Chapter 8

17.8K 550 34
                                    


"Walang alam sa social media, I bet he doesn't watch tv at all. Or maybe, he preferred religious movies or shows? He doesn't even buy expensive things, though it's not really an essential need, but he could at least buy himself a good quality phone which is not so expensive, right? I mean, I don't understand him? Hindi naman masakit na maging maluho minsan kung deserved mo naman, diba Font?" patuloy na litanya ni Danah sa kapatid na si Font habang naglalakad at nagtitingin-tingin sa mga naka display sa loob ng mall. "He's okay. He's perfectly harmless. Masyado nga lang siyang mabait. Pero may feeling talaga ako na parang mali... na mali 'tong binibigyan ko siya ng pagkakataon na makilala ako? I-I don't know, 'di ko alam kung bakit uneasy parin ako. Fo –"

Napakurap-kurap si Danah nang mapansing 'di na niya pala kasama ang kapatid. Ang walangya! Kanina pa siya nagsasalita pero ang kausap niya nilayasan siya? Saan na naman kaya ang lalaking 'yon?!

"Sakit ka talaga sa bangs Font!"

Hinanap niya ang kapatid. No choice! Alangan namang iwan niya ang mokong. Kung bakit kasi 'di nang-o-orient na may titignan. Pero mukhang 'di niya naman kailangang lumayo dahil mabilis niyang nakita ang kapatid. Nakatayo ito sa harap ng mga naka-display na cartoon T-shirts.

Danah rolled her eyes.

Mabilis na nilapitan niya si Font at binatokan sa ulo.

"Pack juice naman ate!" Font cursed at her sabay himas ng nasaktang ulo. "Kailangan mo pa talagang gawin 'yon?"

"Oo, dahil paasa ka eh! Akala ko may kausap ako, 'yon pala wala."

"Hindi ako paasa, nang-iiwan lang." He chuckled. She rolled her eyes at him. Talaga naman! "Nga pala, Ate, tignan mo?" pinakita nito sa kanya ang isang Mickey Mouse cartoon shirt. Huhulaan niya, puppy eyes na kasunod niyan. "Ganda, diba?"

Nagpa-cute ang kapatid niya. Sabi na eh!

"Oo na! Oo na! Huwag mo na akong daanin sa pa-cute mong pabebe Font dahil alam ko na ang agenda mo. Dalawahin mo na dahil mukhang malagkit rin ang tingin mo sa isang Mickey Mouse na damit."

Natawa ito sabay yakap sa kanya. "The best ka talagang ate! Kaya nga ikaw ang favorite ate ko sa buong mundo."

"Mukha mo!" natatawang inalis niya ang mga kamay ni Font sa kanya. "Ako lang naman ang ate mong baliw ka."

"Kaya nga!" he suddenly kissed her cheeks. "Ate, tatlohin ko na para wala ng sukli."

"Gago! Baka gusto mong bilhin na lang natin ang buong Disneyland?" inabot niya rito ang credit card.

"Huwag na, aksaya sa yaman."

Kinuha na nito ang tatlong magkakaibang design na Mickey Mouse shirt at patakbong pumunta sa cashier. Hay naku, pagdating talaga sa Mickey Mouse lahat na lang bibilhin ng mokong. Kahit noong bata pa mahilig talaga si Font kay Mickey Mouse kaya lahat ng mga bagay na may tatak ng mukha ni Mickey ay binibili nito.

Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa isang coffee shop.

"Alam mo ate," basag ni Font. "Wala namang masama sa pagbibigay mo ng chance kay kuya Text. As a matter of fact, mas maganda pa nga 'yon. Give him a chance. Huwag kang praning." She glared at her brother. Font shrugged and winked at her in returned.

"Pero sa tingin ko parin mali 'tong ginagawa namin... pinapaasa ko lang siya –"

"Paano mo naman nasabi na pinapaasa mo lang siya? Dahil wala ka pang nararamdaman sa kanya?"

Kumunot ang noo ni Danah. Parang may mali sa sinabi ng kapatid. Huwag mong sabihing? Marahas na napatingin siya sa kapatid.

"Paano mo nalaman?!"

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon