"Logan kausapin mo naman ako.." marahang tawag ko sakanya habang nasa isang kwarto kami.
Kanina pa nya kasi ako hindi pinapansin e.
"Palagi ka nalang nagsasakripisyo para saamin ni Elise ate, nakakalimutan mo ng pahalagahan ang sarili mo kaya palagi kang nasasaktan." mariing sabi nya saakin.
Lumapit ako sakanya habang nasa kama kami.
"Logan alam mong wala akong hindi gagawin para sainyo ni Elise hindi ba?" marahang sabi ko saka hinaplos ang buhok niya.
"Kaya nga ate palagi nalang kami ang iniisip mo." marahang sabi nya saakin saka yumakap sa baywang ko.
"Hindi ko makakaya kapag kayo ni Elise ang nawala saakin Logan." marahang sabi ko kaya tumahimik sya.
"Naging masaya kaba habang kasama sila ate?" marahang tanong niya kaya tumango ako.
"Oo naman.." malumanay na sabi ko kaya tiningala nya ako saka tipid na nginitian.
"Yon ang mas mahalaga saakin." napangiti din ako saka sya kiniliti kaya kumalas sya saalin.
"A-ate ano bayang haha ginagawa mo..." natatawang usal nya habang sinasalag ang mga kamay ko.
"Pinag alala mo ako kanina kaya ito ang sayo." mas kiniliti ko pasya kaya natawa sya.
"Tama haha na Ate..." patuloy sya sa pag ilag hanggang sa gantihan nya rin ako laya ako namna ang nakiliti at napaurong.
"Haha tama na Logan haha." sinasalag ko ang kamay nya pero dahil sa maliit ang kamay nya ay nakakalusot parin yon.
At sa kakaurong ko ay nalalaglag ako sa kama, ang tawa ko ay nauwi sa ngiwi ng maramdaman ang pananakit ng balakang ko.
"A-ate?? Ayos kalang ba?" ang nag aalalang mukha ni Logan ang bumungad saakin kaya tipid ko syang nginitian.
"Oo hindi naman masyadong masakit." nakangiwing usal ko habang hinihimas ang balakang.
Tinulungan nya akong maupo sa kama pero hindi ko mailapat ang puwet ko doon.
"Huwaaa... Hindi na ako makaupo." napangawa ako dahil kumikirot ang balakang ko sa sakit kaya nag aalalang tumakbo palabas si Logan sa kwarto.
"What happened?" ang humahangos na si Yttrius ang bumungad saakin pati narin si Yroz, Yza at Elise.
"Nalaglag po si Ate sa kama baka po nabalian." nag aalalang sabi ni Logan sakanya kaya tinignan nya ako.
Napasinghot singhot ako habang naiiyak.
"Ate..masakit po ba?" naluluha ring tanong ni Elise saakin kaya nilingon sya ni Yza.
"Of course Elise it's hurt.. mommy won't cry if it's not." parang nagbibigay pa ng trivia na paliwanag sakanya ni Yza kaya napailing nalang si Yttrius.
Lumapit sya saakin saka hinawakan ang baywang ko.
"Saan masakit?" magaang tanong nya saakin kaya tinuro ko ang balakang ko.
Nilingon nya ang mga bata saka nagbuntong hininga.
"Logan stay at Yroz room and Elise stay at your Ate Yza's room, i will be the one to assess your Mommy/Sister." kaya tinignan nila ako.
"Ate???" nag aalalang tumingin saakin si Logan kaya tipid ko lang siyang nginitian at tinanguan.
"Segi na ayos lang ako magpahinga na kayo." marahang usal ko sakanila.
"Ayy..." napahiyaw ako ng bigla akong buhatin ni Yttrius kaya napatingala ako sakanya habang nakatitig sya saakin.
"And you.. You will stay in our room." sabi nya saka ako dinala sa kwarto namin noon.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...