Chapter 14: Dark Secrets

212 6 0
                                    

(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)

Naiyak agad ako sa tanong na 'yon ni Sylvia sa akin at nanliit ako sa tapat niya. Parang hindi talaga ako kilala nito sa pagtingin niya, saka ito nag-alala sa nasabi niya sa akin. Napatakip ito sa kaniyang labi at niyakap niya agad ako nang mahigpit.

"Oh my, may nasabi ba akong offensive? Miss, I'm sorry. Hindi kita kilala, e. Please, I'm really sorry." Nanibago ako sa sinabing 'yon ni Sylvia at kumalas na ako sa pagkakayakap niya. Halata ang matinding guilt sa mga mata nito nang tumingin siya sa akin. "Please forgive me, hindi ko alam na nakakasakit pala ang mga sinasabi ko. Please, forgive me!"

Nanlambot ito sa aking tapat at nanatili lang siyang nakikipagtitigan. Parang nagulumihan naman ang aking utak na nakatingin sa kaniya na hindi maintindihan ang sitwasyon. Kinuha nito ang kamay ko, sabay pisil doon.

"Uy, sorry. Mahirap kasing ipaliwanag, e. Puwede mo bang ipakilala ang sarili mo sa akin? Sa paraang 'yon, maybe mas makikilala kita. Hindi ka kasi nababanggit sa akin ng mga lola ko." Hindi ako makapagsalita dahil parang umuurong talaga ang aking dila. "Please understand my situation. Nagkaroon kasi ako ng accident last time, marami akong nakalimutan at hindi maalala. Marami akong nakalimutan nang magkaroon ako ng amnesia. Kasali ka kasi ro'n, e. Maybe puwede mo nang i-introduce ang sarili mo."

"Amnesia?" mas naguguluhan na tanong ko sa kaniya. "Bakit ka magkakaroon no'n?! Via, bakit hindi nakarating sa akin 'to?! Bakit walang nagsabi?!"

"I think dahil ako lang yata ang nakakakilala sa'yo? Umm, I'm not really sure. What's your name?"

"Eunice Jeharra Rosales, Via. I'm your ex girlfriend." Napangiwi ito sa sinabi ko at nagsalubong ang kilay niya. "You can't recognize me? Sylvia, sinadya mo bang kalimutan ako?! Bakit ganito naman?!"

"Why are you shouting at me? Hindi mo ba naiintindihan? May nangyari sa akin kaya ako ganito. And if you're offended or nasasaktan, I'm really sorry. It's not my fault. At kung talaga ngang naging tayo, sa tingin ko ay tama ngang nakalimutan na kita. You know, we need to move on. Ikaw at ako. Lamang lang ako dahil nga sa nangyari sa akin, but it's good na hindi tayo gano'n na magkakilala na gaya ng dati."

Tumalikod na ito sa akin na parang wala lang ako sa kaniya at muli nitong tiningnan ang halaman doon. Ipinagpatuloy niya ang pagsi-sprinkle ng tubig doon. Bigla kong hinawakan ang kamay nito, saka siya tumingin lang sa akin. Wala ang inis sa mga mata nito na sumisiklab sa tuwing kinukulit ko siya. Purong pagtataka lang ang nakalarawan sa mga mata nito sa aking ginagawa.

"Ah, yes? Hindi ba't nakilala na kita? Ano pa ang kailangan mo?" Kinuha ko ang boteng hawak nito at ako na ang nag-spray sa halaman doon. "Oh, you love plants too? Thank you for doing me a favor."

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa halaman?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. "Iniwanan mo ang pagiging guro? Via, gusto mo ang pagtuturo. Gusto mong magbahagi ng kaalaman. Bakit naging hilig mo na ang mga halaman?"

"Hindi para sa akin ang pagtuturo. Lahat ng nakikita ng aking mga estudyante, puro negatibo. Kinatatakutan ako sa paaralan na 'to, Eunice. Hindi magandang magpatuloy kung gano'n na ang impression nila sa akin. Ayaw ko nang magturo pa." Inilagay nito ang magkabila niyang kamay sa kaniyang mga bulsa at nanood lang ito sa akin. "I don't know if you're interested, but I'm managing a business now. Hindi na ako guro, and I'll not come back sa pagiging isang teacher. Mas magandang hawak ko ang aking oras dahil mahirap ang mga ginagawa kong paperworks doon. I've also read na—"

"Nadiligan na ang lahat ng 'to." Nagulat siya nang ihagis ko ang bote sa malayo at hinawakan ko ang kamay niya. "Sumama ka sa akin, okay? I'm not convinced."

"Bakit ako sasama sa'yo?! Hey, hey! Let go, may nakakakita sa'yo!" Hinila ko lang ito papunta sa labas at nahila niya agad ang kamay niya mula sa akin. "Why are you doing this to me?! Wala akong ginagawa sa'yo. Wala rin akong kailangang patunayan, hindi tayo gaanong magkakilala. Wala kang karapatan na hilahin ako."

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon