Chapter 17: Unexpected Wish

185 6 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

"Girlfriend?"

Hinalikan ko ang kamay ni Eunice sa kanilang tapat, dahilan para mapatayo ang aking mga lola at hawakan agad ako. Inihiwalay agad ako ni Mamita Gretchen kay Eunice at hinawakan naman ng isa ko pang lola ang aking kasintahan. Hinarangan pa nila ako, dahilan para maghiwalay ang aming mga kamay.

"Mamita? Bakit po?" halata ang pagkabahala sa boses na tanong ko sa kaniya. "Bakit niyo po kailangang ilayo si Eunice sa akin? Wala po kaming ginagawang masama."

"Sumama ka sa akin, Sylvia. Huwag tayo sa harap ng mga bisita."

Dinala na ako ng aking lola hanggang sa isang kuwarto ro'n. Isinara niya agad 'yon bago lagyan ng lock, saka siya lumapit sa akin. Halata ko ang concern sa mga mata nito habang nagsasalita siya kanina, kaya hanggang ngayon ay para akong kinakabahan na 'di ko mawari.

"Kailan pa 'to?" tanong sa akin ng aking kaharap. "Hindi ka pa ba natuto? Sylvia, hindi ako tutol sa inyo. Sure ka ba sa desisyon na 'to? Hija, mahirap na nagsisisi ka sa huli. Napahamak ka na noon, what more pa kaya ngayon? Mahirap na masaktan ka ulit, Via. Hindi ko na alam ang gagawin kapag naulit pa 'yon."

"I'm alright, Mamita Gretchen," pagpapakalma ko sa kaniya. "Wala lang po 'to sa akin. Sigurado po akong mahal ko si Eunice. Hindi ba't ako pa rin po ang Via noon? Iisang katawan lang 'to, at nagpapadikta ako sa puso ko. Mahal na mahal ko po siya hanggang ngayon, at mananatili 'yon kahit na ilang beses pa akong makalimot."

Umupo ito sa kama ro'n at napasapo siya sa kaniyang noo. Gusto ko sana itong pakalmahin, pero parang dismayado ito na hindi ko maintindihan. Alam ko lang na kung talagang mahal niya ako bilang apo niya, maiintindihan niya kami ni Eunice. Mapapagtanto niyang hindi padalus-dalos ang aking desisyon at talagang nagmamahalan kami. Hindi naman niya kami hahadlangan base sa kaniyang sinabi, gusto lang nito na maging sigurado ako sa aking desisyon.

"Via, please naman. Hindi mo pa nga alam ang lahat sa kaniya, 'di ba? Think twice. What if hindi mo pala talaga siya mahal? Ilang taon na ang lumipas, Via. Parang nilalaliman mo lang ang sugat mo."

"Wala pong sugat in the first place. Mamita, I'm already old. Nakita mo na nga pong nagpakasal si Mina at Carrie, 'di ba? Tingnan niyo pa't mas matanda ako sa kanila."

"Are you disrespecting me, Sylvia? Sinasabi ko lang na isipin mo muna ang ginagawa mo, hija. Huwag mong ikumpara ang kalagayan mo kina Carmina dahil iba ka. Si Mina, maaga siyang nabuntis. Si Carrie, gusto nang magpamilya agad dahil kaya naman niya. Ikaw, iba ka. Matutuwa pa sana ako kung iba na ang makakarelasyon mo, e. Kaso hindi, at talagang pinapanindigan mo pa 'yang si Eunice. I'm giving you time to consider everything."

"Wala po tayong dapat na i-consider. Mamita, lola ko lang po kayo. Hindi po kayo ako. At ipagpalagay po nating masasaktan ako, sige. Masisisi niyo po ba ako? May relasyon po ba na puro sarap at saya lang? Kaya nga po nangyari 'yon, e. To test our love for each other. Mahal na mahal ko po siya, Mamita Gretchen. Wala na po akong ibang mamahalin maliban sa kaniya." Kinuha ko na ang kaliwang kamay nito, saka ko pinakiramdaman 'yon. Nanlalamig ang kaniyang kamay na medyo unusual sa kaniyang mga kaedad. "Hayaan niyo na po akong magmahal. Kesyo maalala ko siya or hindi, wala na po 'yon. Mahalaga lang na narito kami para sa isa't isa. At hiling ko po na sana ay huwag ninyong pagsasalitaan nang masama si Eunice."

"I'm not badmouthing her." Umangat ang kaniyang tingin. "Via, gusto ko lang na maging sigurado ka. Patawarin mo ako kung nasaktan din kita, ha? As your grandmother, it's my responsibility to take good care of you. Dapat din na protektado ka."

Lumabas na ito ng kuwarto kaya sumunod na ako sa kaniya. Hindi ko naman makita si Eunice sa kahit saan, kaya nagpalibut-libot muna ako sa bahay namin. Natatakot ako na baka lumayas na ito o kaya'y naisip niyang pinagalitan ako.

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon