(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
Nagpapaikut-ikot lang sa aking daliri ang singsing ni Sylvia. Gusto ko na 'tong ibigay sa kaniya, pero parang natatakot ako sa mga sinabi kanina ni Carmina. Hindi 'parang', talagang ganap na naduduwag ako kay Sylvia.
Gusto ko nang luhuran ito, iyakan... at ganap na hingin ang kaniyang kamay. Nais ko na bumuo ng pamilya kasama siya—siya, at wala nang iba pa.
Natatakot lang talaga ako sa isiping baka biglang sumipa ang lahat ng memorya nito sa kaniya. Naghahatid 'yon ng kaba at matinding panginginig sa akin.
Natanaw ko na si Sylvia, halos sampung hakbang ang layo mula sa akin. Nakilala ko agad ang suot nito na floral na off-shoulder, na mukhang nakasanayan na nito. Parang bumabalik na talaga si Via sa dati.
"Yuyu!" Patakbo niya akong nilapitan, saka ito sumandal sa aking tabi. Naghawak ang aming mga kamay at nakita niya 'yon. "Oh, bakit ganiyan ang daliri mo? May pabilog na marka."
Napatingin din ako sa aking kamay. 'Yon ang kaninang pinaglalaruan ko ng singsing niya at namumula na ang daliring 'yon. Tumawa na lang ako at naghanap ng paraan para makalikas sa usapin tungkol dito.
"Via, where are we going pala?" may bahid ng excitement sa tono na tanong ko sa kaniya. "Gabi na Vi, e. Baka wala na tayong mapuntahan."
"Let's go sa karaoke? Or let's drink, Yuyu! Inom tayo."
Napakamot na lang ako ng batok sa request niya at medyo nakadama ng pag-aalala. "Ah, what if hindi na tayo uminom? Baka kasi mahirapan ka kapag uminom ka."
"I'm with you, ano pa ba ang dapat ikabahala? I'm with my girlfriend. Let's go!" Tumayo na agad ito at umakbay siya sa akin. "Don't be scared to drink, Yuyu. Kaya naman natin parehas 'yon."
Wala na akong nagawa nang makarating na kami sa isang malapit na bar. Naharangan pa nga ako ro'n, bilang kilala na ako ng mga tao na dating nanggulo roon. Wala namang excuse sa aking ginawa dahil talaga ngang unruly ako.
Pagkatapos ng ilang pagpupumilit ni Via ay talaga nang nakapasok kami ro'n. Sinuhulan na lang niya ang bantay para makapasok kami at kinailangan ko pang mangako na hindi mag-iiinom.
"Yuyu, let's drink!" Itinaas ni Sylvia ang boteng hawak niya sa akin habang isa lang ang hawak ko. "Let's have one bottle each, mahirap kasi na mahilo tayo sa labas, walang titingin para sa isa't isa sa atin."
Habang umiinom ito ay panay ang paglalahad niya ng iba't ibang kuwento sa akin. Nakatingin lang ako sa bote na aking hawak, paminsan-minsan ay shine-shake lang 'yon pero hindi ko makuha ang tikman 'yon. Naisip ko nang tingnan si Sylvia at napansin ko na parang nag-iba ang eskpresyon ng kaniyang mukha.
"Yuyu, I'm really sorry. Madaldal ba ako?" Inangat ko ang kamay ko, saka ko ipinakita ang aking palad. Iwinagayway ko lang 'yon sa mukha ni Sylvia. "Bakit naman ganiyan ka? You don't want to drink with me? May nangyari ba?"
"Via, I'm just tired. Saka masarap pakinggan ang mga kuwento mo. Don't worry, mamaya rin ay iinom ako. Just keep on telling me your stories. Anong nangyari kanina?"
"Ah yes, let's go back sa topic ko. Actually, gano'n na nga ang nangyari sa customer..."
Hindi ko na gusto pang sabihin sa kaniya na ayaw kong uminom dahil baka masabi ko pa ang aking problema. Bigla akong naging unsure, pero tungkol lang sa proposal 'yon. Siya ang babaeng pakakasalan ko at kasama sa pagbuo ng pamilya.
"Via, how many kids do you want?" pamumutol ko sa kalagitnaan ng kuwento nito. "If manganganak ka na next year, ilang anak ang dapat sa atin? Ilan ang gusto mo?"
"Maybe two, just two," sagot nito sa akin. "Para kaagapay nila ang isa't isa. Ikaw?"
"Kahit ilan, Via. Basta't anak, game ako sa ganoon—"
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.