Chapter 13

12.4K 426 43
                                    


TULOG parin si Text sa kabilang kwarto. Natapos na siya sa pagliligpit ng mga gamit niya at hinihintay na lang niya na magising 'yong magaling na lalaki. Naalala niya tuloy ang ginawa niyag panti-tripping sa mukha nito. Magamit nga 'yon pang blackmail minsan sa 'sang 'yon.

Kinuha niya ang cell phone sa kama at tinungo ang bintana. Na miss niya bigla ang Mommy at Daddy niya. Lalo pa't sa totoo lang kinakabahan talaga siya sa pagdating ng lola at nanay ni Text. Ang alam kasi nila ay kasal sila sa huwes ni Text. Sanay naman siyang umarte dahil um-extra role din naman siya sa mga teleserye at movie ng Daddy niya noong bata pa siya at sanay siyang umarte kahit sa feelings.

Jus ko! Humugot pa talaga eh.

I-denial niya ang number ng Daddy niya. Sa ngayon ang Daddy lang at si Font ang mahihingan niya ng opinion. Alam niya kasing kapag nalaman ng Mommy niya ang totoo magagalit ito sa kanya. Masyado kasi itong sensitive pagdating sa usaping pag-ibig. 'Yong Daddy niya, hinahayaan lang siya sa gustong gawin niya dahil may tiwala ito sa kanya.

Hindi naman sa hindi siya maiintindihan ng Mommy niya. Ayaw niya lang dumagdag sa mga alalahanin nito. Pero sasabihin niya naman lahat. Hindi nga lang siguro ngayon.

"Dad?"

"Danah, anak? Napatawag ka? Balita ko may asawa na si El Nino, si El Nina."

Natawa lang siya. "Dad, pwede ba. 'Yong joke mo, eww ha."

"'To naman, pinapatawa lang kita." Tumawa ito sa kabilang linya. "Sa tuno pa lang ng boses mo parang bukas kakatayin na si Pepa Pig."

"Alam na alam mo talaga eh."

"Galing ka saken, hindi nga lang sa akin lumabas. Alam ko kung malungkot ka, kung masaya ka, kung may problema ka o nagmamaganda ka lang. Ikaw ang unang prinsesa ko kaya alam na alam ko kung kailan ka chanak at kung kailan ka dyosa."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "I missed you Dad. I missed you both with Mom."

"We missed you too, baby. 'Tong Mommy mo lagi na lang nangungulit na tawagan ka kaso sinasabi ko walang signal. Napa-praning talaga 'tong Mommy n'yo kapag isa sa inyo wala sa bahay. Kaya umuwi ka na anak, 'di ako maka score sa Mommy mo dahil nababaliw sa kaiisip sayo."

"Dad!" nai-eskandalong saway niya sa ama. "Kahit kailan talaga puro na lang kamanyakan 'yang nasa utak mo."

"Aba'y anak, kung hindi ako lumandi 'di ka mabubuo kaya magpasalamat ka't lumandi ako ng bongga! Haha!"

"You're always making my day, Dad."

"But, I know, sooner or later, anak, someone will make your day brighter than I do."

"Dad!"

"Oh, bakit? Totoo naman? So, ano? Kumusta kayo ni Text sa PBB house?"

"Okay lang," natatawa na nakagat niya ang ibabang labi habang napapangiti na ewan.

"Huwag kang pababe, Danah. Umayos ka diyan."

"Okay nga lang ho kami. Mas nagiging close na kami saka less fighting na kami."

"More loving na ganun?"

"Dad naman eh!"

"Anak, normal na kiligin ka kahit pa ayaw mo. Lalo pa't tumagos 'yon sa puso mo. Just enjoy the feeling he is giving to you. Kahit na ayokong ipamigaw ka ng maaga ay nadali talaga ako sa kagandahang loob ng batang 'yon."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon