(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
Excited na excited talaga ako pagpasok pa lang sa trabaho ngayon. Dalawang taon na akong nagta-trabaho bilang photographer at same pa rin ang excitement na hatid no'n sa akin. Ang ganda na makakita ng mga ngiti at ang ganda na maglitrato ng iba't ibang mga bagay. Nakita ko na maraming tao ro'n at agad akong dumiretso sa loob. Hinawi ko ang kurtina ro'n bago at tumambad na mga gagamitin ko ngayon.
Ipinosisyon ko na ang tripod na papatungan ng camera at ang right reflector para doon. Inayos ko na rin ang backdrop background para sa litrato. Iisa lang ang paborito kong camera—talagang advanced 'yon at padala sa akin iyon ng aking ama. Iyon lamang ang ginagamit ko at inaalagaan dahil sa ganda ng quality.
"Good morning po, mga ma'am at sir," nakangiting bati ko sa kanila—mga una kong customer. "Pumosisyon na po kayo para sa pictorial natin. Ako na po ang bahala sa mga bata."
Pinapuwesto ko na sila bago dalhin ang mga bata ro'n para iayos ang posisyon. Pinakandong ko ang baby sa nanay nito, saka ko ipinuwesto ang batang lalaki sa likuran ng tatay niya. Ang batang babae naman ay inilagay ko sa harapan ng pamilya bago bumalik sa camera. Tiningnan ko agad 'yon saka ako umangat para tingnan ulit sila.
"Ma'am, usog lang po sa tabi ng asawa ninyo. Ayusin po natin ang pagbuhat sa baby. Oh, usog pa kuya. Humarap ka at ngumiti na." Muli kong sinilip ang camera at maayos na maayos na silang nasa sentro no'n. Bumilang ako sa pamamagitan ng aking mga daliri at nagwika, "One... two... three! Smile!"
Mabilis ko na silang nilitratuhan bago ulit ako kumuha ng panibagong posing nila. Nagpunta na agad ako sa likuran nang matapos kami saka ko pinalitan ang background. Hinila ko ang kurtina na may disenyong panay rosas at binago ko ang nauna nilang arrangement, saka ko ulit sila kinuhanan ng bagong shots.
Mabilis lang na natapos ang trabaho at naging abala muna ako sa pag-e-edit habang wala pang tao. May humaharap naman sa kanila na laging naroon.
"Ang ganda niyan, ah?" Inaayos ko ang background kung saan naroroon ang pamilya kanina kaya hindi muna ako nakikipag-usap. Kina-cut ko kasi sila at baka mapasobra o kulang ang kina-cut ko. "Marunong ka rin ba mag-drawing?"
Napalingon ako kay Polly na umuusisa sa akin at napatawa ako sa sinabi niya. "Drawing? Anong kinalaman ng drawing sa editing at photography? Ang layo naman ng sinasabi mo..."
"Paanong malayo? Mahilig ka sa editing, nagmi-mix ka ng mga kulay, ikaw ang gumagawa ng background natin. Paanong malayo? Kasi naiisip ko lang na ang galing mo siguro kapag sinubukan mong mag-drawing." Umismid ako sa kaniya kaya natawa ito. "Totoo nga Eunice, nagdo-drawing ka? Talented ka naman, naks. Dapat hindi pinapakawalan ang ganiyan."
Bumanat na naman 'to. Naging kaibigan at road to best friend ko na si Polly. Isa itong butch lesbian—mas dikit sa masculine side niya pero hindi ako nito tipo. Parang magkaibigan lang talaga kami at walang malisya sa pagkakaibigan namin.
"Tama, nagdo-drawing nga talaga ako noon. May sketchpad pa ako dati, e. Nagdo-drawing ako ng cartoons, ng mga laruan... saka ng mga tao. Kaso 'di naman ako siguro kagalingan." Muli kong ibinalik ang aking kamay sa mouse bago ilipat ang na-cut kong mga tao sa background. "Siguro bigla na lang akong huminto sa drawing. May bata akong binigyan ng sketchpad ko, e. Iisa lang ang mayroon ako dati. Hindi ko na maalala kung sino o kung ano siya, pero natutuwa ako na nasa kaniya ang sketchpad ko. Sana naman inaalagaan ng batang 'yon—na babae na ngayon, ang alaala ng pagdo-drawing ko. Siguro malaki na siya, 'di ko lang talaga maalala ang pangalan." Tinapos ko na ang aking ginagawa at pagkatapos ng ilang segundo ay naka-save na 'yon. Nag-unat na ako ng katawan bago tumayo. "Iyan na, ready nang i-print. Wala pa ba tayong bagong kliyente? Gusto ko nang maglitrato nang maglitrato."
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.