Chapter 13: Things That Are Worth Forgetting

176 7 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

"Mommy, hindi ko po sadya 'yon! Promise, hindi ko rin alam na may sasalubong kay Sylvia. I gave her enough time para makaiwas sa vehicle na 'yon. If magiging hero pa ako na tatalunin siya, walang mangyayari. Mas mapapahamak lang si Sylvia at baka pati ako mapahamak pa. Please, hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko."

"Anak, Caramel... don't blame yourself. Pati nga sina Sylvester walang sinasabi laban sa'yo, e. Walang may gusto na mangyari 'yon. Mahalaga lang na ligtas si Via. Kahit na inoperahan ang bata, mahalagang ayos lang siya at buhay. Ikaw rin mutya, stop staring at her. Huwag ka nang umiyak."

Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan dahil parang may mabigat na dumadagan doon. Hindi ko matiyak kung ano ang dahilan nito, basta lang na mabigat iyon na parang namamanhid. Para lang akong walang saysay na ewan dahil parang wala akong magawa ngayon.

"Esther, tama ba na sinabi ni Caramel na nalulutang si Sylvia habang tumatawid siya? Ano ba ang sadya ng bata ro'n?"

"Mommy Gretch, nabanggit niya na pupuntahan niya si Eunice. Hindi ko na alam ang nangyari at baka nasaktan si Via ro'n. Kumusta na kaya siya? Magaling na kaya siya?"

"Baka wala na talagang pagkakagusto si Eunice sa kaniya."

Mas lalong bumigat ang aking pangangatawan at naramdaman kong kumikirot ang aking dibdib. Iminulat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata, saka ako naluha lalo sa liwanag na bumungad sa akin. Para akong sanggol na naninibago sa paligid at walang naiintindihan.

"Er... umm..."

"Via?!" Naaninag ko na may babaeng sumilip sa pagmumukha ko at may pagkamorena ito. Hindi ko lang talagang mamukhaan ang babae, bilang blurry ang aking paningin at parang walang makita ang kaliwang mata ko. Pumatak ang luha niya sa akin at pinunasan niya 'yon gamit ang kaniyang daliri. "Via's awake! Finally! Caramel, tawagan mo ang lahat! And call Sylvester na nasa labas, dalian mo!"

"Okay, okay! Wait lang mommy, mama, I'll go outside."

Nadinig ko na sumara ang pintuan at isa pang babae ang bumungad sa akin. Base sa boses nilang dalawa at sa endearment nila, mag-asawa ang mga ito. Humalik sa noo ko ang babaeng kakikita ko lang at hinawakan niya ang aking pisngi.

"Esther, gising na si Sylvia. Sylvia, akala namin mawawala ka na. Maraming dugo, Via. Kahit saan. Hindi ko alam ang gagawin ko because you're so helpless. Via, don't be afraid na kumapit sa amin. We are family."

Kaya pala ako hirap magsalita nang dahil sa mga nakakabit sa aking labi. Isa lang ang aking natitiyak, mabait ang babaeng 'to at kampante ako sa kaniya. Para akong bata na kasama ang kaniyang ina sa pakiramdam na ibinibigay ng babaeng 'to.

"F-Fam... ih... ly?" utal na tanong ko. "Ka... ah... yo?"

"Via, don't talk too much. Hindi mo pa kaya. At kami, lagi ka naming bibisitahin para hindi ka malungkot. We're always here." Muli niyang dinampian ng halik ang aking pisngi at tumingin ito sa isa pang babae. "Esther, balikan natin si Via. Kapag umuwi tayo, balikan na agad natin ang bata kinabukasan. Or maybe dalhin natin siya sa bahay at doon na lang alagaan. Kaya naman natin, 'di ba?"

"Mutya, hindi advisable sa ganitong kalagayan ni Via na dalhin sa bahay natin. At isa pa, consider her situation. Nasa hospital tayo, mutya. Hindi puwedeng pabalik-balik tayo rito dahil alam mong kagagaling mo lang sa sakit. We can video call her, 'di ba? Mahina na ang resistensya natin at madali na tayong makasasagap ng sakit."

"Pero Esther—"

"Ang bata rin, baka maumay na sa pagmumukha natin 'yan. Don't worry, Gretchen. Mas maaalagaan siya rito at mamo-monitor nang maayos. Makakausap na rin ulit natin si Via."

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon