Kabanata 2

7.2K 175 3
                                    


"Wala nga po akong ginawang masama bakit ba pinagbibintangan nyo ko?" malumanay na tanong ko sakanila.

Dinala nila ako sa Police Station at pinilit pinapa interrogate, tinignan ko ang bata para sana ay magsalita sya na wala naman talaga akong kasalanan.

"Miss just Admit it, you almost kidnapped his daughter." mariing sabi ng nakaupong lalaki.

Nakita ko ang pag iling iling ng isang lalaki sa tabi at parang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ng mga kaibigan.

"Ano bang aaminin ko?" naguguluhang tanong ko sakanila.

"Do you know that i can put you straight to Jail?" napalingon ako sa lalaking may buhat sa bata na seryosong nakatingin saakin.

Malalim akong nagbuntong hininga saka sya tinitigan.

"Wala nga akong ginawang masama Sir, kanina Aswang ngayon naman kidnapper." kunot noong saad ko sakanila.

"Because you seem to look like one." nilingon ko ang nagsalita, yong lalaki pala na nahimatay kanina.

"If your not going to Admit it, I can always pull a string to put you in the Jail." agad napaawang ang mga labi ko saka tinitigan ang lalaking may hawak ng bata, malungkot ko syang tinignan.

"Hija hindi mo rin kami kaya kahit pa magsampa ka ng kaso."

"Kayang kaya naming paikotin ang autoridad."

"Ano bang magagawa ng mahirap na kagaya mo?"

"Napakadali lang sainyong magbintang ng walang kasalanan bakit nyo pa ako dinala dito kong hindi rin naman kayo makikinig?" nasaktan ako dahil sobra nila ako kong gipitin, natigilan naman sya saka napatitig saakin.

"Palibhasa ay mayaman kayo kaya ganon nyo nalang kami kong tapakang mahihirap." malumanay kong sabi saka pinasadahan sila ng tingin.

Mga naka White long Sleeves sila at Slacks, ang guguwapo rin nila kaya siguradong laki sila sa yaman, pati na ang mga Relo sa mga bisig nila ay halatang mamahalin.

Ang guguwapo nila sa mga porma at talagang malakas ang dating.

"Let's get this over, We're sorry Miss we shouldn't have done this. " napalingon ako sa lalaking seryosong pinagmamasdan ako.

Pinagtitinginan kami ng mga pulis at ng ibang nandon.

"ATE!" napalingon ako sa bukana ng umalingawngaw ang boses ni Logan.

Nag aalala akong lumapit sakanya saka hinawakan ang Wheelchair na pilit nyang tinutulak.

"Logan wag mong gamitin ang lakas mo baka makasama sayo." nag aalala ko syang sinipat samantalang nakatingala naman sya saakin.

"Ate, anong nangyari? May problema ba? Bumalik nalang tayo ng probinsya." tinignan nya ang mga lalaki kanina saka niyakap ang baywang ko.

Napatingin ako kay Elise na inosenting nakatingala saakin, hinaplos haplos ko ang buhok nya.

"Shh..Walang problema si Ate wag nang mag alala makakasama sayo yan." malumanay kong pagpapakalma sakanya.

Lumapit saamin ang lalaking nagsalita kanina.

"Are you new here in the city?" tanong nito saka tinignan si Logan, tipid ko naman syang nginitian at tinanguan.

"As a sign of our forgiveness let us take you to where your heading to." inangat ko ang paningin ko saka sya matamang tinitigan.

Napakurap kurap sya saka nag iwas ng tingin.

"Hindi napo kailangan salamat nalang po." mahinang sabi ko saka bahagyang tumungo sakanila.

The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now