Chapter 12: Keep Pushing Each Other Away

222 6 0
                                    

(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)

Tahimik lang ako na nag-iisip habang nasa bahay namin ni Sylvia. Kusa akong nagmaneho patungo sa bahay namin at tinitigan ko lang iyon. Parang naiiyak ako sa bawat sulok no'n dahil si Sylvia lang ang aking nakikita.

Gusto ko itong bawiin, at lumuhod sa kaniyang tapat habang nagmamakaawa na kalimutan nito ang lahat ng aking sinabi. Hindi ko alam kung paano ko nakuhang sabihin iyon kay Via, na halatang mahal na mahal ako at natanggap na ang sitwasyon namin. Hindi ko lang talaga kaya na makitang nabubulok sa bilangguan ang aking nanay at humihimas ng rehas. Naging usapan namin ni Ma'am Esther na ia-atras nito ang lahat ng kaso sa aking ina, basta't ibabalik ko na si Sylvia. Hindi nga lang nito nabanggit ang tungkol sa pagpapatawad at galit pa rin ito sa nangyari sa asawa niya.

"Anak."

Nakaramdam ako ng kamay sa aking balikat, kaya napalingon ako sa aking nanay. Nahalata nito ang mga luha ko na walang pakundangan sa pagtulo at ang aking mga hagulgol. Talagang nasasabik ako para kay Via at gusto ko nang bumalik kami sa dati.

"Anak, umalis na tayo." Yumakap agad ito sa akin at tiningnan niya ang mga litrato namin na naroon. "Huwag mo nang dalhin ang mga gamit ninyo, mas maaalala mo lang siya sa ganiyan. Magpahinga ka na, ha?"

"Paano ko makakalimutan si Sylvia kung narito siya sa puso ko?! Kung puwede lang, tatanggalin ko 'to! Ayaw ko nang maalala pa siya! Ayaw ko nang maalala na nagawa ko siyang saktan kahit nangako akong mamahalin ko siya at hindi papabayaan! Wala akong kuwentang tao! Walang hiya ako!" Para akong kinakapos sa hangin habang umiiyak lang ako. "Gusto ko nang maayos kami ni Via! Mommy, magmakaawa tayo sa kanila. Kahit magsimula ako sa baba para makuha ulit ang tiwala ni Via, gagawin ko. Hindi ko kaya ang ganito."

"Wala na tayong magagawa. Eunice, kailangan nating gawin 'to para hindi ako makulong. Kaya mo bang gawin 'to sa akin? Ang makita na nahihirapan ako?"

"Kasalanan niyo 'to, e! Kasalanan niyo ang lahat! Kung hindi niyo ito ginawa sa dapat na magiging lola ko, hindi tayo hahantong sa ganito! Tanggap nila ako, Mommy Eunica! Ikaw lang ang may sinasabi sa akin! Sira na ako ngayon kay Via, sirang-sira na ako!"

"Hindi ko ginusto na mangyari 'to. Mahal kita, anak. Gusto ko lang na mapunta ka sa mabuti! Masama ba na naisin ng isang ina na maging mabuti ang anak niya? Anak, iniwanan tayo ng tatay mo. Walang ina na gusto na magaya ang anak niya sa kaniya. Naiisip ko lang na kapag babae ang naging karelasyon mo, iiwanan at iiwanan ka niyan kapag nakahanap na siya ng lalaki! Anak-"

"Kaya tayo iniwanan ng tatay ko nang dahil sa'yo! Ikaw ang sumira sa pamilya natin! Nagbubulag-bulagan ako noon pa lang, pero hindi totoong magkaiba kayo ng landas na gustong tahakin ng tatay ko! Nanglalaki ka! Sinira mo ang pamilya natin! Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to!" Napayuko ito na halatang napahiya dahil alam ko kung ano ang totoo. "Napahiya ka, ha?! Hindi ba't kasalanan mo naman talaga ang lahat?! Nanlalaki ka! Kaya tayo ganito, at pati ako ngayon sinisira mo! Mommy, hindi ko nagawa ang sagutin ka kahit kailan! Puwede ba na kahit kailan, hindi na tayo ulit magkausap?! Magsama na kayo ng lalaki mo at hayaan mo na lang ako! I'm tired!"

"Anak, hindi ko naman ginusto 'yon. Bugso iyon ng damdamin, at kahit mapunta ka sa kalagayan ko ay maiintindihan mo 'yon. Anak, nadala ako dati. Kaya nga ako nakipaghiwalay at inalagaan na lang kita. Ikaw lang ang mayroon ako, anak."

"Huwag na tayong mag-uusap kahit kailan! Mommy, huwag na huwag na tayong mag-usap pa!" Hahawakan na sana ako nito nang bawiin ko ang aking kamay. "Huwag na tayong mag-usap. Kalimutan mo na lang na anak mo ako."

Tumungo na ako sa kuwarto namin ni Sylvia at agad kong nakita ang damit niya. Kinuha ko agad 'yon, saka ako mas naiyak dahil sa pananabik ko rito. Kahit anong gawin ko ay wala na-wala nang mababalikan pa dahil tinalikuran na ako ni Sylvia. Tiyak na galit na galit ito sa akin.

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon