"BATA pa lang ako lagi na akong dinadala ng Mama ko sa simbahan. Kasama ng lola ko, araw-araw kaming nagsisimba tuwing umaga." Kwento ni Text. "Noong grade 5 saka naman ako pumasok bilang sakristan hanggang sa nag-kolehiyo na ako seminaryo. Pero dahil nga limitado lang naman ang bakasyon ko dahil kung saan-saan kami na a-assign na simbahan tuwing bakasyon ay kapag nadalaw na lang kami dito ako nakakapag-serve sa simbahan."
"Wala ba talagang pumilit sayo na pumasok sa seminaryo or baka naman nasanay ka na lang?"
"Hindi naman, gusto ko naman ang ginagawa ko. Sarili ko namang kagustuhan na pagsilbihan ang Diyos."
Tumango-tango siya. "Alam mo, belib din talaga ako sa inyo. Kasi, diba? May act of poverty kayo, obedience, chastity and all. Sa panahon pa naman ngayon mahirap i-give up ang mga bagay na nakasanayan natin."
"I agree, my first 3 months in the seminary was pure turtore. Maliit ang higaan at matigas pa. Nagsi-share kayo sa mga ceiling fan sa iisang kwarto. Limitado ang pagkain at hindi ganoon karami kagaya sa nakasanayan ko sa bahay. At aaminin ko sayo Danah, reklamador talaga ako dati. Kaya imaginen mo na lang ako sa loob ng seminaryo."
Natawa siya. "Oy 'di ko alam na reklamador ka pero alam ko na asar ka sa ugali kong isip bata."
"Hindi naman ako perpektong tao Danah, nagkakamali rin naman ako, maraming beses pero ang natutunan ko sa loob ng seminaryo dapat hindi mo ipagwalang bahala lamang ang mga nagawang kasalanan kasi kapag binaliwala mo lang 'yon mas lalo lang bibigat. For example, kapag may inililihim ka diba ang bigat sa loob?"
Tumango siya.
"Gayun din naman sa mga kasalanan. Dapat din tayong humingi ng patawad at sikapin na huwag na ulit magkasala pang muli."
"Alam ko na kung 'di pumasa si Font sa seminaryo." Namilog ang mga mata ni Text. Hindi niya naman mapigilan ang matawa. "Naku, wala talaga sa mukha ng lalaking 'yon ang pagkarelihiyoso. Naalala ko pa, umiyak 'yon isang araw. Tinanong nila Mommy kung bakit, hindi raw siya nakapasa sa seminaryo at 'yong isang linggo itong nawala ay dahil nag-stay raw siya ng isang linggo sa loob."
Tumawa si Text. "Alam mo ba, para sa amin isang misteryo ang makapasa sa loob. Marami kasi ang nagsasabi na kung sino pa daw ang desidido at naghahanda para sa exam ay siya namang hindi nakakapasa. Samantalang nakakapasok naman ang mga pumupunta para lang man-trip at chill lang."
"Ay ganun?"
He nodded. "Ako kasi, hindi naman ako naghanda masyado. Sabi ko sa sarili ko, kung makakapasa 'di para saken pero kung hindi 'di hindi para saken."
"Pero paano 'yan? Nakapasa ka nga, pero lumabas ka naman." At dahil pa 'yon sa akin.
"Hindi naman sigurado ang buhay mo sa seminaryo Danah. Sa treynta na nakapasok, lima or sampu lang ang nagiging pari. Kung ano man ang dahilan ng iba, ay ang Diyos lang at sila lang ang nakakaalam." Ipinatong nito ang kamay sa ulo niya saka naman ginulo ang buhok niya. "Kaya huwag mo na namang isipin na ikaw na naman ang dahilan kung bakit hindi ako natuloy."
"Alam ko naman 'yon," hindi niya maiwasang mapasimangot. "Saka sabi mo nga desisyon mo na 'yon. May magagawa pa ba ako?"
Huminto sila sa paglalakad at pinihit siya nito paharap rito. Naingat niya ang mukha kay Text nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Ibinaba nito ang mukha sa kanya saka ngumiti.
"Hindi naman masasayang ang siyam na taon ko sa seminaryo. Hindi porket hindi ako natuloy sa pagpapari mawawalan na 'yon ng saysay."
"Oo na,"
BINABASA MO ANG
SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015
RomanceVERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya magyi-"YES" kung naka "OO" na pala ito kay LORD. The guy freakinly went out from the SEMINARY to MAR...