"Yttrius galit kaba saakin?" malumanay kong tanong habang nakaupo sa kama nakasandal sya sa headboard ng kama nakasalamin at mukhang may tinatapos sa laptop.
Nakasuot ako ng simpling black T-shirt at saya, samantalang nakasando sya at boxer.
Napapansin kong hindi nya ako pinapansin nitong mga nakaraang araw.
"Yttrius." marahang tawag ko saka sya marahang kinulbit pero hindi nya ako nililingon at mabibigat ang mga kamay na pumipindot sa laptop.
"Mag usap muna tayo, may problema ba?" wala parin kaya malungkot akong nahiga patalikod sakanya.
"Napakamanhid mo Taliya." napabangon ako at agad syang nilingon, nakatingin na sya ng walang emosyon saakin ngayon.
"Ba-bakit? May problema ba tayo?" malumanay kong tanong marahas nyang tinanggal ang salamin sa mata saka pabagsak na nilapag sa bedside table.
"Nakakabadtrip na parang wala lang sayo ang panlalamig ko." inis na sabi nya kaya nagtataka ko syang tinignan.
"Hindi yan totoo dahil alam mong gumagawa ako ng paraan para makapag usap tayo." mahinang sabi ko sakanya napahilot sya sa sintido kaya lumapit ako at niyakap ang malaki nyang katawan.
Naramdaman kong natigilan sya.
"Sabihin mo kong may problema." marahang usal ko.
"Akala ba ni Caleb pakakawalan pa kita? Nananaginip sya kong ganon." malamig at seryosong sabi nya kaya tiningala ko sya.
"Bakit naman nasama si Caleb dito?" mariing nya akong tinitigan saka pinitik sa noo kaya napadaing ako.
"Talaga naman... Nagagalit lang pala ako para sa wala dahil hindi ka manlang makaramdam." galit na asik nya.
"Ilang ulit kitang nilapitan para pag usapan kong anong problema pero hindi mo naman ako pinapansin." nangilid ang luha ko ng maalala ang pambabaliwala nya saakin.
"I'm jealous Taliya." mariing usal nya at inaabangan ang reaksyon ko pero taka ko syang pinagmasdan.
"Bakit ka nagseselos?" mariing syang napapikit at nagmura.
"F*ck! Hindi gumagana sayo ang kasabihang 'Action speak louder that words." matigas na sabi nya at malakas na nagbuntong hininga.
Hindi ko alam kong anong sumapi saakin at umusod pataas saka sya malambing na hinalikan sa labi.
Naramdaman kong nanigas sya kaya tinitigan ko sya.
"Mahal kita Yttrius." malambing na usal ko awang ang labing nakatitig sya saakin.
Napahiyaw ako ng mahigpit nya akong hawakan sa magkabilang baywang ko at paharap akong pinaupo sakanya.
Agad nag init ang buong mukha ko ng gumalaw sya.
Hinawakan ng malaki nyang kamay ang batok ko at ang isa naman ay marahang humahaplos sa katawan ko.
Hinila nya ang leeg ko saka ako hinalikan habang naglilikot ang mga kamay nya.
Kapag umaabot kami sa ganitong tagpo ay para akong nawawala sa sarili ko.
Agad may lumukob na init sa buong katawan ko ng marahan nyang kagatin ang labi ko kaya napaawang ang labi ko.
Nakahawak ang kanan kong kamay sa matigas nyang dibdib habang ang kaliwa ay sa balikat nya.
Nagulat ako ng pumasok ang dila niya sa bibig ko at gumala roon.
Marahan nyang hinahaplos haplos ang buhok ko habang hinahalikan ako.
Tumigil din sya kalaunan at malambing akong nginitian at hinalikan sa noo.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...