Naalimpungatan ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
Dahan dahan akong nagmulat at ang kahel na sikat ng araw ang araw na naabutan ko, pa hapon na pala.
Dahan dahan akong tumayo at napangiwi, hindi panga nawawala ang pananakit ng balakang ko ay nadagdagan pa dahil sa nangyari.
Tinignan ko ang sarili at nakitang nakasuot na ako ng maluwang na puting damit malalakas ang buntong hiningang pinakakawalan ko dahil parang hihiwalay ang kaluluwa ko saakin kapag gumagalaw ako.
Hindi ko naman to nararamdaman kagabi sa umpisa lang.
Naiiyak akong sumandal sa headboard ng kama at minamasahe ang mga hita ko dahil namanhid yata ang mga binti ko.
"Anong nangyari? Bakit parang nalumpo ako?" agad na nagtuluan ang mga luha sa mga mata ko dahil sa posibling nangyari sa mga binti ko.
Namamaos din ang boses ko at mainit ang buga ng katawan ko kaya sinalat ko ang noo ko.
Kaya pala parang umaapoy ang mga mata ko dahil nilalagnat ako. Maski ang paggalaw ay hindi ko magawa kaya mas nilukob ako ng takot.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas yon at niluwa si Yttrius na maliwanag ang mukha may dala itong tray.
Mukhang kaninang umaga pa ito gising at naka bihis narin.
Nakangiti syang lumapit saakin kaya mas napaiyak ako.
"Why are you crying?" mahinang tanong nya saakin saka nilapag ang tray ng pagkain sa bedside table.
"Hindi ako makagalaw, anong nangyari sa katawan ko?" sumisinghot na tanong ko sakanya dumadagdag pa sa emosyon ko ang lagnat ko.
Marahan nyang pinunasan ang mga luha ko.
"Shh don't cry...I'm sorry." marahang hingi nya ng tawad habang nilalagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.
"You should eat first you got a high fever this morning i got worried." marahang sabi nya saka inabot ang pagkain at sinubuan ako.
"H-hindi naman nyo naman puputulin ang mga binti ko diba?" umiiyak na tanong ko kaya umiling sya.
"We won't... Don't cry." pagpapatahan nya saakin.
"Hindi na ako makakatayo." naiiyak na usal ko sakanya at hinawakan ang kutsara at sumubo ng pagkain habang umiiyak.
Napangiti syang napatitig saakin.
"I love you wife." marahang sabi nya kaya natigilan ako.
Kagabi nya pa yan paulit ulit na binubulong sa tainga ko pero hindi ko mabigyan ng pansin kagabi pero ngayong sinabi nya yon ay talagang napatitig ako sakanya.
Tumungo sya saka ako malambing na hinalikan sa labi.
Napaiwas ako ng tingin sakanya saka malungkot na tumitig sa kong saan.
"Sinasabi mo ba yan dahil sa nangyari kagabi?" marahang tanong ko sakanya kaya natigilan din sya.
"No Taliya, I love you since before but I'm afraid to tell it to you so i let you see it through my action but Damn! You can't get me and i don't want to regret that i didn't tell you about it." mariing sabi nya kaya nilingon ko sya at tinitigan.
Nakipagtagisan sya ng tingin saakin napabuntong hininga sya saka nilapag ang kutsara at bowl sa tray lumapit sya saakin saka ako hinalikan sa noo.
"Mahal kita.. Mahal na mahal." bulong nya kaya napakapit ako sa damit nya ng mahigpit at simpling napaiyak.
"A-ang tagal kong hinintay na sabihin mo saakin yan noon." umiiyak na sabi ko at pinalo ang dibdib nya.
"Alam mo namang hindi ko madalas maintindihan ang mga bagay bagay pero hindi mo sinabi.. pinagtabuyan mo pa ako." umiiyak na sabi ko nadadala ako ng emosyon dala siguro ng lagnat ko.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...