(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
"Hindi po ako magpapakasal sa lalaki," agad kong sagot sa kaniya. "Mommy, hindi niyo po hawak ang isip at ang puso ko. Hinding-hindi ko susundin 'yan, pero nananatili ang respeto ko sa inyo. Mahal na mahal ko po si Sylvia, at mananatili ito kahit na may away kami. Hindi ka magtatagumpay sa balak mo."
"Kapag hindi ka sumunod sa akin, magpasensyahan na lang tayong dalawa." Halata ang pagbabanta sa boses nito pero kahit katiting ay hindi ako nabahala. Tumayo na lang ako at inilapag ang kahon sa mesa. "Talagang pati ikaw, makukuha mong bastusin ang nanay mo? Ang taong nagpakain, nagbihis, at humubog sa'yo? Ang kapal ng pagmumukha mo! Nagawa ko ito para bigyan ka ng magandang buhay pero nagagawa mo akong sagutin!"
"Kung talaga ngang 'nahubog' mo ako, magiging katulad niyo po ako na makitid ang utak at hindi marunong umunawa! At ang obligation ko, magkano po ba talaga? Nang matapos na tayo. Kalahating milyon? O baka pati ang kotse na niregalo sa akin, gusto ninyong isangla ko para lang matigil ka na—"
*PAK!*
"Walang hiya ka talagang babae ka, kaya sinabi ko nang mali ang patirahin ka rito, e! Talipandas! Bastos! Walang modo kang babae ka!" Namuo agad ang luha sa aking mga mata nang dahil sa sakit na dulot no'n sa akin. "Mas pupuwersahin kita na magpakasal ngayon! Tingnan natin! Umalis ka na rito at magpakasaya ka kasama ng nobya mo!"
Mabilis akong lumabas at sumakay ng aking kotse. Sobrang gulo ng utak ko ngayon, isabay pa na galit si Sylvia at baka 'di ako nito pakinggan. Talaga nga yatang hindi na, dahil mainit ang ulo nito sa akin at galit na galit siya. Nagmaneho na agad ako patungo sa bahay nila at nakasalubong ko ang van ng mga lola niya. Agad ko nang in-atras ang kotse para makaparada sila sa loob, saka nila ako hinayaang makapasok din ng bahay nila. Tinulungan na ang mga ito ng kasambahay at bumaba na rin ang kanilang driver.
Nauna na silang tumungo sa loob at hinayaan na ako ng mga ito na puntahan si Sylvia sa kuwarto niya. Nahiram ko ang spare key sa kuwarto nito kaya palihim ko 'yong binuksan para makita na ang aking kasintahan. Natagpuan ko itong nakadapa sa kama, habang yakap-yakap nito ang dalawang mga teddy bear na ibinigay ko. Panay hikbi rin ito, at halata sa bawat pagtangis niya na talagang nasasaktan si Sylvia.
"Ang sama talaga ng owner ninyo! My Yuyu's really evil! She's really evil! Napakasamang tao! Talagang umalis na siya?! Dapat lang na nagtagal pa siya para sa akin! Patatawarin ko na sana siya, e!" Mas niyakap lang nito ang teddy bear at suminghot ito. "She's unfair! Dapat na talagang tinitiis niya kung ganito ako. Bakit pa naging kami if she's unfair?! Napakasama niya!"
"If you told me to stay, I'll stay. Mananatili ako para sa'yo, kahit na abutin ako ng lamig sa labas. Kahit na maulanan ako, Via. Basta para sa'yo, kakayanin ko ang lahat." Napalingon ito sa akin na nanlalaki ang mga mata—halatang gulat na gulat. Dinampot nito ang unan sa kaniyang tabi at itinutok niya 'yon sa akin. "Sylvia, alam mo na hindi ko sadya ang masigawan ka. Hindi ako natutuwa sa ginawa ko, and I understand your point. Mahal kita, Vi. Talagang nagsisisi na ako—aray!"
Tumama sa mukha ko ang unan na ibinato niya at isa pa ulit ang lumipad sa akin. Nasalo ko na 'yon ng kamay, saka ko iyon inihagis pabalik kay Sylvia. Tinungo ko agad ang kama nito at niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Pinaghahalikan ko si Via kahit na sinisipa ako nito sa bandang puson.
"Mamita! Pinipilit ako na—hmp!" Sinagasa agad ng aking labi ang kaniya habang niyayakap ko ito. Muling kumalma si Via kaya kumalas na ako sa kaniya. "Let go! Isusumbong kita! You're forcing me!"
"Forcing you?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Forcing you to what?! Via, alam mo naman na mahal kita at talagang nirerespeto. Hindi kita pupuwersahin na makipagtalik sa akin."
"Iyan ang hitsura ng ginagawa mo! Mamita! She's forcing me to—hmp!" Muli ko na namang itong hinalikan at kumalas na ako. "Stop kissing me! Hmp! Tama na, Yuyu..."
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.