Kabanata 33

5.9K 111 1
                                    

"Bakit hindi ninyo sinabi saakin na wala pala si Sean sa tabi ni Rhoana habang nagbubuntis sya?" naluluha kong tanong habang naghahanda kami ng pagkain.

Nilingon ako ni Luisana saka magaan ang tingin akong tinitigan.

"Marami ka nang problema Taliya, isa pa nandito naman ako at si Nanay hindi mo kailangan mag alala, ayaw din ni Rhoana na mag alala kapa." malumanay nya sabi saka ako nginitian.

"Pe-pero.. Dapat sinabi nyo alam nyo bang buong akala ko maayos ang lagay ninyo dito sa syudad?" naluluhang sabi ko sakanya pero marahan lang syang tumawa.

"Maayos naman kami ah?" magaang sabi nya saka hinaplos ang mukha ko.

"Wag ka ng umiyak alam mong ayaw namin ni Rhoana na nalulungkot ka." malumanay na sabi nya kaya napasibi ako.

"Pasaway talaga kayo ni Rhoana, kamusta naman ang naging pagbubuntis nya kong wala si Sean sa tabi nya?" tanong ko.

"Maayos naman ang lahat medyo masilan ang pagbubuntis nya.. nagkaroon lang ng komplikasyon nong mga panahong nagpatong patong ang mga alalahanin nya." malumanay nya sabi kaya nalungkot ako.

"Sana nandito ako para natulungan ko din sya." malungkot kong sabi pero nginitian nya ako.

"Tinulungan naman kami ni Demitri sa mga gastusin namin sa syudad sya rin ang nagdala saamin dito." marahang sabi nya saka nagsimulang mag luto.

"Siguradong nadurog ang puso nya ng mawala si Nay Rana." malungkot na sabi ko ni wala manlang ako sa tabi nya ng mga panahong yon.

Nilingon nya ako at may nang aasar na ngiti sa labi.

"Sino ang lalaking kasama mo kanina? Nobyo mo ba iyon?" nakangiting tanong nya pero umiling ako saka ngumiti.

"Asawa ko sya." nawala ang mga ngiti nya at napaawang ang mga labi.

"A-asawa mo sya?" gulat na tanong nya kaya tumango ako.

"Maraming nangyari sa mahigit isang taong pananatili namin sa syudad." malumanay kong sabi kaya nakita kong naging malamlam ang mga mata nya.

"Pasensya na wala ako sa tabi mo ng mga panahong alam kong kailangan mo rin ng karamay." malumanay na sabi nya pero nginitian ko sya at inilingan.

Lumapit ako saka magaan syang niyakap na ginantihan naman nya.

"Sobra akong nangulila sainyo ni Rhoana." malumanay kong sabi.

"Kami rin naman, palagi ngang nag aalala sayo si Rhoana." malamlam na sabi nya.

"Pero masaya ka naman sa buhay may asawa mo hindi ba at matagal mo itong pangarap?" tanong nya saakin na agad kong tinanguan.

"Oo masaya ako." nakangiting usal ko kaya nakita kong natuwa rin sya.

"Wala man ako sa kasal mo ay masaya akong masaya ka Taliya." nakangiting sabi nya.

"Hindi ba nagpapasaway si Elise at Logan?" tanong nya pero umiling ako.

"Hindi, masunurin ang dalawang yon."

"Wala ka nabang balak bumalik sa bayan?" marahang taning nya.

"Hindi pa kami nakakapag usap ng asawa ko tungkol dyan, pero susubok ako dahil gusto ko na talagang makabalik ng Sta. Rosa." sabi ko sakanya kaya tumango tamango sya.

Sandali ko syang sinagi at nanunuksong tinitigan sya.

"Eh sainyo ni Mr. Demitri? Anong namamagitan sa inyo?" nakangiting sabi ko pero umiling sya saakin.

"Kahit na seryoso syang tao ay napakabusilak ng puso nya pero walang namamagitan saamin." malumanay na sabi nya hindi na ako nakapagsalita dahil kilala ko syang hindi marunong magsinungaling.

The Billionaire's Substitute Wife (His Probinsyana Serie 2) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now