(𝘌𝘶𝘯𝘪𝘤𝘦)
"You're Via?!" Napawi agad ang lahat ng galit ko sa kaniya nang maalala ko na ito nang klaro. Napakagat ako ng labi at tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. "Can I hug you?"
"Of course not!" Lumayo ito sa akin at parang nandiri siya. "You're weird, of course not! Ang kapal mo naman! Napakataas ng confidence mo na yayakapin kita!"
Nalungkot ako nang lumagpas ito sa akin at naging remarkable pa sa akin ang pag-irap na binitiwan niya. Halos rumampa na ito papunta ro'n sa venue at natuwa ang lahat ng tao pagkakita pa lang sa kaniya. Tahimik at nakayuko lang ako na naglakad papunta sa kanila sa pag-asang mag-uusap na kami ni Via. Nakita kong umupo ito sa tabi ng lola niya kaya nilapitan ko na agad ang mesa. Nagulat ako nang kunin nito ang aking plato at parang ibibigay pa sa waiter pero nahinto siya nang titigan siya ng kaniyang lola.
"May kakain pa riyan," diretso at may otoridad sa tinig na iwinika niya. "I'll tell you if dapat nang gumalaw ka, Via. Put that back at samahan mo ang bisita natin."
"Opo mamita, I'm sorry." Agad siyang umupo at ipinatong na nito ang plato ko. Nagkatitigan kami at nagsalubong agad ang kilay niya sa akin. "Are you eating here? Get lost, sa iba ka dahil-"
"Sylvia." Si Ma'am Esther na ang nanaway rito, "Don't insult her. Narito siya para kumain at siya ang nauna naming samahan sa hapag. Pangit ang kalalabasan ng lahat kapag may isang nagsusungit."
Palihim akong bumelat dito bago umupo sa puwesto ko ro'n. Dumating na ang pagkain ni Sylvia kaya palihim ko lang itong pinapanood habang kumakain siya. Magaan lang ang kamay nito at halos hindi kumakalansing ang kubyertos sa bawat pagtama no'n sa plato. Tinusok niya lang ng tinidor ang roast beef para kainin at pagkatapos ay gumamit siya ng tissue para punasan ang labi niya. Nahuli ako nitong nakatingin sa kaniya kaya umikot ang mata nito na parang puti na lang ang makikita at biglang pumitik ang mga nasa mata nito. Napansin ko na may suot pala siyang contact lenses at tumalikod muna ito saglit. Nakita ko na ibinalik niya 'yon bago kumain na parang walang nangyari.
"Malabo ang mga mata niya kaya gano'n si Via," paliwanag ni Ma'am Gretchen. "Don't mind her, lagi kasing babad sa laptop ang bata kaya nanlabo na ang mga mata. Pero natural na olive green ang mata ng apo namin. Sige, kain ka lang. Marami pang makakain doon. Marami kasi kaming hinanda."
"Opo, salamat po ma'am."
Mabilis lang akong natapos sa pagkain at hindi ko na pinansin pa si Sylvia. Tumayo na ako nang matapos pero hindi pa rin ako nagpapaalam. Hinihintay ko lang si Via para makausap ko ito at mabanggit sa kaniya na talagang hihingi na ako ng tawad. Bihira kasi ang mga kaibigan na gaya niya na talagang nangungulila at natutuwa sa akin.
"Via, you should escort Eunice sa bahay natin," diretsong utos ni Ma'am Gretchen sa kaniya. "Maybe you can give her a tour sa bahay? You kept everything she gave you, right? Her bracelet... sketchpad... and intact pa ang dati mong tablet. You can charge it to retrieve your old pictures na nasa gallery and to retrieve your friendship. Don't worry Eunice, sa susunod na kalsada lang ang bahay namin. Nirentahan lang namin itong space na 'to at napakalapit lang ng aming tahanan."
"I don't want to come with her," sagot niya habang may pandidiring nakatingin sa akin. "Mamita, baka kung ano pa ang gawin niyan. If I know, baka kinukuha lang niya ang tiwala ninyo."
"Mali na manghusga, Via," sagot pa nito. "She's kind at hindi niya iyon magagawa. Besides, gusto ka lang niyang makausap."
Tumango ako para lalong makuha ang simpatya ng mga lola nito. Mukhang naawa na rin si Sylvia sa akin kaya tumango siya kahit na medyo pilit. Lumukso agad ang aking puso sa tuwa-kasama na ang matinding silakbo ng damdamin ko dahil nawala na ang galit ko sa kaniya. Masaya ako na makakausap ko ang taong naging parte ng childhood ko, at makakapagpasalamat na ako sa kaniya at sa pamilya niyang tumanggap sa akin. Parang relative nila ako kung ituring nila ako at walang ilang doon.
BINABASA MO ANG
Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]
RomanceSylvia meets her childhood crush again, but the tables have turned.