2nd~Chapter : Short Duel

225 10 0
                                    

2nd~Chapter: A Short Duel Between Two Girls (EleMagica)

~~~
|Mason's POV|

Kababa ko lang ng Section ko ng biglang lumindol ng malakas. Buti na lamang at isa sa mga Element ko ay Earth. Yung tinatapakan ko lang ang hindi nagalaw at walang crack.

Pinaramdaman ko kung saan galing yung paglindol at nalaman kong galing itong Open Field.

Dali dali akong pumunta doon at nalaman kong maraming tao na ang nanonood sa mga naglalabanan.

Sino kaya yung nagaaway??

Dahil nga maraming tao napagdesisyonan kong lamunin ako ng lupa at lumabas kung saan malapit sa nagaaway.

Pagahon ko mula sa lupa nakilala ko agad kung sino ang mga gumagawa ng gulo. Lalo na siya kilalang kilala ko siya kahit hindi niya alam. Pero hindi ako stalker ha...

Si Talia

Muntikan na akong liparin dahil sa lakas ng hanging napinakawalan ni Natalia mula sa pakpak niya. Buti nalang at nakalapag ako sa element ko.

Mukang matagal na labanan nanaman toh...

|Natalia's POV|

Mabagal akong naglakad papunta sa kanya at dahan dahang nagsalita.

"Puwede ko bang kunin yung libro ko, Athena?" Nilahad ko ang aking kamay para ibigay niya sakin pero tinignan niya lang ako at hinagis yung libro ko dun sa mga bruha-este- "kaibigan" niyang kasama.

Buti nalang at nilagyan ko yun ng spell para hindi nila mabuksan at iba ang nakasulat sa libro na ako lang ang nakakapagbasa.

"So sayo pala yung abnormal na librong yun, Natalia? Kaya pala ang freaky eh." Sabi niya sabay taas ng kilay sakin at nagcross-arms.

Yan nanaman si bruha-este-Athena na aawayin nanaman ako.

"Kakasabi ko lang diba, bingi lang?! Sayang kagandahan kung bingi lang pala.. tsk" Pamimilosopo ko sa kanya at ginaya yung mataas niya kilay.

Yung itsura niya parang gusto niya akong hiwain sa gitna dahil sa sobrang talim ng tingin niya. Pero pinigilan niya yung sarili niya at ngumisi.

"Alam kong-"simula niya.

"Na bingi ka?"sabi ko naman.

"- na maganda ako. Pero hindi ako bingi." Sabay nun hinawi niya yung buhok niya.

Umirap lang ako sa kanya at lumapit dun sa mga "kaibigan" niya para kunin yung libro ko ng biglang...

"San ka pupunta, aber?"

Bigla biglang may humarang sakin na earth fox sa harapan ko para hindi ako makalapit dun sa mga "kaibigan" ni Athena.

"Gusto ko lang kunin yung libro ko at makaalis na." Madiing sabi ko sabay tingin ng masama kay Athena.

Nagsimula akong humakbang kaso singungaban ako ng earth fox niya kaya napahiga ako at ang earth fox niya nasa dibdib ko.

Putek naman oh!! Ang hirap kayang maglaba!! Porket siya mayaman, may tagalaba eh ako wala. Ako lang ang naglalaba ng mga damit ko. Pero buti nalang nakashort ako sa ilalim ng palda ko, kase naman ang ikli ng palda dito!

Ang sama ng tingin ng earth fox niya sakin bago tumalon paalis sakin at tumabi dun sa amo niya.

Tumayo ako at tinignan yung likod ng damit ko. Literal na potek! Ang dumi!! Nakakainis naman oh!!

"Aww... Galit ka kase nadumihan yung uniform mo? Kawawa ka naman" Nakangisi niyang sabe pero nawala din yun at napalitan ng pagkagulat.

"Ahhh!"

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon