Chapter 19: Changing Minds

180 8 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

Bawat araw na lumilipas ay parang natatanggal nang paunti-unti ang kasiyahan ko. Ngayon ko lang napagtanto na talagang may namamagitan na sa amin, at ako pa ang pumayag na maging kami. Kailangan ko nang baliin ang pangako kong hindi na ako magpapalamon sa galit kapag bumalik ang aking mga alaala.

Mali, mali ang lahat ng 'yon. Kinamumuhian ko nang matindi si Eunice at sana nga ay talagang magsisi na ito sa nangyari. Tama nga ako, alam niyang may atraso siya sa akin at alam niyang ganito ang kahahantungan ng lahat. Lahat ng kabalbalan niya ay may consequence.

Gusto ko na lang na i-break ito agad pero hindi, parang nahihirapan akong gawin 'yon lalo na't medyo attached pa naman ako sa kaniya. Ang akala kong mala-fairytale na kuwento namin ay hindi totoo, na naiisip kong dahil kay Eunice at sa babaeng Juliana na 'yon. Silang dalawa ang dahilan kaya nahirapan ang iba kong kapamilya sa akin.

Awtomatikong nagtalo ang utak ko at ang puso nang tumawag ito sa akin. Gusto kong babaan na lang ito, pero hindi ko talaga magawa. Inabot ko na lang ang pindutan doon at agad itong sinagot.

Nakita ko si Eunice na may hawak na mug na may kape, habang nakasuot lang ito ng blue na pares ng pajama. Nakatingin naman ito sa akin na halatang nasiyahan agad.

"Hi! Via!" Ngiting-ngiti pa rin ito sa akin kahit na ilang beses kong sinadya na babaan siya ng tawag kanina. "You good, Via? Vacant ka na ba today? Can we talk now, or saglit lang kitang masusulyapan? Tapos na ako sa trabaho ngayon."

"Ah, okay." Palihim akong nagtaray at inayos ko ang aking higa sa kama. "Tapos ka na? Matutulog na ako, anong oras na."

"Huh? Hindi ba't sinabi mong sabay tayo matutulog? And we're going to talk about your day. How's your day, Via?"

"Pagod ako," agad kong iwinika sa kaniya. "Matulog ka na dahil parehas tayong may trabaho. Bukas, nakapila pa ang lahat ng aayusin ko. Ikaw, dapat ka ring magpahinga para may lakas ka na—"

Mukhang hindi ito magpapadaig sa akin, "Nope! Blangko talaga ang schedule ko for this week para sa'yo. May special pa akong surprise, 'di ba? Nakalimutan mo na agad, Via. Nakatatampo."

Ngumiti ito sa akin na parang nagpapa-cute, saka ito muling naglabas ng teddy bear. Naalala ko nang ito ang teddy bear na nakita ko kanina na ipinakita niya.

"Itapon mo na lang 'yang teddy bear, that's really basic para sa akin. I'm turned off sa ganiyan. Ang pangit, walang kuwentang tingnan. Saka I'd like to tell you na break na tayo. Keep that rubbish bear to yourself, parehas kayong mga cheap. And isa pa, you should break up with me at magsama kayo ng Juliana na 'yon. Best friend? Maybe you're fucking her sa likuran ko." Natahimik lang ito sa kabilang linya at nanatiling nakikinig lang sa akin. Ni hindi man lang nito makuha ang kumurap. "You hear me?! Magsama kayo ng Juliana na 'yon! Magpasalamat ka na lang at nagtitiis pa ako sa'yo! Ang kapal ng pagmumukha mong babae ka! I'm breaking up with you! Nadinig mo?! Ha?!"

Hindi pa rin nag-iiba ang kaniyang hitsura at dilat lang ito na nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako sa nangyaring 'yon, lalo na't parang na-freeze pa yata ito.

*BOOM!*

"Ah! Anak ng—eek!" Napatili ako nang sumabog ang aking laptop at inihagis ko agad 'yon malayo sa akin. Maswerte pa akong napaso lang ang aking kamay at hindi ganap na nasunog. Napamura agad ako, "Putang ina, ang init! Nag-overheat yata iyong buwisit na laptop na 'yon!"

Tinakbo ko agad ang refrigerator namin sa hotel room ko, at dali-dali kong binuksan 'yon. Idinikit ko agad 'yong kamay ko sa gilid ng freezer para maagapan pa.

"Wah!" Muli na naman akong napatili nang tumunog ang aking cellphone. Irritable kong sinagot 'yon, "What? Hindi ba't nadinig mo na—"

"Hello? Via, naputol kasi ang tawag ko sa'yo. How are you, ha? Nawalan kasi rito ng signal, pagpasensyahan mo na. What happened?"

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon