(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
"Good morning, kids!"
"Good morning, Ma'am Juliana!"
Panay kuha ako ng litrato ngayon habang naroon ang mga batang kasama ni Juliana ngayon. Ito ang nagsisilbing teacher ng mga bata sa ampuhan na aming binisita. Isa ito sa mga program namin ngayon.
"Here's the sheep, ano ito sa tagalog?"
"Tupa!"
Natapos na ang paglilitrato ko sa kaniya na ipade-develop ko mamaya. Umupo muna ako sa gilid doon at kumuha ako sa isa sa mga juice na ipinapamigay sa amin.
Dalawang linggo kong hindi binalikan si Sylvia para sa space na kailangan nito. Pangalawang beses na 'to, pero gusto kong matahimik muna siya. Hinahayaan ko nang ito ang magdesisyon para sa amin.
"Ano kaya ang ginagawa ni Sylvia?" hindi ko na napigilang tanong sa sarili. "Tawagan ko kaya?"
Parang nadedemonyo ang aking kamay na tawagan ito. Napigilan lang ako ng isipin na baka busy siya, idagdag pa na hindi pa siya nasa kundisyon. Ayaw ko nang mas magtalo pa kami ni Sylvia.
"Hello, kids! Ang cute-cute naman ng bata na 'to..."
Pamilyar ang boses na 'yon kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang babaeng pinagmulan ng boses, na nakitaan ko ng resemblance kay Carmina. Pati ito ay nagulat sa akin at wala na siyang nagawa nang palapitin ko ito.
"Uh, hi!" Kumaway siya sa akin kahit na namumutla na siya sa hiya. "You know me?"
"You're Hershey?" pagdidiretso ko sa kaniya. "Parang hindi. The day na naaksidente si Sylvia, iyon din ang date na huminto ang mga pinapadalang mensahe sa akin. Talaga bang hindi ikaw 'yon? Apat na beses tayong nagkatawagan, and nadinig ko mismo ang boses mo. Tell me, ano ang totoo?" Nabalisa ito kaya muli akong nagsalita, "Bakit mo ginawa 'yon? Kaya ba nagpunta si Sylvia sa ampunan dati nang dahil sa'yo?"
"I'm sorry. Puwede ba na hinay-hinay lang? It's not really me, it's because of Ate Sylvia. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to."
Umupo na siya sa aking tapat habang 'di ko alam ang magiging reaction. Nahahati ako sa dalawa; ang magsisi dahil parang ako ang dahilan ng aksidente niya o kaya ay magalit dahil ginamit niya pa ang kaniyang pinsan para gawin 'yon. Mas matimbang pa rin ang soft side ni Via sa akin kaya nawawala ang galit ko ngayon.
"Tell me, ano ba talaga ang nangyari? Nagiging magulo na ang sitwasyon namin dahil sa amnesia niya. Ang hirap ng ganito, hindi ko na kilala si Sylvia. Puwede mo bang ikuwento sa akin?"
"Okay, okay." Huminga agad siya nang malalim bago tumingin sa akin. Pagkatapos no'n ay nagpakawala na ito ng hangin, bago magsalita, "She's really apologetic noon. Nire-regret niya iyong hindi pakikinig sa'yo. Nasa kamalian ako, I tolerated her. Sinong hindi maaawa? Halos araw-araw siyang umiiyak nang palihim. Hinahanap ka niya, and halata naman na nasasaktan din siya sa lahat. Alam mo, gano'n lang siya dahil ayaw niyang nasasaktan siya. Ibinigay niya sa'yo lahat, e. I'm not saying na you deserve everything na nangyari, but it's painful sa part niya na gano'nin. Ayaw niya sa mga taong hindi tumutupad ng pangako. Like her father, sinabi ng tatay niya na laging isasama si Ate Sylvia sa kahit saan, pero iniwanan siya sa mga lola namin. Don't get me wrong, on good terms na sila. Sadyang gano'n lang ang nangyayari, Eunice."
"Sabi na, e. Ang tanga ko talaga. Dapat natanggap ko na matagal na ang kalagayan ni Sylvia. Sinaktan ko na siya noon, mas sinasaktan ko pa ngayon."
"Kung nagkakasakitan kayo, let her go," suhestiyon sa akin nito. "It's better kaysa on and off kayo. Mahirap iyong gano'n."
"Kahit kailan, 'di ko bibitiwan ang babaeng mahal ko. Si Sylvia iyon, at tutuparin ko ang pangako ko sa kaniya. Bakit pa naging kami kung ganito rin lang?" Napailing na lang ako sa sunud-sunod na isiping pumuno sa aking utak bago ito tingnan. "Mahal na mahal ko si Sylvia, at walang makapipigil doon. Hindi ko kayang makita na nag-iisa siya. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil kay Via."
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.