15th~Chapter : Same Level (Technolia)
~~~
"Ano na Fione? Bukas nalang?" Pagsermon sakin ni Mira sabay taas ng isang kilay. Hinihintay niya akong hapitin yung assignment namin at para mapasa ko na.
Hindi nga ako makapaniwala na nakalimutan kong gawin yung assignment namin patungkol sa Cosmic Waves. Ang dami kaseng nasa isip ko nitong mga araw. Dumagdag pa yung narinig ko nung isang araw.
"Sorry wait lang! 10 seconds! Pramis, isang sentences nalang!" Pagmamadali ko, narinig ko namang huminga siya ng malalim at tumahimik ang paligid.
Nang matapos ko ay madali akong sinend yung file sa software ng school para matanggap ni Mr. Kit, prof namin sa subject na toh. Pinatay ko agad yung hologram para hindi ko na marinig yung sermon pa niya at makapunta na kami sa training facility.
Nagpeace sign ako kay Mira at ngumiti. Tinignan niya lang ako at lumabas ng classroom. Sinundan ko naman siya at niyakap siya kahit nakatalikod siya sakin.
"Libre ko na lunch mo!" Inikot ko siya para nakaharap na sakin sabay taas-baba ng kilay. Dahan dahan namang ngumiti ito.
"Tama lang! Bagal mo, eh!" Pagpagkain talaga oh! Well ganon din naman ako so hayst~
"Bilisan mo na baka magutom pa ko lalo dumoble pa lunch ko." Pagkasabi niya nun ay hinatak ko na siya papuntang Trival Facility baka mabawasan pa lalo yung panglunch ko.
~~~
Pagdating namin dun nakita namin silang lahat nagwa-warm up para sa activity na gagawin. Iba't ibang section ang nandito base sa kulay ng techno-rings nila. Sila Chloe agad ang nilapitan namin at sinundan yung pagiistretch nila.
"Akala namin din na kayo aabot eh." Sabi ni Miles ng mapansin nila na katabi na namin sila.
"Ang tagal kase si Fione. Akala mo naman libro na sinusulat pero isang page lang naman nagawa." Supladang sagot ni Mira. Binelatan ko lang siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Pero atleast may libre akong lunch!" Pagmamayabang nito na narinig naman ni Chloe.
"Ayy ganon? Sana pala ako nalang naghintay sa kanya. Sayang!"
"Kaya nga kay Mira ako nagpahintay ayoko maghirap sayo." Sagot ko sa reklamo ni Chloe, tinawanan niya lang ako.
"Tumatalino masyado tong kaibigan natin, ah." Ngumisi lang ako.
"Ok class tutal nandito na sila Ms. Freed at si Ms. Zoiler. Puwede na natin simulan ang training." Sabi ni Mr. Beam sa lahat. Prof namin sa Training Specialties yung mismong tawag sa klase namin ang tinituro niya at sinusupervise.
Nagkatinginan kaming lima at mahinang nagtatawanan. Mali kase ng tinawag si Professor. Imbis na si Mira tawagin niya si Miles ang natawag niya. Mukang napansin din ito ng iba naming kaklase kaya nagtawanan din sila.
"Tutal naman masaya kayong Class 9-A : Libra kayo mauuna!" Biglang lumabas yung hologram ng section namin kung saan nandoon lahat ng pangalan namin. Dahil dito natahimik bigla ang lahat at pinanood ito mag-jumble ng mga picture with student code namin.
Habang dahan dahan pumipili yung hologram biglang nagilaw ng mahina yung singsing ko ng color blue. Napatingin ako sa paligid hinahanap yung gustong kausapin ako.
At nakita ko siyang nakatayo sa maliit na balcony malapit samin, nakangiti sakin, ningitian ko lang din siya na napansin ng mga chismosa kong kaibigan.
"Kyaa~ si Kuya Hunter!" Sigaw ni Chloe kaya napatigin silang lahat kay Kuya Hunter pati si Mr. Beam napatingin din pero ningitian lang din siya. Kumaway naman si Kuya na akala mo prinsipe sa isang palasyo.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...