Chapter 3: Her Childhood Sweetheart

583 16 1
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

"Wah! Manyak, manyak, manyakis! Manyakis talaga! Uwah! Bastos! Bastos!"

Nanggagalaiti ako sa pagku-kuwento kay Carmina sa nangyari kanina sa akin. Ito lang kasi ang nadatnan kong gising at hindi ko naman puwedeng ikuwento 'yon sa mga lola ko dahil baka sugurin nila 'yon. Ayaw ko na rin ng gulo pero gusto ko lang na ilabas ang lahat.

"Yuckie! Yuck!" Nawawala ang pagiging pormal ko kapag naiinis at kapag may ginawang labag sa kagustuhan ko. Isa na roon ang pag-uutos niya sa akin para maghubad. "As in, yuck! Ang ganda ng babae pero may fetish pala. Kadiri, 'no? She even commanded me to remove all of my clothes. At noong natameme ako, bigla ba namang tinanggal ang butones ng blouse ko?!"

"You know, maybe you're overreacting. Kapag pagod ang tao, it's natural na magmadali sila. And humingi na siya ng tawad sa'yo. Just forgive her para happy na ang lahat." Mariin akong umiling sa kaniya at hindi ako sang-ayon na hindi siya pabor sa side ng kaniyang pinsan. "Kahit ako, minsan nalulutang kapag pagod. I even slept sa crib at ang bata ang pinahiga ko sa tabi ng asawa ko sa kama. That's normal. At wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo, you're taller than my mother at ang laki mong babae."

"It doesn't matter. Madali lang sa kaniya para dakmain ang kung ano mang pribado kong parte at pagsamantalahan ako. Naku."

"Via, it's really nothing. Hindi siya threat sa'yo. Just forgive and forget. Madali lang 'yan." Kinuha nito ang mug sa tapat niya at ipinakita niya 'yon sa akin. "Ang cute ng mug ko, oh! Barney. Gusto mo kantahin ko pa ang theme song nito?"

"Huwag na! Sa anak mo na lang kantahin iyan. Nakakaumay ang pagkanta-kanta mo ng Barney. Ang sakit na sa tainga."

Tumayo muna ito pansamantala at nakita ko na lumapit ito sa asawa niya. Saglit pa akong napangiwi, lalo na nang maghalikan ang mga ito na parang wala ako. Parang babaligtad ang sikmura ko at umalis na agad ang asawa ni Mina kaya nakahinga na ako nang maluwag. Bumalik na ito sa akin at parang wala lang na uminom ulit ito ng kape.

"Nandidiri ka lang siguro dahil sanay kang nakikita ang mga lola natin. Maybe you're used to sa girl to girl relationships kaya gano'n. Naninibago ka na sa mga babae at lalaki. Hindi ka naman lumaki sa parents mo, e. But at least you're there at nahahasa ka pa lalo. Siguro proud sila sa'yo, masyado kang fine at maayos na apo. Samantalang ako, medyo disgrasyada. Malay ko naman kasi na makakabuo kami on our first try..."

"Hindi naman, 'di ba? Ipinakasal nga kayo agad nina Tita Carms at Tita Nica. Parehas lang 'yon, ikakasal ka rin naman kahit na 'di kayo makabuo. Napaaga nga lang. Saka, 'di ba marami ka pang panahon para makasama ang anak mo?! Oh, ang suwerte mo! Malaki na rin ang bata at kinagigiliwan ng mga lola natin. Hayaan mo na lang."

"Sabagay."

"Oh, uuwi na ba ako? Naaabala na ba kita?"

"Hindi naman, ah? I'm just quiet dahil talaga ngang tama ang mga sinasabi mo. Tama nga na naging teacher ka. Naaalala ko, gusto mo dati na maging beauty queen. Tapos ako ang magiging guro. Baligtad na pala. Ikaw ang guro, ako ang beauty queen sa bahay namin. Anyway, ano na ang balak mo sa 'manyakis' na iyon?"

"Ewan! Huwag mo na sigurong banggitin sa akin, nakakainit lang ng ulo! Baka balian ko pa 'yon kapag nagkita kami. Hindi ko tuloy alam kung sinong photographer ang lalapitan. May kilala ka ba?"

Napasandal lang ito at tumingala siya. Agad niyang idinikit ang dulo ng hintuturo niya malapit sa kaniyang noo. "Hmm, I know someone. Kaso sa lugar lang namin 'yon at malayo. Kalat naman ang mga photographer sa labas at laging mayroon diyan."

"I'll see. Mahirap kasi na umaasa ang mga tao sa akin at mag-fail ako sa iniatas sa akin na gawain. Sige, uuwi na pala ako. Anong oras na rin, oh."

Nagpaalam na ako kay Carmina bago umuwi sa bahay namin. Nadatnan ko ang mga lola ko na nasa sofa kaya tumungo ako sa kanila, saka ko nakita na nakasandal sila sa isa't isa habang magkahawak ang mga kamay nila. Napangiti sila nang dumating ako.

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon