(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
"So, you're the successor ng business ninyo sa paglaon?" curious na tanong ko kay Sylvia habang nakahiga ito sa aking hita. Sinubuan ko lang ito ng popcorn kaya napangiti siya sa akin. "Ibig sabihin pala no'n, talaga ngang secured ka sa future? Nakita ko, e! Ang laki ng restaurant ninyo at maraming bumibili ng pagkain nila ro'n. Tiyak na yayaman ka talaga."
"Nope, I'm really not interested sa business namin pero ima-manage ko 'yon para maging malago at maging consistent ang pagdami ng customers namin. Eunice, gusto ko ng pera na pinaghirapan. Ayaw ko ng pera na dahil sa mga lola ko. Siyempre may allowance ako, pero hindi pansariling interes ang balak ko. Bilang panganay sa aming 23 na magpipinsan, dapat ko silang ingatang lahat. Hindi magandang nakikita nila na nanlalamang ako."
Napangiti ako sa isinagot ni Via at siyanga—hanga na ako sa mindset niya dahil talagang napakatalino nito. Iyon ang gusto ko sa babae at talagang natutuwa ako na mayroon akong si Sylvia. Napatingala lang kami para tingnan ang tarpaulin sa itaas at naroon ang palabas na gusto namin. Ito ang date namin at gusto naming manood ng palabas outdoors. Special ang araw na 'to dahil nakahilera kaming dalawa kasama ng iba pang 'couples' na nanonood.
"Oh, they're kissing." Napatingin sa akin si Sylvia at nakangiwi lang ito habang hinihintay na matapos 'yon. "Eunice, kung alam mo lang... ayaw ko lang talaga sa love. But wala, e. Tinamaan ako sa'yo."
"Matindi ba?" nakangisi ko namang tanong sa kaniya. Natawa lang ito sabay bato ng parang naaasar na pagtitig sa akin. "Mukha ngang matindi ang tama ko sa'yo, in love na in love ka, e!"
"Nasaktuhan ka lang. Alam mo, inuulan ako ng mga manliligaw sa amin. Suwerte ka lang at sa'yo ako bumagsak."
"Talaga lang, ha? Patay na patay ka nga sa akin." Ngumuso ito kaya hindi ko maiwasang mas magandahan sa kaniya. "Sylvia, what do you want to do after this? Parehas tayong busog, 'di ba? Anong gusto mo pang gawin?"
"Let's shop for clothes! Let's but matching t-shirts, Yuyu! And ipakikita natin iyon sa labas. Or maybe bracelets. Basta, gusto ko ng matching na suot."
"We're going to do that," tanging naisagot ko. "Let's enjoy the movie, Sylvia. Nasa kalagitnaan pa lang tayo at sayang naman ang binayad sa tickets if we'll keep on talking."
Umalis na kami nang matapos ang pelikula at naglibot naman kami ni Sylvia sa mall. Magkahawak lang ang mga kamay namin habang excited kaming naghahanap ng mabibili.
"Mukhang may kailangan kayong ipaliwanag sa akin," pambungad ng babaeng nadinig ko sa aming likuran. "May gusto ba kayong sabihin, mga hija?"
Para kaming nanlamig nang may makihawak sa aming mga kamay. Nakita ko agad ang lola ni Sylvia, kaya para akong nanigas sa takot dahil sa pagtitig niya. Para akong ipalalamon sa lupa ni Ma'am Gretchen, saka lang sumulpot ang asawa nito.
Wala na kaming maisagot kaya ang lola na lang niya ang nagsalita, "Go home, Sylvia. Isama mo iyang si Eunice nang makapag-usap tayo. Magpapaliwanag ka sa akin."
"Mutya, galit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ma'am Esther sa kaniya. "Bakit parang kumukulo ang dugo mo? Gusto mo ba na uminom muna ng tubig na malamig? I'll get your—"
"No, I'm fine. Binibini, kalmado ako. May mga bagay lang ako na gustong kumpirmahin. Halika na, umalis na tayo."
Natatakot talaga ako nang matindi ngayon dahil baka bigla nitong kuwestyunin ang lahat sa akin. Baka ma-ungkat ang problema sa aking pamilya, idagdag pa na hindi nila ako kilala. Baka rin masabi na ginagalaw ko na siya nang walang nagaganap na pagiging official na magkasintahan sa amin. Baka talagang ayaw ako nina Ma'am Gretchen para sa apo nila. O baka itakwil nila si Sylvia dahil may mas magandang future na nag-aabang para sa kaniya na hindi ako involved.
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.