7th~Chapter : He, She, He (Technolia)
~~~
"Ate Natalia! Muntikan ka na sermonan ah!?" Yun agad sinabi sakin ni Liesse ng maayos ko yung sarili ko at nakababa na para sabayan siyang magbreakfast.
"Kaya nga eh buti nalang at--" Hindi natuloy yung sasabihin ko dahil biglang siyang nagsalita.
"At dumating yung prince charming mo~" Pagkasabi niya nun biglang nagningning yung mga mata niya. Patay! Siguradong na-activate na yung isang parte ni Liesse na mahilig gumawa ng kung ano anong kuwento.
"Nako Liesse, wag kang magsimula at siguradong hindi ka na nanaman matatapos." Ningisian ko siya sabay palo ng mahina sa ulo niya para tumigil siya. Ningitian niya lang ako at pinagpatuloy yung pagkain niya. Hay~ Buti nalang at napigilan ko.
"Pero alam mo pasalamat talaga ako at dumating si Mason." Bumalik nanaman yung pagningning nung mata siya at nung magsasalita na siya sinubuan ko siya para hindi makapagsalita.
*Ding* *Dong*
"Aba! Aba! Nandyan na ata ang manliligaw mo Liesse!" sabe ko sabay ngisi sa kanya. Inirapan lang niya ako at binuksan yung pintuan.
|Liesse's POV|
"Bat nanadito ka nanaman?" naiiritang sabe ko sabay taas ng kilay sa kanya. Bat nandito nanaman tong lalaking toh!? Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wag na wag na wag na wag siyang pupunta sa bahay!!
"Kase miss na miss na kita eh~" Ningitian niya ko sabay yakap sakin.
"Bitiwan mo nga ako!" Binitawan niya naman ako tapos biglang hinablot yung bag ko. Naramdaman ko namang tumabi sakin si Ate Natalia at may ngisi sa muka niya.
"Magandang umaga po Ate Fione." Bati niya kay ate at yumuko pa.
"Magandang umaga din Dan. Alagaan mo tong kapatid ko ah! At Mauuna na ako sa inyo. Bye~" Binigay agad sakin ni ate yung susi ng bahay at sabay sakay dun sa anti-gravity bike niya. Kumaway naman kami bago hawakan ni dan yung kamay ko.
"Halika na~" sabay hila sa sakin. Binawi ko naman pabalik yung kamay ko at naunang maglakad sa kanya.
"Bakit ba lagi ka lang cold sakin?" Halata sa boses niya yung lungkot pero wala akong pake lagi nalang niyang tinatanong yan.
"Kase sinasayang mo lang oras mo." Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi nakatingin sa kanya ng sinabi ko yun. Totoo naman eh sinasayang niya lang oras niya.
"Sandali nga Liesse!" Bigla niya hinila yung braso ko para tignan siya. Pero hindi ko akalain na sobrang lapit namin.
"Puwede ba Mr. Dan Jhoseph Harries. Bitawan mo ko." Tinignan niya lang ako at ngumisi. Ano nanamang nasa utak ng lalaking toh?
"Pano pagayaw ko Ms. Zoey Liesse Freed or should I say Mrs. Zoey Liesse Freed-Harries?" Sabi niya sakin sabay taas ng kilay at nilapit niya pa ako sa kanya. Hayyyy ang taas talaga ng pangarap ng isang toh oh!
"Hindi mo ba narinig sinabi ni Liesse na bitawan mo siya?" Biglang may humila sakin palayo kay Dan. Napatingin ako dun sa humila at nagsalita Si! Si Greyson Austin Simpson!? Oh my Gosh!!
"U-um go-goodmorning A-austin." Ngayon ko lang nabati si Austin! Lagi kasi siyang pinalilibutan ng mga fans niya dahil isa siyang idol/singer kahit nasa grade level lang siya. Sa totoo lang isa din niya akong fan!!
"Goodmorning Liesse." Nakangiti siya ng sinabi niya yun. Feeling ko matutunaw ako sa ngiti niya! Kyaaa~ Ang bilis ng tibok ng puso ko!? May heart cancer na ba ako!? Wait bat niya alam pangalan ko?
"Ba-t mo ko ki-lala?" Hindi ko napansin na nauutal ako at nakayuko na ako ng sinabi ko yun. Marunong din pala akong mahiya? Haha bago toh ah!
Nagulat nalang ako ng hawakan niya yung baba ko at tinaas para tumingin ako sa kanya pero lalo akong nagulat sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...