4th~Chapter : Firewood Siblings/Family (Technolia)
~~
(Firewoods' Household in Technolia)
Hay~ Mas ok na yung ganon kaysa naman pagsinabi ko sa kanila na uuwi muna ako, kung ano ano nanaman pagtatanong nung mga babaeng yun.
"Nakauwi na ko!" Pagsigaw ko ng makapasok na ako ng bahay namin.
Nilapag ko muna yung mga gamit ko sa sofa namin, nilagay ko naman yung nabili kong ice cream cake sa ref at pumuntang garden namin. Nakita kong nagdidilig ng halaman si Mama.
"Ma! Ako na po dito. Pahinga na muna kayo. Siguradong kakagaling mo lang ng trabaho." Lumapit ako sa kanya at hinalikan yung pisngi niya at kinuha yung hose para ako na yung magdidilig.
"Ang aga mo naman ata nakauwi?" Tanong niya sabay upo dun sa swing na nakatali sa malaking Cherry Blossom tree na nasa gitna ng garden.
"May bagong task po sakin yung Sodiac Ministry of Magic at pinauwi na agad ako para makapagresearch at examine yung ibang file na binigay." Sabe ko sabay dilig dun sa mga blue roses na ako ang nagpatubo.
"Sunod sunod naman ata?" Pagaalala ni Mama at lumapit sa akin at hinawakan yung buhok ko. Sinimulan niyang ibraid ito.
"Hindi naman po. Iisa lang yung binigay kahapon at ngayon. Inulit lang po nila yung sinabi nila sa meeting pero nasagot naman po nila yung mga tanong ko na naisip ko lang din kanina." Pagsagot ko at tsyaka naramdaman kong tinali ni Mama ng Sky Blue na ribbon yung buhok ko para hindi matanggal yung pagka-braid.
"Ahh ganon ba? Sige basta wag kang magpapagod masyado sa mga assignments mo~ Ikaw na bahala dyan matutulog muna ako." Tumango ako at hinalikan yung pisngi olit ni Mama. Pumasok na ito ng bahay habang ako naman ay pinagpatuloy yung pagdidilig ko.
Nang matapos ay umupo muna ako dun sa swing at pinagmasdan yung garden na pinaghirapan naming magkakapatid na gawin. Wala kaming ginamit na machine para mapabilis ang paggaayos ng garden, mga kamay lang namin na may konting magic at mga ibang equipments para sa paghukay.
~flashback~
"Hello Pa, distract mo pa si Mama, please! Hindi pa kase ready!" Narinig kong sigaw ni Liesse sa phone, kausap si Papa.
"Sige try ko pero isang lugar nalang naiisip kong pupuntahan namin, eh." Sagot naman ni Papa sa kabilang line. "Dalian niyo ah baka mahalata na ko nito."
"Opo Pa, salamat po! Try din po namin matapos ng mga 4 ng hapon." Sagot naman ni Liesse at binaba yung phone niya at tumingin sakin. Tumingin naman ako sa orasan ko at nakita kong tatlong oras nalang at makakauwi na sila.
"Ate Vanessa, tawagin nalang po kita mamaya pagkailangan na." Nakangiting sabi niya at kinuha yung fertilizer na hawak ko.
"Sigurado ka ba na kaya mo na toh?" Pagaalala ko pero tumayo na ako at tinignan ang paligid.
Marami na din kaming natanim na iba't ibang klase ng bulaklak sa kanang side ng garden at sa kaliwang side naman mga herbs,vegetables at fruits. Buong araw kaming nagtanim magkakapatid.
"Opo ako pa! Tsyaka konting ayos nalang po, ok na~" Tumayo siya at sinimulan akong itulak papuntang pintuan at papasok ng bahay.
"Oh ate Vanessa, ligo ka na po para makaluto ka na po ng paborito ni Mama!" nakangiting sabe niya kaya wala na din akong nagawa kundi sundin siya.
Naligo muna ako bago pumunta ng kitchen para mapagluto si Mama. Buti nalang at kinulit ko (at sa tulong ni sobrang kulit na si Liesse) ng sobra si Kuya Hunter na gamitin yung pera niya para makabili ng mga iluluto. Sobrang hirap pa naman ang pinagdaanan ko/namin para mapa-oo ko siya.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...