Chapter 15: She Chose To Forget [R18+]

291 6 0
                                    

(𝘚𝘺𝘭𝘷𝘪𝘢)

Nanonood lang kami ni Eunice sa balita at nakita naming saksakan nga talaga ang lakas ng ulan. Nabahala agad ako para sa kaniya, lalo na't alam kong madulas sa kalsada. Nagkatitigan kami sa balitang 'yon at napaayos ako ng upo sa sofa.

"Via, uuwi na pala ako mamaya. Baka mas sumama pa ang lagay ng panahon. Bibisitahin ulit kita bukas, okay? Magdadala ako ng nachos para sa'yo. At kahit na ano pang ipabibili mo, Via. Padalhan mo na lang ako ng text." Tumayo na ito at nagpagpag ng sarili. "Maybe now? Ngayon na lang kaya, 'no? I'll go home, Via. See you."

Maglalakad na ito palayo nang kunin ko ang kaniyang kamay. Tumitig ito sa akin na hindi maintindihan ang pakiwari ko. "Eunice, what if dito ka na lang magpahinga? I mean, baka madisgrasya ka pa. Umuwi ka na lang kapag tuyo na sa kalsada. I'll lend you my clothes."

Agad na rin akong bumangon sa sofa para ayusin ang tutulugan niya. Bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko, saka niya ako biglang hinila. Napayakap ako kay Eunice at hindi ko na magawa pa ang kumawala sa kaniyang bisig sa higpit ng pagkakayakap nito.

"Via..." Naramdaman ko ang ilong nito malapit sa aking leeg kaya nakiliti ako. "I miss you, Via. Sana sa pagyakap ko lang na 'to, maalala mo na ako."

"Naaalala kita, Eunice. Ang recent na pagkakakilala nga lang nating dalawa. I'm sorry, feeling ko talaga parang tuod ako."

"No, you're not. Hindi ka tuod, Via. You'll remember me soon. Don't worry, walang nagmamadali sa'yo. Magpahinga na tayo."

Napansin ko na kahit nagagawa niya akong yakapin ay hindi ako sinubukang halikan o kaya'y molestiyahin ni Eunice. Nabubuo na ang tiwala ko sa kaniya, isabay pa ang pagbibigay-bigay niya sa akin ng random na mga bagay na talagang ikinatutuwa ko. Umakyat na kaming dalawa sa kuwarto ko, saka ko ito hinanapan ng pamalit. Gamit na kasi ang mga damit ko ro'n at nakakahiyang ipasuot sa bisita.

"I'll wear this. Ito na lang ang gagamitin ko." Humawak sa kamay ko si Eunice, saka niya hinila ang pantulog ko. "Huwag ka nang mahiya na magpahiram ng damit na isinuot mo na. Nasubukan na nating magpalitan ng damit, minsan nga underwear pa, e."

"Kailan naman 'yon?" nanghahamon na tanong ko sa kaniya. "Siyempre, 'di naman hygienic ang gano'n. Iyo na 'yan, but hindi ka makakahiram ng underwear at bra sa akin. Malaki ang cup size ko at hindi puwedeng maghiraman tayo ng panty."

"May underwear ako sa kotse," sabi nito, sabay lakad palayo sa akin. Huminto na siya sa bandang pintuan, pero hindi siya tuluyang lumabas. Tumingin lang ito sa akin at nagpaalam, "I'll sleep sa kabilang kuwarto. Huwag ka nang mag-alala sa akin, ayos lang 'to."

Isinara ko na agad ang pintuan at dumiretso na ako sa kama. Tinanggal ko ang mga contact lens sa aking magkabilang mga mata, saka ako kumportableng humiga sa kama. Tiyak na si Eunice ang aking makikita bukas at exciting na may maghahanda ng almusal para sa akin. Kasabay ko rin ito, kaya tiyak na mas magkakausap pa kami. Nasisiyahan din ako sa ugali ni Eunice dahil mabuti ito. Tiyak na mabuti rin siyang kaibigan sa paglaon.

Nakita ko na ang family photo namin sa aking gilid kaya kinuha ko na 'yon. Isa-isa ko ring hinaplos ang mga mukha na naroon.

"I love you all," nakangiti kong bulong sa litrato. "Good night, papa, mama, mga tita, tito, and my lolas. I love you. Sana masarap ang tulog niyo."

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang naghihintay na dalawin ako ng antok. Nakarinig ako ng mga hakbang paakyat sa hagdan, kasunod din ng pagsara ng pinto sa kaliwang kuwarto. Tiyak kong matutulog na rin si Eunice kaya dapat na bisitahin ko siya.

"Eunice!" sigaw ko na lang. "Ayos ka lang diyan?!"

"Oo!" sigaw naman niya pabalik. "Good night, Via! I'll see you-ah! Eek!"

Capturing The Grumpy Mistress' Heart [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon