"NABABALIW ka na bang bata ka, ha?" galit na tanong ng nanay ni Text rito. Marahas na napabuntong-hininga ito. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo."
"Kasalanan ko ho lahat. Aakuin ko ho lahat ng kasalanan." Seryosong sagot ni Text sa ina. Hindi niya maiwasang sulyapan ang mukha nito. She could only sigh in her mind. Kahit na gusto niyang ipaglaban din si Text ay pinipigilan siya nito. Humihigpit ang hawak nito sa kamay niya."Patawad po Mama."
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka pa nagsinungaling saken? Ano bang pumasok diyan sa isip mo? Hindi ka naman dating ganyan noon?"
"Sorry po," hinging paumanhin ulit nito. "Kasalanan ko naman ho lahat Ma. Ako ho ang nagpilit kay Danah na sumabay sa kasinungalingan ko kahit na tutol rin siya. Alam ko ho kasi na pipilitin n'yo parin akong bumalik sa seminaryo kapag 'di ko sinabing kasal na kami."
"Ano pa bang magagawa ko? Namin ng lola mo? Magkakaanak na kayo. Hindi ko lang matanggap na sa ibang tao ko pa malalaman ang mga ganitong bagay. Alam na alam mo naman Text na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinagsisinungalin ako."
"Alam ko po,"
"Sorry din po." Aniya. "May kasalanan din naman po ako."
"Wala man lang ba kayong planong sabihin samen ang totoo?"
"Meron naman po Ma, kaya lang humahanap lang din naman kami ng tyempo."
"Tsk, kung hindi pa nadulas si Lyra hindi ko pa malalaman ang lahat. Oh siya, total nandiyan naman 'yan. Magkakaapo na rin lang kami. Gustuhin ko mang magalit ay wala ding mapupuntahan 'yon. Asikasuhin na lang natin ang kasal n'yong dalawa at gusto ko na ring makilala ang mga magulang ni Danah."
Nakahinga siya nang maluwag. Salamat naman at hindi gaanong galit ang Nanay ni Text sa kanila. Hindi niya maiwasang haplosin ang umbok niyang tiyan. Angel ka talaga samen ng Papa mo baby. Baka kung wala ang baby nila ay magalit na talaga nang tuluyan ang nanay at lola ni Text. Blessing talaga si Baby.
"Sige po,"
"Salamat po."
"SURE talaga ako na hindi lang nadulas si Lyra. Malakas ang kutob ko na sinadya niya talagang banggitin 'yon."
Kung narinig naman pala ni Lyra ang pinag-usapan nila ng kapatid niya bakit pa ito nagsinungaling. She wouldn't lied if she hasn't to do with it. And her reaction towards Text is really weird. 'Yong paghablot nito sa braso niya nang maaksidente si Text. Ang tuno ng mga pananalita nito. Ayaw niyang pagdudahan ang pagkakaibigan nito kay Text pero kahit anong isip niya doon parin siya itinutulak – na baka nga, may gusto si Lyra kay Text o baka may malalim pang dahilan.
Sinulyapan niya si Text. Kanina pa ito walang imik at malalim ang iniisip. Nakaupo ito sa gilid ng kama, bahagyang nakayuko, hilot-hilot ang noo nito. Tulala. Hindi niya alam kung ano nga bang tumatakbo sa isip nito. Simula nang mabalik sila sa kwarto ay ganoon na ito.
"Text," tapik niya sa balikat nito nang lapitan niya. Mabilis na iningat nito ang mukha sa kanya. "Okay ka lang ba?"
Tipid na ngumiti ito. "I'm okay, may iniisip lang." Naupo siya sa tabi nito. "May sinasabi ka kanina?"
Bumuntong-hininga muna siya. "Sabi ko, malakas ang kutob ko na hindi lang basta nadulas si Lyra." Kumunot ang noo nito. "Noong isang araw kasi, kausap ko si Font sa cell phone at 'yon nga nabanggit ko 'yong kasinungalingan natin. Ta's paglingon ko nandoon si Lyra. Tinanong ko siya kung kanina pa siya nandoon, sabi niya bago lang." Malungkot na tiningan niya ito sa mga mata. "Imposible naman na sa'yo niya 'yon marinig o kay Mateo, diba?"
BINABASA MO ANG
SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015
RomanceVERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya magyi-"YES" kung naka "OO" na pala ito kay LORD. The guy freakinly went out from the SEMINARY to MAR...