Chapter 5: There's No Turning Back

517 12 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

"Alam na alam mong i-maneho ang van na 'to, ha?" natutuwang papuri ko kay Eunice. "Dati ka na sigurong nagda-driving lessons. Or baka nagda-drive ka ng getaway car ng mga kriminal."

Natawa agad ito sa akin na parang binabalewala lang ang lahat ng sinabi ko. Nakita ko na ang dinadaanan naming parang bundok na sobrang kipot at may halos sampung pulgada lang ang space para sa gulong ng van namin. Medyo natatakot ako pero kalmado lang talaga si Eunice.

"Nasubukan mo nang lumangoy? Or maybe, manghuli ng isda? Umakyat kaya sa puno? Sylvia, ang dami nating puwedeng gawin doon! Sa atin lang ang lugar at malayo sa sibilisasyon."

"Tirahan ba ng mga sinaunang tao ang tutuluyan natin?" hindi makasiguradong tanong ko rito, "And isa pa, malayo sa bayan. Paano tayo makatatawag sa mga lola ko? How about our swimming? How sure are you na hindi tayo bobosohan? Or baka mamaya, ikaw pa ang mamboso sa akin."

"Masyado kang proud sa sarili mo, Via. Hindi naman ako gano'ng uri ng tao. Anyway, I need to pee. Malapit na tayo kaya kailangan nating huminto muna para umihi. Naiihi ka ba?"

"Bakit mo ako tinatanong nang ganiyan?!" may irita sa tono na tanong ko sa kaniya. "And do you even care kung iihi ako? Saka bakit ba ikinukuwento mo pang iihi ka? As if naman na mamboboso ako."

Hindi na niya ako pinansin pa. Halata namang naiihi na ito dahil nanginginig at nagtatama ang mga hita niya, at agad na niyang inihinto ang van bago kami bumaba. Nauna na itong maglakad kaya sumunod na ako kay Eunice.

"Bakit ka sumusunod?" Napalingon ito sa akin at ngumisi siya. "Gusto mong mapanood kung paano ako umihi?"

"In your dreams! Yuck! Kaya lang kita sinamahan dahil baka mamaya, biglang lundagin ang van ng kung sino at tutukan ako ng armas. At least ngayon kasama kita. And do you even think na sisilipan kita? Yuck! May pagkababae rin ako, there's no need to see yours."

Naglakad pa kami nang naglakad patungo sa pinakamasukal na bahagi ng parang gubat na 'yon. Nakakita ako ng matatayog na puno kaya agad akong natakot, pero nabalewala iyon dahil nakakita kami ng balon sa banda ro'n. Sinilip iyon ni Eunice at tumingin ito sa akin.

"Iyan, buti may panghugas ako." Agad niyang tinalian ang parang alambre ng timba bago ibaba iyon. Unti-unti niyang ibinaba ang lubid at napansin nito ang mukha ko. "Takot ka ba sa ganito? Lagi itong pinupuntahan ng mga tao, sadyang wala lang sila ngayon dahil maaga pa masyado. Walang oso rito o kaya'y leon. Masyado ka namang nerbyosa."

"Malay ko ba? Saka kailan ba ang huling bisita mo rito, panahon pa ng kopong-kopong? Malay ba natin kung nagpaparami na ang wild animals dito?"

"Kung may wild animals man dito, sila pa ang matatakot sa'yo." Hinila na niya ang timba at nakita ko nang may tubig iyon. "Sapat na 'to, iihi lang naman ako. Magwiwisik lang ako ng tubig. Siyanga pala Sylvia... hawakan mo muna 'to."

May ibinigay siyang maliit na camera sa akin, ang cellphone niya, pati ang wallet nito. Naglakad na siya palayo sa akin kaya nagpalibut-libot muna ako—hindi malayo mula kay Eunice. Nakakita ako ro'n ng mga puno at ang tatayog mga iyon. May iba na namumunga, at may iba na patay at natutuyot na—pero balanse lang ang hitsura.

"Wala pa naman si Eunice, maybe I can use this." Mabilis akong tumalikod para siguraduhing wala siya sa aking likuran bago kuhanin ang camera nito. Agad kong binuksan 'yon at saglit na kinalikot. Mabilis kong kinunan ang isang puno ro'n bago itabi ang camera.

"Nakita ko 'yon."

"Ay camera!" Napahawak ako sa dibdib bago lingunin si Eunice na natatawa sa akin. Padabog kong ibinigay ang mga gamit sa kaniya, "Iyo na iyan! Iyan pa, oh! Buwisit ka!"

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon