"Maraming salamat sa pagpapatuloy." magalang na pagpapasalamat ko ng makalabas kami sa Tahanan nila Florence, sya ang kinikilala naming napakaganda sa bayan namin at madalas isabak sa pagandahan sa bayan bukod don ay talagang napakabuti nya.
Pinatuloy nila kami at pinakain sa bahay nila.
Nagpasalamat din ang iba at ang iba ay tahimik lang gaya ni Levi, Yttrius, Theros, Sebastian, Axel, Alastair at damon.
Huli kong niyakap si Florence na nakangiting nakatingin saamin.
"Magtungo kayo minsan sa Centro bumalik narin ang iba sa atin mula sa iba't-ibang bayan, sana makapasyal tayo ng magkakasama." mahinang bulong nito saakin kaya natuwa ako ng sobra.
Marami kaming magkakaibigan at nakapagtapos man o wala ay sumubok ang iba saamin na magtrabaho sa labas ng bayan ng Sta. Rosa at isa na roon si Florence na matagal na palang nakabalik.
Masaya ako ng makitang namamangha at natutuwa sila sa bayan namin, sadyang may taglay na iba't-ibang kakayahan ang ibang mga bayan para sa mga panauhin nila.
Agad naming tinahak ang daan papunta sa karenderya nila Luisana pero sabi nila Aling Lucia ay doon naraw sila pansamntalang tumira sa bahay nila Rhoana kong saan dadaan kapa sa kakahuyan bago makarating doon.
Naglakad lang kami papasok sa kakahuyan at nakikita kong nililibot ni Sean ng tingin ang kabuuan ng kakahuyan at ang ilog sa tabi.
Ng makarating kami sa bahay nila Rhoana ay usok ang una naming natanaw at nakita ang mga anak nila na nasa kuna.
Naabutan kong pinupunasan nila ang luha ni Solana na umiiyak kaya naiiyak akong napatingin sakanila.
"Hey... Don't cry wife." marahang pag aalo saakin ni Yttrius pero hindi ko mapigilan.
Biglang napalingon saamin si Rhoana at napaawang ang mga labi nya at napako ang tingin nito sa asawa na mataman din nakatingin sakanila.
"Nanay Crissa." naiiyak na sambit ko at agad silang sinugod ng yakap nakita kong nagulat din si Nay Crissa at mahigpit din akong niyakap pabalik.
Nakita kong nanigas sa kinauupuan si Luisana ng makita si Levirouz.
"Namiss ko po kayo." umiiyak na sabi ko.
"Ikaw nga si Taliya namin, napakatagal na mula ng makita kita anak, mabuti at naisipan mong dumalaw." hinaplos ni Tiya ang buhok ko.
Ng kumalas ako ay agad kong sinugod ng yakap si Rhoana at Luisana kaya muntik na kaming matumba.
"Nag alala ako ng labis sainyong dalawa." humihikbing sabi ko.
"Wag ng umiyak." marahang alo saakin ni Luisana.
Kumalas sila saakin, malambing na hinaplos ni Luisana ang buhok ko."Maligayang pagbabalik Taliya." nakangiting sabi nya saka tinignan si Elise na buhat ni Yttrius.
"Sayo rin Bunso, halika rito." agad bumaba si Elise at lumapit kay Luisana na agad syang binuhat at hinalikan sa pisngi.
"Tuloy, halikayo." anyaya sakanila ni Nay Crissa kaya lumapit sila agad na nag usap si Rhoana at Sean na nakita kong labis na nangulila sa isa't-isa.
"I saw that...i told you to be careful Taliya." mariing bulong nya.
Maayos kaming pinatuloy ni Nay Crissa at nagpasya naman si Luisana na tumuloy sa karenderya at ihatid ang mga bisita sa mansyon ni Demitri sa sakahan.
Buong linggo ay nakita ko ang panlalamig ni Leo kay Sean at pinapahirapan nya rin ito at hindi ko alam kong bakit nakikisama si Yttrius sakanila kaya ng matyempuhan ko sya sa loob ng kwarto ay nilapitan ko sya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅)
Romance(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete package a wife, mother, sister and a bestfriend material. When their world roll in, both has a di...