Kabanata 35

6.1K 130 2
                                    

"Ayos naba yan Cindy?" tanong ko habang nasa likod kami ng mansyon.

"Malapit na po senyorita." nakangiting sabi nya habang sinasabit ang tarpaulin.

"Yang ginagawa nyo Yroz tapos naba?" tanong ko, nag lelettering sila.

"Malapit na mommy." sabi nya habang abala sila nila Logan.

"Mag meryenda muna kayo." napalingon kami kay Nay Cara na may dalang meryenda.

"Senyorita hindi dapat kayo nagpapagod at buntis kayo baka kong mapano ka." marahang suway nya saakin pero nginitian ko lang sya.

"Gusto kong maging masaya ang asawa ko sa araw na to." nakangiting sabi ko sakanya kaya malamlam ang mg amatang tinitigan nya ako.

"Kaya ayaw kang pakawalan ni Senyorito dahil sa sobrang mahal na mahal kanya." marahang sabi nya.

"Patas lang po kami mahal na mahal ko din naman po sya e." napaawang ang labi nya kalauna'y napailing nalang.

Nasa labas kami sa medyo malawak na likod ng mansyon na pinaayos ko yon, pinalagyan ko ng mga naggagandahang mga bulaklak at isang family table at mga upuan.

Hindi naman kami naaarawan dahil may bubong iyon sa taas.

Pinalagyan ko rin yon ng tarpaulin na 'Your the best Daddy.'

Mamaya pang gabi ang surprise namin sakanya, umalis ito dahil may problema daw si Sean at nagpapatulong sakanya.

"Ayan tapos na senyorita ang ganda." pinasadahan nya ng tingin ang paligid pero inilingan ko sya.

"Nagpalagay ako ng mga Christmas lights sa mga pine-tree na yan." turo ko sa mga may kataasang pine-tree sa likod at gilid namin.

"Maiwan ko muna kayo dito at ako na ang magluluto." bilin ko sakanila.

"Tutulungan napo---" inilingan ko sila saka nginitian.

"Dito lang kayo at bantayan ang mga bata kaya ko na." nakangiting sabi ko sila ang pumunta sa palengke kanina para mag order ng ilang pagkain at bilhin ang ilan sa mga ingredients na lulutuin ko.

Pumasok na ako sa mansyon saka agad nagsimulang magluto binilinan lang ako ni Nay Cara na mag ingat.

Gabi ng matapos ako kaya nagmadali na akong tawagin ang ilang kasambahay na dalhin yon sa likod bahay.

Sandali akong naligo at nagbihis at saka tumayo sa tapat ng pinto ng mansyon para hintayin sya.
Ilang sandali pa natanaw ko na ang kotse na na pinark nya sa garahe agad sumaludo ang mga tauhan nya.

May dala syang Boquet of flowers habang nakangiting naglalakad papunta saakin.

"Good evening wife." marahang bati nya saka inabot ang flowers saakin at magaan akong hinalikan sa labi.

"Good evening din." marahang bati ko saka nakangiti syang pinagmasdan.

"Kamusta ang araw mo?" marahang tanong ko.

"It was fine Alistair asked for help he will surprise your friend tomorrow night." natuwa ako sa nalaman kaya kumapit ako sa braso nya.

"Hali ka may Ipapakita ako sayo." nakangiting sabi ko kaya kumunot ang noo nya.

"What is it?" takang tanong nya pero nginitian ko lang sya saka inakay papuntang likod bahay.

"Hey! Slow down." marahang saway niya saakin.

Nang makarating doon ay nakangiti kong pinasadahan ang buong paligid.

Nakangiting nakatayo sa tabi si Cindy at Tina samantalang nakatayo naman ang mga bata at hawak ang Lettering nilang "I love you Dad!".

The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now