Kabanata 25

5.9K 134 6
                                    

Mukhang ayos na sya.....kahit wala ako.

Seryoso syang naglalakad at sandaling natitigilan kapag may bumabati sakanya.

Kumpara nong huli kong kita sakanya maayos na sya ngayon, mas nahubog pa ang katawan nya.

Kasama nyang naglalakad sila Curt, Andrex at Nelson na nakakapagtakang seryoso din ang mukha, mukang yan ang totoong sila sa harap ng maraming tao dahil isa nga naman silang mga tanyag na negosyante.

Sinusundan ko lang sya ng tingin habang paminsan minsang ngumingiti sa mga kausap habang nilalagok ang alak na kinuha nya sa kong saan saka sila naupo sa isang bakanting table.

Nag init ang sulok ng mga mata ko saka ako nag iwas ng tingin.

"Don't cry over a man who can't see your worth." napalingon ako kay Hance ng sabihin nya yon at tipid akong nginitian.

Nagbuntong hininga ako at pilit ding ngumiti.

"Are you planning to leave the city?" tanong saakin ni Ross kaya marahan akong tumango.

"Mag fa-file muna ako ng Annulment paper." marahang sabi ko rin hindi kasi ako mapapanatag na umalis na hindi kami naghihiwalay, ayoko na ng koneksyon sakanila.

Nakita kong natigilan sya at napailing.

"Will he let you? I doubt that." napakanot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Ha?" ngumisi sya saakin yon bang seryosong ngiti.

"Do you want me to help you? Papermahan mo lang sakanya at ako na ang bahalang mag process." makahulugang sabi nya kaya nagulat ako.

"T-talaga gagawin mo yon?" marahang usal ko kaya nakangiti syang tinanguan ako.

"Of course, why not?" tinanguan ko sya.

"Segi, gagawa ako ng paraan para mapaperma sya para wala na akong proproblemahin pa sa pag alis sa syudad." malumanay na sabi ko nakita ko ang pag iling ni Hance.

Ilang oras ang lumipas at nakaramdam na ako ng gutom kaya napahimas ako sa tiyan ko.

"Are you hungry?" humilig si Sebastian saakin saka bumulong kaya agad akong tumango.

Tumayo sya kaya napatingin ang mga kaibigan nya sakanya na abala sa pakikinig ng event.

"Where are you going?" takang tanong ni Hance sakanya.

"Get food." simpling sabi nya saka naglakad sa kong saan, kaya napatingin saakin ang mga kaibigan nya.

"Wow ah anong meron? Bakit parang may hindi kami alam?" nakangising usal ni Ross habang sinusundan ng tingin si Sebastian.
Taka ko syang tinignan.

"Ano bang dapat mong malaman?" agad napawi ang ngisi sa labi nya kaya natawa si Hance.

"Napakachesmoso mo bagay lang sayo yan." natatawang sabi nito sakanya kaya agad syang sumimangot.

"Hindi pala makagets tong babaeng to." bubulong bulong na sabi nya.

Nang makabalik si Sebastian ay may dala nasyang mga pagkain.

"Eat." simpling sabi nya saka yon nilapag sa harap ko.

Nilingon ko ang mga kaibigan nya.

"Kain tayo." malumanay kong aya sakanila pero umiling lang sila kaya nagsimula nalang akong kumain.

"Dahan dahan." tinanguan ko si Sebastian pero natigilan kami ng malakas na tumikhim si Ross.

"Ipapadala ko bukas ang mga papeles na papepermahan mo kay Montiverde." saad nya saka nilingon si Sebastian na walang imik.

The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now