Chapter 7

19.9K 628 61
                                    


DANAH

NAKATUNGA-NGA lang si Danah sa harap ng laptop niya nang may kumatok. Sumilip sa nakaawang na pinto ang mukha ni Pepsy. Tinaasan niya ito ng kilay. Bungis-ngis naman ang ibinalik nito sa kanya. Ano na naman kayang pasabog ng 'sang 'to ngayon?

"Ahem," Pepsy cleared her throat, suppressing a smile.

"What is it?"

"Andito na ang santo papa mo."

Kumunot ang noo niya. "Umayos ka kung 'di ibabato ko 'tong heels ko sayo."

Tumawa ito. "Jowk lang! Napadaan ang gwapo mong anghel. Papasukin ko, ha?"

"Sino?"

On cue namang bumukas ng malaki ang pinto at bumulaga sa kanya ang nakangiting mukha ni Text. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Hindi niya maiwasang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bakit kahit 'di nagsusuklay ang lalaking 'to ang gwapo parin. Really, gwapo ang papa niya pero ang kagwapohan ni Text ibang-iba. Ang bait ng kagwapohan. Parang keruben. Isama pang medyo kulot ang buhok nito. Arggh!!

She discreetly shook her head as if it could shift her attention to other things than to glorify Text's almost perfect physical appearance. Habang tumatagal lalong gumagwapo ito. Darn that simple black jeans with his navy blue hooded sweatshirt. Isama pang naka backpack ito at sneakers. 'Yong totoo? Seminarista ka ba dati o na amnesiang model? 'Di ako na orient!

"Hoy laway mo!" Pepsy snapped.

Natauhan naman siya bigla. Mabilis na inayos niya ang pagkakaupo sa swivel chair. Pasimpleng hinawi ang bangs. Kalachuche naman oh! Sa lahat ng sasabihin mo Pepsy 'yon pang mapapahiya ako!

Pasimple niyang pinaningkitan ng mata ang kaibigan.

Pepsy giggled. "Anyway, maiwan ko muna kayo lovebirds. May trabaho pa ako. Bah-bye!" Isinirado nito ang pinto.

Binaling niya naman ang tingin kay Text.

"Hi," may ngiting bati nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang ako..." tinaasan niya ito ng kilay. Natawa ito bigla. "Fine, sinadya kong dumaan."

"At bakit?"

"Dapat ba laging may dahilan kung bakit pinuntahan kita? Hindi ba pwedeng gusto ko lang."

"Whatever, you can sit anywhere you want." Itinuon niya ang atensyon sa screen ng laptop niya pero kahit ganun ay hindi niya maiwasang pasimple itong sundan ng tingin. Kung bakit ba kasi masyado siyang pabebe.

Naupo ito sa visitors lounge niya sa office. Panay ang tingin nito sa paligid habang nata-type siya ng ABCD sa MS Word dahil pa-DIVA siya.

"You have a unique office," komento nito.

"Thanks,"

Simple lang ang design ng opisina niya. White and Baby Blue ang kabuoan na kulay ng mga pader at kisame. Hindi rin masyadong crowded ang interior design – minimal lang. Mostly about weddings and best prenup pictures from her clients. Mas simple pa nga ang kwarto niya sa bahay. All white with a touch of pink. Binawi lang ng mga gamit niya na in different colors.

"Ahm, you said I can sit anywhere, right?"

"Yeah," pabaliktad naman na ABCD ang pinatulan niya.

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon