"SABI nung bata kanina diretso lang daw sa daan na 'to pero kanina pa ako palakad-lakad wala parin akong nakikitang simbahan." Napanguso si Danah habang naglalakad. Panay ang tingin niya sa paligid. "Shortcut ba 'to? Kambing at manok lang naman nadadaanan ko."
Bigla naman siyang nakarinig ng mga yabag na papalapit sa kanya, nag-uusap pa nga. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang grupo ng mga babae na naglalakad sa direksyon niya. Para pa ngang nagdi-diskusyon ang mga ito dahil hindi siya napapansin ng mga 'to. At sa itsura ng mga 'to mukhang galing pa sila sa simbahan.
Inayos niya naman ang buhok para matakpan ang gilid ng mukha niya. Wala din kasi siyang balak magpakita dahil kasama doon ang dalawang matanda noong nakaraang araw na ayaw sa kanya. Tumigil ang mga 'to nang makalagpas sa kanya. Binagalan niya naman ang paglalakad.
"Hay naku!" ani nung matanda. "Di jud ko ganahan atong bayhana!"
"Ano ba naman 'yan Aling Sita, i-tagalog mo naman. 'Di ko maintindihan eh. Isali n'yo naman ako." Reklamo naman nung dalaga nitong kasama. "Kanina pa kayo nag-uusap diyan 'di ko naman kayo maintindihan."
"Labad ba nimo Mira oy. Ang tagal mo na dinhe sa ato pero 'di ka parin natutotong mag-bisaya. Sabi ko, 'di ko talaga gusto 'yong asawa ni Dodong Text. Kita mo naman, mukhang maarte at walang alam sa gawaing bahay. Hay naku!"
"Mao gyud! Tama jud talaga si Nang Sita, Mira. Kung nalaman lang natin na 'di matutuloy sa pagpapari si Undong, si Lyra na lang sana 'yong nakatuluyan niya."
"Agree ako diyan, aba'y napakaganda ng ating Lyra!"
Sino si Lyra?
"Mabait, magalang, palasimba, magaling sa gawaing bahay, at maasahan pa! Naalala ko pa nga noong mga bata pa ang dalawang 'yon magkasundong-magkasundo sila Text at Lyra. Tiyak kung hindi nagdesisyon si Text na magpari si Lyra lang ang gusto ni Manang Maling para kay Undong."
"Niya kay kasal naman gud nas Undong Text. Wala na tayong magagawa kung hindi ipagdasal sa Diyos na maging masaya si Text sa piling ng bruhang 'yon."
"Sakto jud! Sakto!"
"Hay naku! Ka malas naman lang jud sa atong Text." Sakto namang paglingon ni Danah nag-sign of the cross ang matanda. Hindi niya naman maiwasang pagtaasan ito ng kilay. At nakuha pa nitong magdasal sa pangit ng ugali nito. "Kaawaan n'yo po ang undong namin."
Sumunod naman ang lahat.
"Tara na nga, magsasaing pa ako."
"Naku patay! Wa pako ka luto."
"Mao na! Mao na! Seg tsika."
Pero hindi nga, sino ang tinutukoy nilang Lyra?
Danah shook her head. Ah ewan! Wala din naman siyang pakialam. Uso naman talaga 'yon sa mga drama sa TV. Hindi mako-kompleto ang casting kung walang third wheel.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita na nga rin niya ang simbahan. Maliit lang 'yon. Para nga lang chapel pero 'yong mas malaki. Mapaghahalataan talaga na luma na 'yon at mukhang kasulukuyan pang inaayos. Nakasara ang main entrance nito kaya 'di niya rin masilip kung may tao sa loob kahit na hindi na 'yon 'yong closed type church.
May mga kabataan na naglilinis sa paligid kaso hindi niya naman makita si Text. Lumapit siya doon sa lalaking nagwawalis.
"Ahm, pwede ho bang magtanong?"
"Ah, ano ho 'yon, ate?" sagot ng lalaki sa matigas na Tagalog pero nakangiti.
"Nandito ba si Text?"
BINABASA MO ANG
SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015
RomanceVERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya magyi-"YES" kung naka "OO" na pala ito kay LORD. The guy freakinly went out from the SEMINARY to MAR...