3rd~Chapter : Living in Technolia

202 9 0
                                    

3rd~Chapter : Living in (Technolia)

~~~~

"Oy boi! Mamaya na yan!" Hinihila ako ni Chloe pero hindi parin ako tumitigil sa pagbabasa ng scroll.

"Malapit na, sandali nalang!" Pagpupumiglas ko dun sa hawak niya at pinagpatuloy yung pagbabasa ko.

"Kanina mo pa yan sinasabe eh! Gutom na ako, oy!!" Tuloy parin siya sa paghila sakin.

"Hay~ Sige na nga!" Tumayo na ako at nagsimulang sundan si Chloe papuntang canteen at para makita sila Miles na nauna na kanina pa.

Nakalimutan kong sabihin na iba ang pagkatao ko dito sa Technolia at ang itsura ko. Fione Tale Freed ang pangalan ko dito. Meron akong light violet hair at icy blue eyes. Yung damit ko modern at maraming gadget na nakatago, kulay blue and violet ito at may singsing ako na nagiging spear pagkailangan ko. (Ako yung nasa picture sa taas pag nasa Technolia ako.)

Nasa Class 9-A: Libra ako ng Techno-Science Academy, ang pinapasukan ko dito sa Technolia. Ang pang-apat sa pinaka-advance at pinakamataas na branch ng Sodiac Science/Mathematics Advance Universities sa lahat, kakaiba ito kaysa sa school na pinapasukan ko sa EleMagica. Kung dun base sa ranking ang mga pinagaaralan at iba iba ang mga tao na lagi mong makakasama sa bawat klase na meron ka, dito makakasama mo yung mga ka-age mo kahit gaano ka-advance ang alam mo sa Science at Mathematics.

Lahat kami may techno-rings na suot na iba-iba ang kulay base sa kulay ng section na kabilang kami. Nakalagay din dito ang personal info nami.

Iba din ang ranking dito kung sa EleMagica ay letters dito numbers. Level 1-5 ang highest Level 5 at ang lowest Level 1, dito ang ranking ko na alam ng estudyante ay Level 3.5 pero ang totoo ay Level 6 ako na katulad sa EleMagica ay hindi common at bilang lang ang may ganong Level. Pero katulad ng sa EleMagica tinuturuan din kame kung pano lumaban dahil wala silang kapangyarihan na katulad ng sa mga EleMagica, nakakapaglaban sila pag gumagamit sila ng invention na sarili nilang gawa. Yung weapon ko dito ay ang spear na ako ang gumawa.

Nung lumabas ako ng classroom nakita kong sumakay si Chloe ng anti-gravity skate board niya na provided ng Academy kaya ginaya ko siya at sumakay din ako sa akin. Transparent ito kaya makikita mo ang nasa ilalim ng pinang liliparan ko.

"Oy!! Sandali lang naman!!" Nakakainis tong si Chloe siya na yung nagyayaya siya pa tong nangingiwan!! Kainis~

Gusto kong gumawa ng iba't ibang tricks gamit ang anti-gravity kaso ayokong maka-attract ng ibang tao baka kung ano pa sabihin nila. Baka isipin nila pakitang gilas ako. Pero palihim kong ginagawa yun pagmagisa lang ako at minsan ginagawa ko din sa EleMagica. Which is pinagbawal ako gawin...

Biglang may lumitaw na tao sa harap ko na naka-anti gravity skateboard din. Muntikan na kami magkabanggaan buti nalang at naiwasan namin parehas ang isa't isa.

Tumigil ako at humarap dun sa muntikan ko ng mabangga na ngayon ay bumaba din sa skateboard niya.

"Hehehe... Nagmamadali kase ako..." Sabi nito.

Medyo nagulat ako ng malaman ko kung sino siya. Si Ender , classmate ko at akala ko nasa classroom kanina dahil naririnig ko siya nagkikipagkulitan sa mga kaibigan niya.

Si Andrew Ender Whiled or Ender for short ay isang Level 4, meron siyang Brown hair at light orange eyes, 5"7' ang height niya. Isa sa mga matatalino sa klase at talented. Meron siyang black ribbons na kayang humaba at kaya niyang kontrolin gamit ang singsing niya na siya ang may gawa, at laging busy dahil sa mga sunod sunod na pinaparesearch at pinapagawa sa grupo nila.

"Ender, nasa classroom ka kanina, ah?" Tanong ko sa kanya at sabay tinuro yung classroom na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Sabay kaming tumingin sa classroom ng biglang narinig ko siyang tumawa ng mahina.

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon