10th~Chapter: The Visit

40 6 0
                                    

10th~Chapter: The Visit (EleMagica)

~~~
|Mason's POV|

"Hindi eh."

"Ah sige..." Umalis na yung tinanungan ko.

Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon?

May nangyare sa kanya?

"Kuya Mason?" Napalingon ako dun sa tumawag sakin.

"Hi Caroline! Tulungan na kita." Nakangiting bati ko sa kanya. Napansin ko din na may dala dala siyang maraming libro kaya kinuha ko yun lahat.

"Kaya ko n--" Hindi niya na tuloy kase nakuha ko na.

"Ako na. Ano nga pala ginagawa mo dito?" Nagsimula na kaming maglakad at sinusundan ko siya.

"Babalik ko po sana ito kay Ate Natalia." Tinuro niya yung pinakaibabaw na libro. "Eh ikaw Kuya Mason, ba't ka nandito?"

"Hinahanap ko si Talia kaso nalaman ko na wala pala siya. Hindi daw pumasok." Pagpapaliwanag ko. Hindi din sumasagot sa Messenger si Natalia at lagi lang akong inbox-zone

"Ay absent siya. Hindi ko na po ito mababalik ngayon?" Malungkot na sabe niya sabay tigil sa paglalakad. Sabik din ata siya makausap si Talia dahil hindi naman sila madalas nagkikita malayo kase yung Section Ravengale dito.

"Puwede mo parin naman ibigay sa kanya yan." Nanliwanag naman ang kanyang mga mata. "Uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Kung ganon, halika puntahan natin siya sa bahay nila." Pagaaya ko. Siguro naman nasa kanila ni Natalia noh?

|Natalia's POV|

'Access Denied'

What the!? Bakit ayaw?! Ang dami ko ng natatapos na reports at research pero lahat Access Denied o kaya Request not Accepted!? Anong nangyayare!?

Kinuha ko yung isang laptop ko at sinubukang ihack kaso piniligilan ako makapasok.

Wow ha? Ngayon lang nila ako nablock at pinigilan maghack. Gunagaling na sila ah.

Sinubukan ko pa yung iba kong style kaso ayaw talaga! Ang gusto ko lang naman makapagpasa ako para mabawas bawasan naman yung trabaho ko.

Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong LATE NA AKO SA SCHOOL! Bat hindi nagalarm yung orasan ko!? Patay ako!

*flick*

Tumingin ako sa screen ng laptop ko. Nakita ko na may message para sakin ang Sodiac Ministry of Magic.

Dear Ms.Firewood,
Today is your rest day. We will not be accepting anything that you are willing to pass. Sorry that we did not inform you sooner.
Please take a rest. This is a request from all the Ministry Officials.
We hope you consider our concern about your health. Rest Well!!
- Sodiac Ministry of Magic

Anong kalokohan toh!? Nung isang araw panay message sila sakin na magpasa ako ngayong araw natoh! Tapos ngayon ayaw nila ako payagan magpasa?! Hindi ko na talaga sila maintindihan!

Ininom ko nalang yung tea ko kaso sa sobrang inis ko sumabog ito sa muka ko dahil sa kapangyarihan ko. Buti nalang at hindi nabasa yung mga gamit ko.

Hindi ako naniniwala sa message nato.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagbihis. Hindi nila ako mapiligilan! Walang makakapigil sakin! Humanda sila!

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon