"Alistair is back?" napalingon ako kay Yttrius na may kausap sa cellphone nasa living room kami gumuguhit si Yza at Elise samantalang nasa labas sila Logan at Yroz na nag bibisikleta.
Samantalang nagsusulsi naman ako ng mga damit.
"I thought he will stay to America for good?" kunot ang noong tanong nya saka ako sinulyapan.
Nginitian ko sya saka nagpatuloy sa pagtatahi.
"Okay i will bring my wife with me." marahang sabi nya saka pinatay ang tawag.
Mag iisang linggo na kaming nakatira sa mansyon nya, nakikita ko namang masaya ang mga bata kaya ayos narin ako don.
Lumapit sya saakin saka ako niyakap.
"We will have a conference meeting tomorrow together with the brotherhood of Levirouz." napakunot ang noo ko dahil doon.
"Levirouz?" umiling sya saakin.
"Our Rival, a brotherhood where Laszio part in." marahang sabi nya kaya napatango ako.
"Magkaaway kayo pero iisa sa business?" takang tanong ko habang pinagpapatuloy ang pagtatahi, pinanunood naman nya ako sa ginagawa ko at paminsan minsang hinahaplos ang buhok ko.
"Well business is an exemption." usal nya kaya tumango ako ano ba namang alam ko sa negosyo.
Pagkatapos kong tahiin yon ay saka ko yon tinaas at tinignan.
"Ayan ayos na, tumayo kanga muna." sabi ko na sinunod naman nya.
Tinapat ko yon sakanya.
"Isa ito sa mga damit na nagustuhan ko para sa iyo kaya binili ko kaso sa sobrang tagal siguro na nakatago nawala ang ilang butones." marahang sabi ko sakanya sako ko yon marahang hinaplos.
Malamlam ang mga matang nakatitig sya sa mga mata ko saka ako marahang hinapit sa katawan.
"Hmm so you were thinking of me even when im outside the country?" marahang tanong nya kaya tinanguan ko sya saka tiningala.
"Oo, Tapos balak ko sana sunugin na." nakita ko ang pagkibot ng labi nya saka ako pinitik sa noo.
"Ang hilig mo talagang sirain ang moment." inis na asik nya kaya hinimas ko ang noo saka ngumuso.
"Totoo naman kasi e, balak ko na talagang sunugin." napabuga sya ng buntong hining saka pinamaywangan ako ng kanang kamay.
Tinitigan nya ako saka nagtaas ng kilay saakin.
"Senyorita.. may nag iwan po nito sa gate pinabibigay siguro sainyo dahil may pangalan nyo po." magalang na sabi ni Cindy saka kami bahagyang sinulyapan.
Nginitian ko sya mabuti nalang at nandito parin silang dalawa ni Tina at hindi nila iniwan si Nay Cara balita ko nga ay may mga nobyo na silang dalawa kasapi ang mga nobyo nila sa mga armadong tauhan ni Yttrius.
Si Yttrius ang kumuha envelop saka yon tinignan, natigilan sya saka agad na binalik yon sa envelop at nilukomos.
Nagkatinginan kami ni Cindy nag aalala akong hinawakan sya sa braso.
"May problema ba?" malumanay kong tanong kaya tinitigan nya ang mukha ko saka umiling.
"Nothing just a nonsense picture." mahinang sabi nya.
Pinagmamasdan nya ako habang nagluluto nagpasya akong ako na ang gagawa ng makakain namin.
"Maupo kana don at baka mangalay ka dyan." malumanay kong sabi habang naghihiwa ng gulay na isasama ko sa niluluto kong manok.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...