Suot ang Lemon yellow dress na hapit sa katawan na hinatid ng katulong sa kwarto namin ay tinignan ko ang sarili ko sa isang vanity mirror.
Ang ganda ng damit hanggang baba lang yon ng tubod ko at humuhulas yon sa balat ko, may black high heels yon na may 5 inch na taas.
Nilugay ko ang mahaba at alon na buhok, nagmukha akong tao sa suot ko.
"Ang ganda ng Ate ko." napalingon ako kay Logan na nasa kama at nakabihis narin sila ni Elise.
Pupunta kami ng Montiverde Hospital ngayon.
"Gwapo karin naman." nakangiting puri ko sakanya naka simpling White T-shirt lang sya na pinatungan ng Jacket.
Cute floral dress naman suot ni Elise.
"Oh Elise wag magpapasaway dito pag inadmit ko si Kuya Logan e, maghahanap na ako ng malilipatan natin." malumanay kong sabi sakanya na tiningala naman ako habang nakaupong dinadama ang lambot ng kama.
"Mag iingat kayo ni Kuya Logan, balikan mo ako kaagad dito ate." ang cute na boses nya habang nakapuot.
Nakangiti naman akong hinaplos ang buhok nya.
"Oo naman makakaya ba naman ni Ate na hindi ka makita ng ilang Oras?" napangiti sya saka ako niyakap.
Inalalayan ko si Logan na makaupo sa Wheelchair saka kami lumabas nakita ko si Aeron sa may tabi ng glass wall sa dulo ng hallway at mukhang may kausap sa Cellphone.
Ng maibaba nya yon ay lumingon sya saamin saka astang maglalakad ng matigilan sya at napatingin saamin, saakin.
Nakangiti akong lumapit sakanya tulak si Logan habang nasa likod ko si Elise.
Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit sa mukha ko.
Tumayo ako sa tabi ni Logan saka umikot sa harap nya.
"Salamat sa damit, ang ganda." nakangiting sabi ko sakanya, ngumiti sya saakin saka ako tinitigan.
"Your simply beautiful Taliya." mahinang banggit nya sa pangalan ko.
Nagpakilala kami sa isa't-isa kagabi.
"Maraming salamat Aeron." nakangiting saad ko sakanya.
Lumapit sya saakin saka binuhat si Logan, nilingon ko ulit si Elise.
"Sa kwarto ka lang bunso at wag magkulit, babalik din si Ate." nakangiting sabi ko saka umupo para magpantay kami, agad nyang niyakap ang leeg ko saka mariing akong hinalikan sa pisngi.
"I lav you Ate, I lav you kuya." lumapit sya kay Aeron na nakatingin saamin saka pilit inabot si Logan.
Binaba naman ng konti ni Aeron, hinalikan nya sa pisngi si Logan kaya ginulo naman ni Logan ang buhok nya.
"Wag magpapasaway." malambing na sabi nya dito.
"Magpagaling ka kuya, tapos balik na tayo sa bayan, gusto ko don kasi maraming suman." natawa ako saka pi nat ang ulo nya.
"Your food and snack will be serve from time to time, just tell the maid to prepare anything you like." bilin sakanya ni Aeron isinalin ko naman ito kaya tumango tango ang bata. P
"Salamat kuya."
"Ate magiging ayos lang ba kayo ni Elise pag na Admit na ako sa Hospital?" nginitian ko si Logan na nag aalalang nakatingin saakin.
Nasa loob kami ng kotse at tinatahak ang daan patungong Montiverde Hospital.
"Oo naman, maghahanap ako ng trabaho dito sa syudad atsaka pag aaralin ko rin ng kindergarten si Elise." malumanay kong sabi saka hinaplos ang buhok nya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...