Kabanata 1

12.6K 179 4
                                    

Naluluha ako habang nasa byahe paalis ng bayan kasama ang mga kapatid ko, masaya akong bago ako umalis ay nasaksihan ko munang ikasal ang matalik kong kaibigan na si Rhoana, kontento man sa simpling buhay hindi ko parin kayang mawala ang sino man sa mga kapatid ko ikamamatay ko yon.

"Ate ayos lang bang umalis tayo ng bayan?" napalingon ako sa nakababata kong kapatid na si Logan.

"Kong para naman sayo bunso ayos lang saakin, babalik rin naman tayo agad." binigyan ko sya ng masiglang tingin.

Apat na taon na mula ng madiagnose syang may Leukemia at kahit hindi payon gaanong malala pinahospital na noon nila nanay, bata palang noon si Elise kaya kapos na kapos kami.

Hindi rin kalaunan ng maaksendente sila ni Tatay sa sinasakyang motorsiklo nabangga sila ng isang Hilux at dead on arrival sila ng makarating sa hospital ng Sta. Laura.

Fresh graduate palang ako ng mga panahong yon at kahit sobrang hirap pinilit kong buhayin ang mga kapatid ko ng mag isa, kahit na ganoon hindi ko naman naramdamang mag isa ako dahil sa suporta at pagmamahal na binibigay saakin ni Rhoana at Luisana.

Marami din silang pasaning dalawa kaya hanggat kaya kong lutasin ang problema ko ay hindi ko na isinasatinig sakanila.

Bata palang ay marami na akong pangarap sa buhay, naudlot yon lahat ng mamatay ang mga magulang ko at ako ang nag aaruga sa bunso kong kapatid.

Alinman sa mga yon hindi naman ako nagsisisi dahil sa lahat ng pangarap ko na gusto kong matupad wala yong silbi kong wala ang pamilya ko.

"Ate ano palang plano mo pagdating natin don? Wag mong pahihirapan ang sarili mo." mahinang sabi ni Logan saakin kaya banayad kong hinaplos ang buhok nya.

"Wag mong masyadong alalahanin si Ate, ang isipin mo ay magpagaling ka para masaya si Ate hmm." malumanay kong sabi saka inayos ang kumot na ipinatong ko sakanila para hindi nila maramdaman ang lamig.

Gabi narin siguradong mamayang madaling araw pa kaming makakarating sa Syudad.

"Pasensya na Ate, dumadagdag pa ako sa problema mo." malungkot nyang saad saka nag iwas ng tingin.
Nakangiti kong dinampian ng halik ang tuktok ng ulo nya.

"Hindi kayo kailanman naging problema ni Elise saakin Logan, kayo nalang ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay. Wag mong sabihin yan bunso." magaang sabi ko.

Tiningala nya ako saka maluha luhang tinitigan ang mukha ko.

"Dahil saakin umalis tayo ng bayan ng Sta. Rosa, doon naman kasi dapat tayo e doon dapat tayo naninirahan." hinaplos ko ng magaan ang bubok nya, bata pa sya kaya hindi nya naiintindihan ang sitwasyon.

"Kapag gumaling kana uuwi tayo ng Sta. Rosa at doon na maninirahan." mahinang sabi ko simple nya akong nginitian.

"Segi na wag na masyadong mag isip." marahang saad ko saka isinandal ang ulo nya saakin, samantalang sakanya naman nakasandal si Elise na nasa tabi ng saradong bintana.

Buong gabi akong gising at nag iisip kong anong magandang gawin pagkarating sa syudad.

Napangiti ako ng maalala si Rhoana paniguradong masaya sya sa piling ng Asawa, napansin ko namang kahit na laging tahimik si Sean ay mabait naman at maalaga.

Tinitignan ko ang buong paligid at nakita kong natutulog din ang iba, galing din sila sa iba't-ibang bayan at sirugo ay susubukan ding makipagsapalaran sa syudad at harapin ang hamon ng buhay.

Bawat isa ay may sariling landas na tinatahak at kahit pa butas ng karayom ang tyansang magtatagumpay ang bawat isa sinusubukan parin para kong hindi man umayon ang tadhana maluwag naman yong matatanggap ng bawat isa ang mahalaga sinubukan nila ang makakaya nila.

The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now