampa po?"

Inakbayan siya ni Tito Crosoft. "Don't mind the wetness of my kili-kili. Sign of aging lang 'yan." Tumawa ito. "Huwag kang mag-alala. 'Di tayo rarampa doon. Kami bahala sayo. 'Di ka pababayan ng Dyosang daddy-in-law mo."

"Kami bahala sayo brother-in-law." Font flipped his red hair and pose like a model in a magazine. "Sa ganda ko ngayon kahit ang Blank na 'yon mai-inlove saken."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon