Chapter 19

14.7K 450 66
                                    

KATATAPOS lang ng misa.

Hinintay ni Danah si Text at ang Mama nito. Kasama niya si Lyra at ang lola ni Text na sakay sa wheelchair. Si Lyra kasi ang gusto ng lola ni Text. Kahit na gusto niyang makipaglapit sa matanda ay 'di niya magawa dahil bukambibig nito si Lyra. Ang nanay naman ni Text masyadong tahimik. 'Yong tipong mata lang ang pinapagalaw nito. Okay lang naman sila. Maliban sa tango at tipid na ngiti papasa na rin silang super close friends na medyo awkward.

"Balita ko sa susunod na linggo na daw ang balik n'yo ni Text?" basag ni Lyra.

"Ah, oo, may importante siyang aasikasuhin sa tinuturuan niya."

"Ahh," tumang-tango ito. "Kumusta ka naman? Masilan ba ang pagbubuntis?"

"'Di naman," napangiti siya, saka hinamas ang medyo umbok na niyang tiyan. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ay lumaki ang tiyan niya. Mukhang gustong magpasikat ng baby nila. "Namana yata ni Baby ang pagiging-mabait ng Papa niya kaya 'di niya ako pinapahirapan." Nakangiti paring ibinalik niya ang tingin kay Lyra.

"Hmm? Mabait nga si Text."

Pero bakit sa tuno ng pananalita ni Lyra para bang may ibang kahulugan rito ang pagiging mabait ni Text. Parang may iba itong sinasabi sa kanya.

"May problema ba sa kabaitan ni Text?" hindi niya maiwasang tanongin.

"Ah, naku wala!" ngumiti ito. "Sorry, may iniisip lang ako kaya medyo pangit 'yong tuno ng pananalita ko. Don't worry, It didn't mean anything."

Sa huli ay hindi niya na rin pinansin 'yon. Baka naman namali lang siya ng pagkakaintindi. Ibinaling niya ang tingin sa likod. Napangiti naman siya nang makita si Text. Naks! Iba na talaga ang inlove eh, noh, Danah? Shst!

Pagkalapit agad ni Text sa kanila ay inakbayan agad siya nito. Ewan ba niya, mukha na siyang temang sa tuwing kasama niya si Text. 'Yong feeling ba na sobrang blessed niya at talagang damang-dama niya ang pagmamahal ng Diyos. Medyo OA pero 'yon talaga ang nararamdaman niya kapag kasama niya si Text.

"Ihatid mo muna kami ng lola mo sa bahay," sabi ng nanay nito. "Saka ka dumiretso sa palengke."

"Anong gagawin mo sa palengke?" baling na tanong niya kay Text.

Gusto niyang sumama.

"May titignan lang ako sa Hardware ta's dadaan na rin ng palengke." Marahang pinisil nito ang braso niya. "Kailangan na kasi 'yong ibang materyales para sa renovation ng simbahan. Saka idadaan ko na rin 'yong gustong bilhin ni Mama sa palengke."

"Pwede ba akong sumama?"

Naglapat ang mga labi nito. Iniisip yata kung tama ngang sumama siya rito.

"Danah, hija," naibaling niya ang tingin sa nanay ni Text. "Kailangan mong magpahinga. 'Di maganda sa buntis ang maglalakad-lakad sa kung saan."

Pero gusto niya talagang sumama.

"Pero po, hindi naman po ako tatakbo. Gusto ko lang ho na sumama. Ilang araw na rin akong napipirmi sa bahay. Sa palengke lang naman ho, diba?" Sinubukan niyang ngumiti. Malay mo naman um-effective at madala sa ngiti, diba? "Saka ho, 'di pa ho nakakapunta ng palengke."

Totoo 'yon, pinagbabawalan siya ng Mommy niya sumama sa lola Antiqua niya dahil lagi talaga siyang nawawala noong bata dahil sa kakulitan niya. Noong magsama naman ang Mommy at Daddy niya lalo lang lumiit ang tsansa na makagala siya sa kung saan dahil sa pagiging paranoid ng Daddy niya – aside that her father is one famous celebrity.

Sa mga teleserye niya lang nakikita ang itsura ng palengke. Walang echos!

Natawa lang si Text sa kanya while most of them stared at her like she was someone from outerspace. Kaloka!

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon