Chapter 6

17.8K 606 91
                                    

DANAH

Kanina pa na hulog sa malalim na pag-iisip si Danah. Heto siya, tulala at walang ibang iniisip kung hindi ang pechay na Text na 'yon! Kung bakit ba kasi ang tibay ng resistinsiya ng lalaking 'yon sa usaping responsibilidad. Oo, gwapo ito. Ideal guy ng mga babaeng conservative. Mukha namang mabait. Well, palangiti rin ito. Maganda manamit. Makinis. Matangkad. Makisig. Lahat na yata ng M na hinahanap ng mga babae ay na kay Text na.

Eh 'yon naman pala! Bakit masyado kang pabebe doon sa lalaki?

Like, duh? Unang-una, ang pangit ng pagtatagpo nila – one night stand? Ano 'yon? Parang ang lame naman masyado na papayag agad siyang magpakasal sa isang lalaki na first love si Lord. Mahal niya si Lord pero nakakaloka talaga ang sitwasyon nila. At saka, it was an accident. Hindi naman 'yon sinadya. Mahalaga sa kanya ang naibigay niya kay Text pero hindi naman 'yon basehan para itali niya ang sarili sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala.

At ang kulit-kulit pa ng hudyo – este ng Samaritan na 'yon! Nai-stress siya ng bongga.

Bumaba siya ng kama at tinungo ang vanity table. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Bagong gising pero maganda parin. Not to bragged, bakit pa niya ide-deny e magkaroon ka ba naman ng amang Crosoft D'cruze 'di maambunan ka talaga ng magandang genes.

Hay naku! Nakakatamad 'tong araw na 'to. Buti na lang at ipina-clear niya lahat ng schedules niya ngayong araw. Tinatamad talaga siya ng bongga. Swear!

Mula sa table ay kinuha niya ang tali ng buhok para itali sa nagwawala niyang buhok. Lumabas siya ng kwarto na naka TJ at bunny slippers.

Hindi kataka-takang tahimik ang bahay. Maaga talagang umaalis ang mommy niya. May pasok ang kambal at ang magaling niyang kapatid na si Font ay nasa lungga na naman nito sa attic na ginawa na nitong kaharian.

Natigilan naman siya nang mapansin ang daddy niya na mukhang model na umiinom ng kape sa balkonahe ng bahay. Tignan mo 'tong si Daddy kung maka-inom ng kape akala mo imo-model ang Nescafe eh. Hindi ito nakaupo, sa katunayan, nakasandal ang kalahating katawan ng Daddy niya sa railings habang nakapatong naman ang isang siko nito doon. Hawak naman ng isang kamay nito ang isang tasa habang nakatingin sa malayo. Edi wow! Iharap ko kaya kay Daddy ang bentilador para complete na ang Modeling Starter Pack.

Pigil ang ngiting nilapitan niya ang ama. Humalakipkip siya sabay tikhim.

"Mukhang feel na feel mo ang umaga Daddy ah," she grinned.

May ngiting binalingan siya ng ama. "Ganyan talaga anak, dapat lagi tayong makiisa sa kalikasan." Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa noo. "Good morning, baby. How's your love life?"

"Love life agad?" taas kilay niyang react.

"Ay hindi, 'yong spiritual life mo na lang ang itatanong ko. Kumusta na ang relasyon mo sa Panginoon? May nakikita ka na bang liwanag? Christmas tree? Three Kings? Or Keso de bola na may kasamang ham?"

Lalo lang kumunot ang noo niya sa pinagsasabi ng Daddy niya.

"Daddy!"

Natatawang inakbayan siya ng Daddy niya at iginiya sa palapit sa railings. "'To naman 'di na mabiro. Joke lang 'yon. Huwag mo ngang seryosohin." He playfully messed my hair.

"No work, Dad?" pag-iiba niya.

"Meron, but I cancelled it today. Sasamahan ko si Font sa school niya mamaya."

Naiangat niya ang tingin sa Daddy niya. "Huwag mong sabihing nagbabasag-ulo na si –"

"Grabeh ka naman! Hindi 'yan marunog magbasag-ulo 'yang kapatid mo. Basag-bulsa siguro dahil panay hingi 'yan ng pera." He chuckled. "You're brother is still normal."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon