Chapter 9: Her Destiny [R18+]

589 11 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

Lumipas ang dalawang linggo at nakalimutan ko na ang ginawa ng nanay ni Eunice sa akin. Nakarating na rin sa aking utak na hindi ako magpapasindak sa kaniya, lalo na't ako ang dapat na magmataas dahil kung tutuusin ay nagawa kong alagaan at pasiyahin si Eunice nang wala ito. Hindi rin magagawa ni Eunice ang talikuran ako lalo na't mahal na mahal niya ako.

"Devrez suivre mes directives sur le. Ècrivez voz noms sur une feuille de papier et prèparez-vous pour la présentation." (Sundin ang aking mga tagubilin. Kumuha ng isang pirasong papel at isulat ninyo ang pangalan niyo ro'n, saka maghanda para sa pagpapakilala.)

Hinayaan ko na muna ang mga ito sa pagsusulat sa papel na kanilang hawak at nagpaka-busy muna ako sa laptop. Talagang bored ako ngayon dahil wala si Eunice, bilang ni-request na mas magtagal pa ito at nagpasobra siya ng ilan pang araw sa Samar dahil may sinalihan itong contest. Ngayon ang araw na ia-anunsyo ang winners kaya dapat lang na naroon siya para kuhanin ang kaniyang papremyo kung sakali. Sana nga lang ay manalo ito—pero masaya ako para kay Eunice, manalo man ito o hindi. Ako ang papalakpak sa kaniya at titili kahit na hindi ito palarin.

"Ma'am, paano po ilalagay rito?" Lumapit sa akin ang isang babae kaya tinaasan ko ito ng kilay. "Ano po ang—"

"Hindi mo ako naiintindihan? Nakalagay na rin sa pisara ang ibinigay kong gagawin, binibini. Bumalik na sa upuan mo." Napakamot ito sa batok bago bumalik kaya inayos ko na muna ang aking laptop. Sumilip pa ako sa kanila, bago magdagdag ng gagawin, "Bibigyan ko kayo ng dalawampung minuto. Walang dapat na nangangatog ang mga tuhod sa harapan, mga dalagita't binata na kayo kaya dapat lang na matino kayo at marunong magpakilala. Sige, magsimula na't magsanay."

Pilit kong pinipigilan ang aking sarili para huwag panoorin ang pag-a-anunsyo ng winners ng parangal pero kusang pumipindot ang aking mga daliri ro'n. Naki-connect na ako sa internet ng paaralan, saka ako pumunta sa website na alam kong pagdarausan no'n. Sumilip pa ako sa aking mga estudyante para masiguradong hindi sila aware sa aking ginagawa.

"Okay, I'll log in," agad kong iwinika nang buksan ang website. "I'll just check kung sino ang first placer at winner, and then I'll log out. Madali lang 'to."

Talagang nako-conscious ako kaya nagtungo ako sa pintuan ng classroom para silipin iyon. Isinara ko pa 'yon nang mariin bago bumalik sa loob, sabay antabay sa laptop. Ready na rin ang cellphone ko para tawagan si Eunice kung sakaling mananalo ito.

"Eunice, sana manalo ka," mahina kong panalangin. "You can do it, Yuyu."

"Good morning, this is Ofelia Kilomeno. Today, we are gathered here to witness the..."

Ipinalabas na ang lahat ng programa, habang patient lang ako na naghihintay para sa huling segment. Isinaksak ko na ang aking earphones sa laptop para walang makahuli sa akin at nakita ko nang isa-isa nilang inilalatag at ipine-present ang lahat ng photos ng sumali sa patimpalak. 'Rare' ang kanilang category kaya tiyak na maganda ang isasaling larawan ni Eunice. Alphabetical ang pagpe-present nila sa mga litrato kaya nasa bandang dulo pa ang aking nobya. Talagang nasasabik ako na makita ang entry ni Eunice at ang inspiration nito.

"And that's the 'Kites' of Miss Cory Quezon. What a wonderful photo. And moving forward..." Nagulat ako sa litratong bumungad sa akin. Kahit anong kurap ko, iyon talaga ang litrato. Ang aking mga mata. Ang mga mata ko na walang contact lenses, at ang ganda ng kuha ni Eunice roon. Gusto ko sanang umiyak, pero baka ma-irritate ang aking mga mata ng contact lenses na suot ko ngayon. Tumingin na ako ro'n at napangiti agad ako. "This was taken by Miss Eunice Jeharra Rosales. In frame, we can see two eyes with different colors of irises. It's rare, indeed. What a masterpiece."

Umabot na sila ng letter 'Z' sa apilyedo, hanggang sa talaga nang matapos iyon. Nakita ko na napakataas ng rating na nakuha ng isang picture doon kaya akin nang pinapalakpakan ang nagpadala no'n.

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon