ENDING

656 14 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

Hindi ko maiwasan na tingnan ang singsing sa aking palasingsingan. Kumikinang doon ang singsing namin, kaya parang tanga ako na panay ngiti. Mas yumakap lang si Eunice sa aking katawan bago tingnan iyon kasama ko.

"Na-scam yata ako ng tindera doon, sinabi niya na mapapa-oo agad kita sa unang beses pa lang na makikita mo ang singsing natin. Palpak." Natawa na lang ako sa kaniyang sinabi. Naubos na rin ang aking boses sa paggawa ng ingay habang nagtatalik kami kanina. "Via, bigla ka nang natahimik. Bakit naman? May mali ba? Magwi-withdraw ka na ba agad?"

Ngumuso ito sa akin at bahagya itong kumaliwa para halikan ang aking labi. Naghiwalay na ang mga 'yon, saka kami nag-holding hands. Hindi ko maiwasan ang pasimple-simpleng pag-iyak dahil sa ganda ng mga nangyayari sa akin. Hindi na rin kami nakabalik sa unit niya, kumain na lang kami ng iniluto ng aking mga lola at nagpahinga na lang dito.

"Eunice, hindi na ako magpapatuloy pa sa pagiging guro. Itutuloy ko na lang ang aking business dahil maganda naman ang negosyo ko. Gusto ko ng oras para sa'yo, at oras para sa mga magiging anak natin," wala nang pagpapaliguy-ligoy na sinabi ko sa kaniya. "How many kids ba ang gusto mo? Ako, nagbago na. Kahit ilan, Eunice! The more, the merrier."

Saglit lang itong nag-isip habang nakatingin sa akin. "Via naman, parehas lang tayo. Basta't kaya mong magbuntis, sige lang. Kahit kasing dami pa ng isang buong barangay ang mga anak natin."

"Ang mambobola nito!" natatawa kong sigaw sa kaniya. Pabiro kong hinampas ang kaniyang balikat, sabay halakhak. Bigla akong natigilan nang mag-replay sa aking utak ang sinabi nito. "Wait. Ako? Magbubuntis? Ako lang? Wow, ha?"

"Why not? Babae ka, e." Hinaplos nito ang puson ko. "And I'd like to see our baby always. Iyong sisipa siya, gagalaw, and many other things. I can't take the photos ng anak natin kapag nagbuntis ako, and it's hard na mag-posing for the photos kapag gano'n."

"Hoy, babae ka rin kaya!" Sabay kaming napailing na lamang. "Anyway, I'll name our first daughter, since lagi namang babae 'yon. I'll name her Kristamyr, okay? You may provide her second name, Yuyu. Her surname will be Solomon, since sa akin siya lumabas."

"Alright, she'll be a Solomon. Kristamyr Ylona Solomon. Pero ang mommy niya, kukunin ang last name ko. I love you, Via. I love you so much."

"Yuyu, hindi magbabago ang sagot ko kahit kailan. I love you, mahal din kita. Mas mahal pa kita, mas angat sa nadarama mo."

Tinaasan ako nito ng kilay na halatang nagtataka, "Hala? Coming from you, Sylvia? Mas mahal kaya kita! Ikaw talagang babae ka. I love you so much! Mas mataas pa sa langit."

"Mas malalim pa sa loob ng black hole ang nadarama ko," natatawang iwinika ko kay Eunice. "Don't tell me, may rebutt ka pa? Naku!"

"O siya, nagmamahalan na nga tayo." Humiga na ito sa aking tabi at nadamay na ako nang mahiga ako sa kaniyang balikat. "Okay? Don't worry, marami pang araw. Napakarami! Magpahinga ka na muna, Vi."

Pinilit kong patulugin ang aking sarili kahit na excited at sabik na talaga ako sa aming kasal. Nakatingin lang ako sa mukha ni Eunice, habang payapa na itong natutulog sa ibabaw ng kama ko. Walang anu-ano'y hinalikan ko ang labi niya at sumubsob ako sa kaniyang leeg.

"I love you so much, Yuyu ko," bulong ko roon. "Thank you."

Tumayo na muna ako para magbalot ng kumot dahil nakadama na ako ng matinding uhaw. Habang nagpapalit ako ng damit ay tiningnan ko si Eunice, saka na ako bumaba ng hagdan para tumungo sa aming kusina. Malalim na ang gabi kaya tiyak na wala nang tao na gising maliban sa akin.

"Esther!" Muntikan pa akong matapilok nang may sumigaw sa aming kusina. Tinungo ko na agad 'yon at nakita kong gising pa pala ang mga lola ko, habang nakaupo sila roon. May dalawang maliliit na kahon akong nakita sa tapat ng aking lola. "Binibini, ibalik mo na nga 'yan! Hindi natin kailangan niyan."

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon